16 : I love you, goodbye.

20 2 0
                                    

[Lance's]

"Brie?"

The moment I saw her face, I know deep in my heart that she's still the one I love. Bali-baliktarin man ang mundo, walang magbabago sa nararamdaman ko sa babaeng nasa harapan ko sa mga oras na 'to. Kung pwede lang sanang ibalik ang panahon, sana ipinaglaban ko siya, sana hindi ko siya pinakawalan, sana nakinig ako sa sigaw ng puso ko.

***

"You will marry Sirene! Whether you like it or not! That's my decision and it's final!"

I don't love her, hindi ko mahal ang babaeng gusto nilang itali sa'kin. Bakit ba hindi niya maintindihan 'yon?

"Dad, how many times do I have to tell you that I don't love her? Please stop this! Mas lalo ko lang napapatunayan na wala kayong kwentang magulang."

Sampal ang ibinigay sa'kin ni Mommy, I know mali ang ginawa ko pero tama naman ako diba?

"How dare you talk to us like that?! Wala ka sa posisyon mo ngayon kung hindi dahil sa'min ng Daddy mo!"

This is the reason why I'm so bothered these past few days, at alam kong naaapektuhan na si Brielle.

"Is it because of that Brielle? Makipaghiwalay ka na sa kanya! Alam mo bang tinanggihan tayo ng kompanya nila? Ayoko sa babaeng 'yon, tama na ang isang taon na pinayagan kitang makasama siya. Kilala mo ako, Lance. Once you disobey me, alam mo na ang kapalit."

Bagsak ang balikat na umalis ako ng bahay, ayoko nang masaktan pa ng tuluyan si Brielle. Siguro mas makakabuti na rin na maghiwalay na kaming dalawa, it's for her own good.

NASA labas ako ng coffee shop kung saan kami magkikita ni Brielle, nakikita ko siya ngayon mula rito sa kinatatayuan ko. Pinipigil ko ang sarili kong maging mahina, kailangan ko ipakita na matatag ako. Pumasok ako sa loob at lumapit sa kanya.

"Brielle."

Ang sakit na kailangan kong gawin ito, kailangan kong saktan ang taong alam kong itinitibok ng puso ko. Bakit ba kasi napakadaya ng mundo? Gusto ko siyang ipaglaban, pero hindi ko alam kung papaano.

"Let me go, alam kong alam mo na hindi na ako masaya. Ayokong masaktan kita kaya please, bumitaw ka na. Save yourself for me."

Pigil ang hiningang sambit ko, para akong sinasaksak sa mga salitang binitawan ko. Mahal na mahal ko ang babaeng nasa harap ko, pero mukhang hindi pa nga ito ang panahong para sa amin. Maghihintay ako hanggang sa susunod na buhay.

"L-lance, paano ung mga nangyari? S-sabi mo papakasalan mo ko?" gustong gusto ko, Brielle. Gustong gusto ko, pero ayaw ng tadhana.

"Wala namang nabuo diba?" hindi ko napigilan ang sarili ko, kailangan kong saktan ka. Dahil ito lang ang paraan para makalimutan mo ako sa mas mabilis na paraan.

"Itatapon mo nalang ung isang taon na 'yon? Lance naman, mag-isip ka!"

No, don't cry. Mas triple ung sakit kapag nakikita kitang umiiyak, please be strong.

"Brielle, ayokong mas masaktan pa kita. Kaya please? Let me go, wag mo nang pahirapan ang sarili mo pati a--"

Isang sampal ang binigay niya sa akin, deserve ko 'to. Umiiyak siyang umalis sa coffee shop, habang ako ay hindi na pinigilan pa ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

ILANG oras din akong nasa loob ng coffee shop na 'yon, maraming tumitingin pero hindi ko na sila binigyan pa ng atensyon.

Umuwi ako sa bahay kahit ayaw ko na talagang umuwi pa rito, si Daddy agad ang unang sumalubong sa akin.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now