2 : Call

65 4 0
                                    

[Brielle's]

Bumaba ako nang kuntento na ko sa itsura ko, nagugutom na rin ako dahil hapon na rin. Bago ako bumaba ay nakita ko na si Mommy.

"Bri, saan ka galing?" Si Mommy ang bumungad sa'kin, siguro ay nasa office pa rin si Dad.

"Somewhere." Hindi ako galit sa kanila, tampo siguro oo.

"Nagmeryenda ka na ba?" Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa pinaka-gitnang bahagi ng bahay. It's already 3 pm na pala.

"Hindi pa, Mom." Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Come with me, I'll prepare snack for you." Naka-ngiti niyang sambit.

Nagpunta kami sa kitchen at pinaupo niya ako, pinanuod ko lang siya habang gumagawa ng meryenda. Mabait naman sila, pero hindi ko lang matanggap na pinakuha nila sa akin ang course na hindi ko naman gusto.

Naalala ko na naman ang nangyari sa park kanina. I'm just walking around and then saw Tyler with his bestfriend, making out. Nang makita nya ko ay saka sya nakipaghiwalay, at umalis kasama ang kaibigan nya.

Umiling iling ako para mawala sa kanya ang isip ko, nagpatuloy lang si Mommy sa paggawa ng sandwich.

Nang matapos siya ay agad niyang inihain sa table ang ginawa niya. Kumuha naman siya ng juice at nilagay sa baso.

"Eat up, Sweetie. Alam mo namang ayaw kong nagugutom o nalilipasan ka." Napangiti ako, hanggang ngayon ay ang alaga pa rin sakin ni Mommy. Ganun talaga siguro kapag iisa ang anak.

Agad akong kumuha ng sandwich at kumain. Nakatingin lang sa'kin si Mommy habang kumakain ako, baby pa rin ang turing niya sa'kin dahil hindi na siya pwedeng mag-anak pa.

"Thank you, Mom." Nakangiti kong sambit. Nginitian niya lang ako at tumango, pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi.

"Maiwan na muna kita diyan, Bri. Ubusin mo 'yan ha." Nakangiti niyang sabi at lumabas na.

Naalala ko ang burol na pinuntahan namin ni Lance, mas masaya siguro kung masaya akong pupunta roon. Ung ok ako at walang ibang iniisip, mas mararamdaman ko ang hiwaga ng lugar na 'yon.

Nang matapos akong kumain ay inayos ko na ang kinainan ko, hinugasan ko na rin ito dahil kakaunti lang naman.

"Ay nako kang bata ka! Sinabi ko naman sayo na kapag kakain ka, iwan mo nalang dyan ang pinag-kainan." Napalingon ako kay Lola Eli.

"Lola, tapos naman na ako. Saka kaya ko naman po eh." Nagpunas na ako ng kamay at lumapit sakanya.

"Kahit pa, hindi mo obligasyon 'yon. Gawain naming mga kasambahay 'yon Apo." Niyakap ko si Lola. Kahit kailan hindi kasambahay o katulong ang tingin ko sa kanila.

"Ano po bang tawag ko sa inyo? Diba po Lola? So hindi ka po kasambahay o katulong dito. Labeo La." Binigyan ko sya ng light kiss sa cheeks nya, at inalalayan sya papuntang sala.

"Ay nakoo, ang Apo ko. Lumalaki na talaga. Kumusta na ung boyfriend mong nagpupunta dito? Ung Tyler ba 'yon?" Nginitian ko lang si Lola.

"Lola, wag mo na isipin yon. Ang mahalaga ay masaya tayo." Nakangiti ko pa ring sabi kay Lola Eli.

"Lola, akyat na po ako ah. Wag kayong magpapakapagod. Labeo La!" Nanakbo na ko paakyat at hindi na hinintay pa ang response ni Lola.

Agad naman akong pumasok sa kwarto ko. Naupo na ako sa harap ng study table ko. Nakita ko na naman ung purple notebook na bigay ni Lance, saka ko nalang gagamitin 'yon.

Nilagay ko muna sa isang tabi ung notebook at binuksan ang laptop ko. Nag-open muna ako ng facebook, para replyan si Irish.

Pagbukas ko ay may 10 friend requests at 15 notifications na. Nagpunta ako sa messages at nireplyan si Irish na ok lang ako at wag siyang mag-alala, sinunod ko na ang friend requests.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now