9 : Secret Admirer

30 2 0
                                    

[Brielle's]

Halos gabi na nang magising ako, sobrang pagod ko sa mga ginawa namin kahapon ni Lance. Bumaba ako para kumain, dahil kanina pang umaga pabalik-balik si Mommy dito sa kwarto ko.

"Bri, nakahanda na ang pagkain." nakangiting sabi ni Mommy, kaya naman naglakad na ako papuntang dinning room.

Hindi ko namalayang sumunod pala si Mommy, naupo na ako at kumuha na ng pagkain.

"Kanina pa kita ginigising, para sana kumain. Kaso ang lagi mong sagot ay 5 minutes, mukhang napagod ka kahapon ah?" Naupo si Mommy sa tabi ko.

"Yes, Mom. Ang dami naming ginawa ni Lance kahapon, nakalimutan ko lahat ng problemang meron ako." nagsimula akong kumain ng may ngiti sa labi.

"Masaya ako, dahil masaya ka. And I want to thank Lance, dahil nagagawa ka niyang pangitiin." mas napangiti ako sa sinabi ni Mommy.

"Mom, asan pala si Daddy?" Tanong ko. "In his office, as usual." Sambit niya.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ni Mommy, tungkol sa ginawa namin ni Lance. Nang matapos naman akong kumain ay agad din akong umakyat sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko para icheck, nakita ko ang 5 messages nang buksan ko ay galing lahat kay Lance. I pressed the call button and wait him to answer it.

"Sup? Napasarap ata tulog natin ah, nanggaling na ako dyan sa inyo kanina. Sabi nit Tita, tulog ka pa raw." natatawa nyang bungad sakin. Inirapan ko naman siya.

"Napagod ako eh, bakit ba?" Pag-tataray ko na ikinatawa lang niya.

"Oo na, ano ng gagawin mo ngayon?" tanong niya habang tatawa tawa pa rin.

"Edi matutulog ulit. Tuesday pa dating ng kotse ko, sabay ulit ako sayo bukas ah." naka-ngiting nagpapacute na sabi ko, napakamot naman siya sa ulo.

"Ano pa nga ba? Daan nalang ako bukas dyan, Daddy mo na naman bubungad sakin." natawa ako sa sinabi niya, tuwing umaga kasi ay si Daddy ang nagbubukas ng gate para sakanya.

"Hindi naman nangangain si Daddy, Lance." tumatawa kong sabi, habang siya naman ay nakanguso na.

"Sige na tutulog na ulit ako, ayusin mo mukha mo. Mukha kang pato." Tumatawang inend ko ang call.

Habang nakahiga at tumitingin ng magandang story sa wattpad ay naalala ko ang notebook na binigay ni Lance. Tumayo ako para kunin 'yon sa study table ko, kasama ang ballpen.

"Help me, Purple. Anong isusulat ko sa iyo?" parang nasisiraang tanong ko sa notebook.

Napagdesisyunan kong isulat ang mga nangyari kahapon, nakangiti lang ako habang isinasalaysay ang bawat pangyayari. Nang makaramdam ako ng antok ay nilagay ko muna sa side table ang notebook at hinayaang makatulog ang sarili ko.

***

"Hindi mo na kailangang malungkot pa, ngayong ako'y andito na. I 'll be always by your side."

Gusto ko pa sanang ituloy ang panaginip ko, pero hindi ko na 'yun nagawa pa. Tumatak sakin ang sinabi ng lalaking walang mukha, habang sinasabi niya 'yun ay may luhang umaagos sa mga mata ko. Who is he?

Naligo nalang ako para mawala sa utak ko ang mga iyon, alas-sais na nang bumaba ako para kumain. Ang sabi sa akin ng mga maid ay umalis si Mom at Dad ng maaga, at ang sabi ay mamaya na ang balik ni Lola Eli dito.

Mabilis kong natapos ang pagkain dahil ako lang naman mag-isa, nang marinig ko ang busina sa labas ay kinuha ko na ang bag ko sa sala.

Nang makalabas ako ay naghihintay na si Lance, at nang makita naman niya ako ay binuksan na niya ang pinto ng kotse.

"Ang aga natin ngayon." Tatawa tawa niyang sabi, these past few days kasi noong kasabay niya ako ay halos malate kami lagi.

"Sorry akin ah." I rolled my eyes, kinuha ko ang dalawang beng beng sa bag ko at inabot sakanya ang isa. Dahil sa kakabeng beng ko ay pati si Lance naging paborito na rin 'to.

"Yoon! Isang beng beng lang pwede nang bayad." agad naman niyang kinuha iyon at nilagay sa bulsa niya. Napailing nalang ako dahil masyado na rin siyang adik sa beng beng.

"Halika na, dami pang sinasabi eh." Nakangiti kong sambit, agad naman niyang pinaandar ang kotse at nagdrive na papuntang school.

Nang makarating kami sa school ay iilan palang ang tao, napaaga nga yata kami. Natawa nalang ako sa iniisip ko.

"Lance, maaga pa naman. Samahan mo ako, may kukunin lang akong libro sa locker ko." Tumango lang siya bilang sagot, dahil may inaayos siya sa loob ng kotse.

Nang makalabas na siya ay sabay kaming pumunta sa locker room. Agad akong pumunta sa locker ko, no. 24. Binuksan mo naman agad at kinuha ang librong kailangan ko nang mahulog ang kulay pulang papel.

"Sayo 'to?" Pinulot naman ni Lance 'yon, nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam kung kanino 'yon.

Inabot niya naman sakin at binuksan ko agad 'yon. Ilang minuto ko itong binasa.

Hi Brielle,

        Alam kong masyado nang late ang pag-amin ko, pero gusto ko lang malaman mo na matagal na kitang mahal. Sana ay hindi pa huli ang lahat para sakin, sana mapansin mo ako. Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo, nagkaroon ako ng pagkakaton pero hindi rin nagtagal. Brielle, mahal kita matagal na.

Your secret lover

"Brie, anong laman?" chismosong tanong ni Lance. Inabot ko naman sakanya at hinayaan siyang basahin din ang letter, habang sinara ko naman ang locker ko.

"Isang malaking sana all, Brie. Alamin mo kung sino para naman di ka na lonely." Inabot niya ulit sakin ung sulat at naglakad na kami palabas ng locker room.

"Hindi naman ako lonely, andyan ka kaya." Nakaturo sakanyang sambit ko, napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Sabagay, sakin palang panalo ka na." He cutely chuckled. Siniko ko nalang siya, dahil humahangin na naman.

"Pero anong gagawin mo? Kung sakaling malaman mo kung sino 'yang secret admirer mo?" Nang-iintrigang tanong niya.

"Wala, ayoko muna. Masyado na akong takot, para mag take pa ulit ng risk." Malapit na kami sa building ko ng bigla siyang tumigil.

"What if hulihin natin kung sino 'yang secret admirer mo? Exciting 'yon." mukha ngang exciting, halata sa mukha niya ang excitement eh.

"Saka na, kapag tapos na ang exams. Sa ngayon, magreview ka muna. Kung ano ano iniisip mo." tinalikuran ko na siya at nag-wave ng kamay, pumasok na ako sa building namin at hinanap si Irish pero pagdating ko sa room ay wala siya. Siguro maaga pa masyado.

Naupo nalang ako sa upuan ko at kinuha ulit ang sulat. Kung sino man ang nagbigay nito, malalaman ko rin kung sino.

I'm afraid to take the risk, ayoko nang masaktan ulit at lumabas na mahina. Kaya kung sino man ang nagbigay nito, mukhang masasaktan ko ng husto.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now