8 : His True Feelings

29 2 0
                                    

[Brielle's]

Nakarating kami sa SM ng 9:30. Nagpark lang sya at bumaba na rin kami.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong nya sakin. Nilibot ko naman ang paningin ko, para makahanap ng kakainan.

"Dun nalang tayo." Sabi ko, habang nakaturo sa Jollibee. Tumango naman sya at sabay kaming naglakad papunta roon.

Nang makapasok kami ay naupo agad ako sa table malapit sa window. Nakapila na si Lance para umorder, kaya naman kinuha ko muna ang phone ko.

Nag-scroll lang ako sa social media accounts ko, wala pang 5 minutes ay dumating na si Lance dala ang pagkain namin.

"Eto na, let's eat na." Nilapag nya sa harap ko ang plate na may chicken at rice, kinuha ko naman 'yun pati na rin ang coke float na nasa tray pa.

"Saan tayo pagkakain?" Tanong nya, nagsimula na akong kumain habang sya naman ay inaayos pa ang rice nya.

"National Bookstore, bibili akong mga libro." Sambit ko, napatingin ako sakanya nang maramdaman kong tumigil siya sa ginagawa nya.

"Wala pa ring laman si Purple?" Naka-nguso nyang tanong, naalala na naman nya 'yung notebook na 'yon.

"Wala pa nga, wala pa akong oras para lagyan ng laman 'yon." Paliwanag ko, nagkibit-balikat nalang sya at nagsimula nang kumain.

Malalagyan ko rin 'yon ng laman, I just need inspiration. In the right time and place, gagamitin ko ang notebook na 'yon. Napangiti nalang ako sa naisip ko.

"Bakit?" Napatingin ako kay Lance, umiling nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

***

Nang matapos kami ay umakyat agad kami para hanapin ang NBS, may mga libro akong gustong basahin.

Nang nahanap namin ang NBS ay agad akong pumasok, para hanapin ang librong hinahanap ko. Nang mahawakan ko 'yon ay parang may kung anong bigat sa dibdib ko.

"Ok ka lang ba?" Napatingin ako sa gawi ni Lance.

"The moment I touched the book, a sudden feeling crossed into my heart," sambit ko. Nakatingin lang siya sakin.

"You can ignore it, but your talent will surely haunt you." Seryoso nyang sambit, bago kunin ang libro sa kamay ko.

"Mas mabuting mahanap mo na ang genre mo." Nakangiti niyang sabi, bago lumapit sa counter para bayaran ang librong kinuha ko.

This store will be filled with my works, someday.

***

Nang mabili ko na ang libro ay agad kaming lumbas. Naupo muna kami, at sinilip ko ang librong binili ko.

"Tara, Tom's World tayo." Sabi nya, kaya naman napatingin ako sakanya. Namimiss ko na rin pumunta ron, kaya tumango ako.

"Tara naaa!" Matinis na sigaw ko, para akong batang nabigyan ng kendi.

Mabilis kaming nakarating sa Tom's World. Agad naman akong pumasok at pumila, para makabili ng tokens. Habang ang kasama ko ay nakapila sa likod ko.

"Ang cute mo." Bulong nya sakin, kaya naman humarap ako sakanya.

"I know." I smiled sweetly at him. Natapos bumili ang tao sa harap ko, kaya turn ko na.

"Todo na po 'yang 100 pesos." Nakangiti kong sabi doon sa babae. Agad naman nyang inayos ang binili kong tokens.

Naghintay akong matapos si Lance sa pagbili, at sabay kaming lumibot muna sa Tom's World.

"Lance! Doon tayo sa basketball! Pataasan ng score." Aya ko sa kanya. Agad naman siyang tumango.

"Ready? Game!" Sabay kaming nag-hulog ng token, nang malaglag ang bola ay agad akong kumuha para i-shoot.

Sa tuwing nakaka-shoot ay napapasigaw ako dahil sa tuwa, ganoon din naman si Lance. Buong laro ay puro tawa at sigaw ang ginawa namin.

"I got 150!" Sigaw ko, nawala ang ngiti ko nang makita ang score nya.

"200." Mayabang na sabi nya, inirapan ko naman siya.

"Oo na. Tsk." Inis na sabi ko, pero nawala din 'yon dahil sa ngiti ni Lance. Aissh! Ano bang meron?

***

Ilang laro pa ang nilaro namin, hanggang sa maubos ang lahat ng token na meron kami. Inabot na rin kami ng gabi kakalaro. Naupo muna kami sa labas ng Tom's World, nang makakita kami ng upuan doon.

"Thank you sa pag-sama sa akin ah. Nalimutan ko lahat ng sakit ng ulo na naramdaman ko ngayong week." Nakangiti kong sambit sakanya. Ngumiti naman siya at inakbayan ako.

"Ako din, nalimutan ko nga na naging nakakatakot ka nung nag-away kayo ni Monica eh." Siniko ko siya sa tagiliran.

"Nakalimutan mo pa yan ah." Tumawa naman siya sa sinabi ko.

"Nalimutan ko din na nikis-" tinakpan ko ang bibig nya, alam ko na ang sasabihin nito eh. Simula nang mangyari 'yon ay lagi na niya akong inaasar.

"Limot ko na nga eh! Pinaalala pa!" Sigaw ko sakanya, napatakitp naman siya sa tenga.

"Oo na, oo na. Hindi na nga eh, nakakabingi ka talaga." Pagrereklamo nya, natawa naman ako sa itsura niya.

"Ang panget mo. Punta tayong playground." Aya ko sakanya, sumama lalo ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

"I'm handsome." Napangiwi naman ako sa sinabi nya, natawa ako dahil parang bata siyang sumimangot.

"Halika na nga!" Hinila ko siya at lumabas ng Mall, may nakita kasi ako kaninang playground dito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nya sakin, pero hindi ko siya sinagot. Nang makita ko na ang pupuntahan namin, ay hinila ko siya patakbo roon.

"Dito, gusto ko maupo sa swing." Sambit ko, nauna na akong lumapit sa duyan at naupo. Sumunod naman siya at naupo rin sa isa pa.

"I want to see you, achieving your dream." Sabi nya habang nakatingin sa langit.

"Why are you keep on pushing me to achieve my dream?" Lagi niya kasing sinasabi sakin, na kailangan maabot ko ang pangarap ko.

"Sa kabila ng kasikatan ko sa school natin, hindi pa rin magbabago ang katotohanang mag-isa ako." Ngayon ko lang siya nakitang malungkot. Simula nang makilala ko siya, lagi nyang pinapagaan ang pakiramdam ko.

"I want you to achieve your dreams, why? Kasi hindi ko kayang gawin 'yon sa sarili ko. Funny right? I keep on cheering you for you to achieve your dreams, but I can't do it to myself. Maswerte ka, Brie. Ikaw may choice, samantalang ako wala." Kita ko ang sakit sa mata nya, hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaraanan nya.

"Kahit hindi mo magawa ang gusto mo, one thing is for sure. Hindi ka nag-iisa, andito kaya ako." Nakangiti kong sabi sakanya, naging dahilan 'yon para ngumiti din siya.

"Uwi na tayo? Masyado tayong napagod ngayong araw." Sambit nya, tumango naman ako at sabay na kaming pumuntang parking lot.

Habang nasa biyahe ay puro kwento lang ang ginawa nya, kung kakikilala mo palang sakanya ay hindi mo iisipin na may lungkot pala siyang dinadala. Puro ngiti ang binibigay nya, at hindi hinahayaang lumabas ang luha.

"Andito na tayo, Brie." Nabalik ako sa realidad dahil sa sinabi nya.

"Salamat ulit ah. Next time ulit, atsaka Lance." tinaasan nya ako ng kilay, "You're not alone, I'm here na." Nginitian ko siya ng matamis, mas lalo namang lumapad ang ngiti nya.

I waved at him nang paandarin na niya ang kotse, ako naman ay pumasok na.

I'll cheer him. Gaya ng ginawa nya sakin.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz