7 : A Friendly Date

34 1 0
                                    

[Brielle's]

Until now usap-usapan pa rin ang nangyari 'nung tuesday. Friday na ngayon, pero 'yun pa rin ang topic ng mga tao.

"Wag mo nalang sila bigyan ng pansin, mga kulang lang sa aruga yan." Natawa naman ako sa sinabi ni Lance. Sakanya pa rin ako nakikisabay, dahil hanggang ngayon ay nasa pagawaan pa rin ang kotse ko.

"Hindi ba sila nagsasawa sa topic na 'yon? Kasi ako sawang sawa na." Napairap nalang ako sa kawalan.

"Alam mo naman ang mga tao, hindi marunong manahimik. Sige na akyat ka na sa room mo." Nakangiti nyang sabi sakin habang nakanguso sa bulding namin.

Nakanguso akong tumango at naglakad na papasok ng building. Lahat ng studyanteng nakakasalubong ko ay ako ang bulung-bulungan. Hindi ko nalang 'yon pinansin pa gaya nang sabi ni Lance, at nagpatuloy na sa room ko.

"Elleeee!" Napatingin ako sa tumawag sakin, isang tao lang ang tumatawag sakin 'nun. Si Irish.

"Namiss kita!" Sabi nya nang makalapit sya sakin, agad ko naman syang niyakap.

"Namiss din kita." Nakangiti ko syang hinarap sakin.

"Nabalitaan ko ung nangyari." Panimula nya, nakangiti pa rin ako sakanya. Alam ko kasing mas magagalit sya kung iiyak ako, dahil kay Tyler.

"Sorry, dapat pala naniwala nalang ako sayo noon." Sambit ko. Ngumiti naman sya sakin, na ipinagtaka ko.

"It's ok, Elle. Atleast wala na sya sa buhay mo, and as I can see. Natutunan mo na 'yung aral sa nangyari sayo." Niyakap nya ako ulit, sabay na kaming naglakad papunta sa upuan namin.

***

Nagkaklase ang huling subject teacher namin para ngayong umaga, nang kalabitin ako ni Ish. Tumingin naman ako agad sakanya.

"May itatanong pala ako sayo mamaya." Tumango lang ako sakanya at nakinig na ulit.

Nang tumunog ang bell ay kanya kanya na silang labas ng room at pagpunta sa cafeteria. Tumayo na rin kami ni Ish at inayos ang notebook na nasa table namin.

"Balita ko, nag-away kayo ni Monica ah. What happen ba? Baka kasi ung nalalaman ko, eh may dagdag na." Natatawa nyang tanong sakin, nakoo talaga ang babaeng 'to.

"Hmm... 'yun na nga, inaway nya ako kasi daw napostpone ung kissing scene nila. Malay ko bang may show pala papuntang parking lot, edi sana hindi na muna ako pumunta 'don." I rolled my eyes. Lalo syang natawa sa sinabi ko.

"Since high school naman, may saltik na talaga ang babaeng 'yon. Hayaan mo nalang. Isa pa, balita ko madalas kayong magkasama ni Lance." Napatingin naman ako sakanya.

"Nasira kasi ang kotse ko, kaya sakanya muna ako sumasabay. Actually, nahihiya na nga ako eh." Nag-aalangan kong tugon sakanya.

"Wag ka mag-alala, ako bahala doon 'pag nagreklamo.  Sumbong ko 'yon kay Tita." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Ayan na pala sya eh. Couz! Dito!" Lalo naman akong naguluhan sa sinabi ni Ish.

"Welcome back! Risheng!" Niyakap naman ni Ish si Lance.

"Couz? You mean cousin?" Napatingin naman sakin ung dalawa.

"Oo, hindi ba sinabi sayo nitong kulokoy na 'to?" Agad naman akong umiling, ang sabi nya sakin ay kakilala lang nya si Irish.

"Sorry na, akala ko nasabi ko na eh." Nagkakamot sa batok na sabi nya.

"Ok lang, tara na sa caf. baka wala na tayong table na maabutan." Suggest ko, agad naman kaming naglakad papuntang cafeteria.

Pagpasok namin sa loob ay iisang table nalang ang natira, naupo na kami ni Ish at si Lance na daw ang bahala sa pagkain.

"Anong meron sa inyo?" Pang-iintriga ni Irish. Napatingin naman ako sakanya nang nagtataka.

"We're friends."

"Since then?" Hindi talaga titigil ang babaeng 'to.

"Since the day Tyler broke my heart. Ok na?" Inirapan ko naman sya, napaka-chismosa talaga.

"Food is here!" Sigaw ni Lance. Agad naman kaming kumuha ni Irish.

"Brie, bukas ah. Ung sinabi mo." Napatampal nalang ako sa noo ko, alam ko na ang sus-

"Anong meron bukas?" I knew it, sabi na hindi titigil 'to eh.

"Friendly date." Casual na sabi ni Lance, habang kumakain.

Tahimik lang ako dahil kapag nagsalita ako, panigurado sandamakmak na tanong ang aabutin ko.

"Sana all." Nakangusong tugon ni Irish, natawa naman ako sa sinabi nya. Anong sana all dun?

Natapos kaming kumain ng walang gulong nangyayari, mabuti naman. Naglalakad na kami pabalik sa mga building namin, nang harangin kami nila Sirene.

"Ano na namang kailangan nyo?" Tanong ko, pero hindi sya sakin nakatingin kundi kay Lance.

"Manahimik ka, Loser. Hindi ikaw ang pinunta ko dito." Napairap nalang ako sa kawalan, umandar na naman kaartehan nya.

"Someone likes you and she wants to meet you tomorrow." Diretsong  sabi nya kay Lance, habang ang loko parang wala lang narinig.

"At sino naman? Hindi pwede si Lance." Nakasimangot na sabi ni Irish.

"I'm not talking to you, Bitch." Magsasalita pa sana si Irish, pero pinigilan ko na siya.

"May date kami ni Brie bukas eh, wag nalang." Masamang tingin ang binigay sakin ni Sirene.

"I'm not doing anything to you and correction, it's just a friendly date." Inunahan ko na sya, bigo naman syang umalis sa harap namin.

Nagtawanan naman kaming tatlo habang naglalakad, humiwalay na si Lance at kami naman ay umakyat na sa room.

***

Maagang natapos ang klase namin, nagpaalam na ko kay Irish na uuna na dahil masama ang pakiramdam ko. Kaya naman nagdrive na ko nang mabilis pauwi.

Nakatulog ako at nagising ng hating-gabi. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil bumalik na rin ako sa pagtulog.

Umaga na nang magising ako ulit, naginat muna ako bago ayusin kama ko.

9 am ang alis namin ni Lance, at 8 am na. Nang maayos ko na ang kama ay agad na akong naligo, mabilis naman akong natapos maligo at magbihis. Inayos ko na ang buhok ko, naglagay din ng light make up.

Bumaba na ako para magpaalam kila Daddy, nakita ko naman sila sa sala.

"Good morning Mom. Good morning Dad." Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi.

"I'll be at the mall lang, kasama ko po si Lance. Baka po hapon na ako makabalik." Pagpapaalam ko, napangiti naman si Mommy sa sinabi ko. Samantalang si Daddy ay hindi maipinta ang mukha.

"Napapadalas na ang pagsama mo sa lalaking 'yan, Brielle." Nginitian ko lang si Daddy, naupo ako sa tabi nya at niyakap sya.

"He's a good guy, Dad. Saka we're just friends." Nag-nod naman sya sa sinabi ko. I kiss him again on his cheek, at nagpaalam na.

Nakita ko si Lance, nakasandal sa kotse nya. He's wearing a maong short and white shirt while I'm wearing a black skirt and pink shirt.

Lumapit na ako sakanya, "Let's go na." binuksan nya ang pinto at sumakay naman ako.

"Let's forget everything today. Today is our free day." Napangiti ako sa sinabi nya.

Araw para kalimutan ang lahat, lahat ng nangyari sa buong linggong nagdaan.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt