22 : Gift

18 1 0
                                    

[Lance's]

I was crying when I saw a picture on the table, agad kong kinuha 'yon at nakita ang batang kasama ni Brielle sa Mall. Napangiti ako dahil sa ngiting nakapinta sa mga labi niya, ilang minuto ko rin 'yong tinitigan.

Tinignan ko ang likod ng picture, I saw a letter.

To Daddy,
Hi Daddy! I really want to meet you na po, kaso Mommy doesn't want pa. For now, susundin ko po muna si Mommy but Daddy if ever you'll read this letter, I want you to know po na I love you so much even though you hurt Mommy. I know you don't want to hurt her, so I already forgave you na po. I love you Daddy!

Your Baby,
Zienna Isabella

She really wants to meet her Daddy, ayoko nang ipagkait pa sa anak ko ang katotohanan. Ikaw ang ama niya, Lance. Saturday sa lugar na nakasaksi sa ating pagmamahalan, maghihintay siya sa lugar na 'yon. This will be the last gift I'll be giving you.

- Brielle

Lalong tumulo ang luha ko dahil sa mga nabasa ko, muli kong tinitigan ang litrato niya. Ang litrato ng anak ko, hindi ko alam na nagbunga ang pagmamahalan namin. Niyakap ko ang litratong hawak ko, at walang mapaglagyan ang saya sa puso ko.

"I'll be there, sweetie. Darating si Daddy."

Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay hawak ko pa rin ang litrato ng anak ko, kailangan kong bumawi sa kanya dahil matagal akong wala sa piling niya.

"Where have you been? Kanina ka pa hinahanap ni Laurence." bungad ni Sirene nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"May kinausap lang ako." diretso kong sagot sa kanya.

"Sino? Si Brielle?" bahagya siyang natawa. "Sino pa nga ba? Eh siya lang naman ang gustong gusto mong makausap." nakatingin lang ako sa kanya.

"Kung pag-aawayan lang natin 'to, aakyat nalang ako. Sawa na ako makipag-away sa'yo." naglakad na ako palampas sa kanya para pumunta sa kwarto ng anak ko.

"Kapag nalaman kong nakipag-kita ka na naman sa babaeng 'yon, makakarating na sa Daddy mo 'to. Sinasabi ko sa'yo, Lance. Alam mo kung ano ang kayang gawin ni Daddy." napatigil ako sa sinabi niya, naging dahilan 'yon para harapin ko ulit siya.

"Yeah, and I'm his son. Hindi n'yo pa alam ang kaya kong gawin. Alam nyo at lalong lalo ka na, na napilitan lang ako sa kasalang naganap sampung taon na ang nakalipas." natahimik siya sa sinabi ko.

"Naduwag ako noon, pero hindi na ngayon. Kapag may nangyari sa babaeng 'yon, baka makalimutan kong asawa kita at ina ng anak ko. Kung akala n'yo na matatakot n'yo pa ako, nagkakamali kayo." tinalikuran ko siya. "Tinuruan n'yo ako kung paano ipaglaban ang dapat kong ipinaglaban noon pa."

Iniwan ko siya doon at umakyat sa kwarto ni Laurence, pumasok ako at nakita siyang naglalaro ng mga kotse niya.

"Daddy!" sigaw niya nang makita ako, agad naman siyang tumakbo palapit sa'kin at niyakap ako.

"I heard you're looking for daddy? Daddy is here!" niyakap ko siya pabalik.

"Daddy?" humarap siya sa akin at nakita ang picture na hawak ko.

"She's the daughter of the woman who takes care of me, nung nawala po ako sa mall." napatingin ako kay Laurence.

"Really?" tanong ko, nakita ko naman siyang tumango.

So, si Brielle pala ang nakakita sa kanya nang mawala siya sa mall dahil sa kapabayaan ni Sirene.

"I like her nga po eh, because she's cute and kind." humahagikhik na sabi ng anak ko.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now