Chapter 17

6.4K 179 8
                                    

KAKARATING LANG nila Matt sa kaarawan ni Vaile at marami na siyang nakikitang tao sa labas pa lang. Naunang naglakad sa kanya papasok ang dalaga na akala mo ay alam nito ang pasikot-sikot sa bawat sulok ng paligid. Sinundan niya lang ito ng lakad at hindi inalis ang paningin sa dalaga.

Kanina pa sila hindi nagpapansinan at parehong walang imik matapos ng nangyari sa kotse niya.

*Flashback

"Do you love me?" He asked with cold and serious tone. He need to know. Kailangan niyang malaman kung pareho sila ng nararamdaman. Hindi agad nakasagot ang dalaga at nanatiling nakatitig sa kanya. "I'm asking you, Marga. Do you love me?"

Napakurap-kurap ito at nagbaba ng tingin bago nagsalita.

"Late na tayo." Anito at umayos ng pagkakaupo. "Tara na."

"Hindi tayo aalis dito kung hindi mo sasagutin ang tanong ko." Seryosong wika niya. "Answer my goddamn question-"

"Hindi ko alam." Pagputol nito sa sasabihin niya. He can feel coldness in her voice. "Hindi ko alam kung mahal kita o gusto kita."

"Pareho lang naman 'yon, Marga." Aniya at tinitigan ang mukha nito na hindi makatingin sa kanya. "Hindi nagkakalayo -"

"Magkaiba ang mahal sa gusto, Matt." Putol nito sa sasabihin niya. She looked at him, she's serious. "Dahil kung mahal kita, hindi ako malilito kung mahal ba kita o hindi. Pero ngayon, nalilito ako. At ibig-sabihin no'n hindi ako sigurado kung gusto lang ba kita o mahal na kita. Pero nangangarap ako na sana mahal nga kita. So please, umalis na tayo."

*End of Flashback

At matapos no'n ay hindi na sila nagpansinan. Nakakaramdam na siya ngayon ng takot. Takot na baka sa kanilang dalawa, siya lang ang nagmamahal.

Kumuyom ang kamao niya nang muling manumbalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kanyan isang taon ang nakalipas. Its still fresh not until Margaux came to his life, it change. Nakalimutan niya lahat ng sakit. Sakit na hindi siya nilubayan ng isang taon.

Pero ngayon, muling nanunumbalik sa kanya ang lahat ng 'yon. At natatakot na siya. Ayaw na niyang maramdaman ulit ang sakit na 'yon. He need to move on. But how? When the person who's helping him to move on is not sure about her feelings for him.

Marahas siyang napabuga ng hininga saka muling ibinalik ang paningin sa dalaga. Ngunit ganoon na lang ang kabang naramdaman niya nang hindi makita ang dalaga sa unahan niya.

"Where the fuck is she?" Tanong niya sa hangin at pinalibot ang paningin sa kinaroroonan niya. "Shit. Where are you?"

"Hey, man." Ani ng nasa likod niya. Nilingon niya ang nagsalita. Its Xylyx and Temhor. With Xylyx's sister, Xyrin. "Nasaan girlfriend mo?"

"May girlfriend ka na, Matt?" Tanong ni Xyrin. Isa pa itong madaldal gaya ng kapatid nitong si Xylyx. "Wow. I'm proud of you. Akala ako buong buhay mo single ka na after nung nangyari sa inyo nung bruhang Ste-"

"Xyrin!" Temhor hissed her. Napayuko naman si Xyrin. "Stop talking."

"Sorry." Paumanhin nito. Tumikhim ito saka nag-angat ng tingin. "Do'n lang muna ako sa bar. Maghahanap ako ng poging papa. Bye."

"Xyrin Soreman!" Temhor shouted. Kumunot naman ang nuo niya. 'Something is off.' "Xyrin!"

"I smell something." Aniya habang nakatingin kay Temhor na hinahanap si Xyrin. "Do you smell that?"

Xylyx snorted. "Of course. I'm Xyrin's brother, kaya malamang may nararamdaman akong kakaiba sa dalawang 'yon."

"And that's fine with you?" Tanong niya rito ng nakataas ang isang kilay.

"Yes." Sagot nito. Xylyx's tone is different. Its deadly and serious. "As long Temhor won't hurt her, its fine to me."

"Well said." Aniya saka muling naalala na hinahanap pala niya si Margaux. "Maiwan muna kita. May gagawin lang ako."

"Yeah, sure thing." Anito. His voice is back again.

Umalis na siya sa harap nito at nagsimulang hanapin ang dalaga.

'Where the freaking hell are you, Marga?'

NAGULAT NA lang si Margaux nang biglang may humila sa kanya habang naglalakad siya. Pero hindi naman siya natakot nang makita ang humila sa kanya. Its Vaile, wearing a fitted caramel dress. Her hair is curly and she has this natural make up.

"Sorry kung bigla kitang hinila ha." Paumanhin nito habang nasa loob sila ng malaki nitong bahay at nakaupo sa mahabang sofa. They're drinking wine. "Gusto lang kasi talaga kitang makaclose. Yung tayong dalawa lang, walang Matt na epal."

Mahina siyang natawa sa huli nitong sinabi. "Ayos lang naman."

"By the way, ilang buwan na kayong in a relationship ni Matt?" Tanong nito. Napatigil naman siya sa pag-inom ng wine. "Oh, does my question's too hard?"

"Ah, no." Sagot niya at umayo ng pagkakaupo saka nagsalita. "Sa totoo lang hindi ko talaga alam."

"What? Is that possible?" Kunot nuo nitong tanong. "I mean, kayong dalawa ang nasa isang relasyon kaya dapat alam niyo 'yon, right?"

"Yes. Pero biglaan lang kasi e." Nahihiyang aniya. "Nakakahiyang sabihin."

"That's fine." Natatawang wika nito saka uminom ng wine. "Well, sana iba ka kay Steph."

"Sinong Steph?" Kunot nuong tanong niya rito. Napatitig naman sa kanya si Vaile.

"You don't know Steph?" Tanong nito. Now curiosity is eating her insides. "Matt didn't tell you about her?"

"Hindi." Sagot niya.

"There you are." Pareho silang napatingin ni Vaile sa pinto nang may magsalita do'n. Its Matt. Looking at her with scared emotion in his eyes. "I thought I lost you."

"Okay. Matt the epal is here." Natatawang ani ni Vaile saka tumayo. "Well, its nice talking with you, Marga. Later."

Pagkatapos no'n ay umalis na ito. Naiwan sila ng binata na walang imik. Makalipas ng ilang minuto naramdaman niya na biglang may yumakap sa kanya mula sa gilid niya.

Hindi na niya kailangnang lumingon dahil alam na niya kung kaninong amoy iyon.

"Don't do that again." Anito. Tumatama ang mainit nitong hininga sa leeg niya na naghahatid ng kakaibang sensasyon pababa sa pagkababae niya. "Akala ko nawala ka na."

"I'm sorry." Hingi niya ng paumanhin at humarap rito saka sinapo ang magkabila nitong pisngi at mabilis itong ginawaran ng halik. "Hindi ko na uulitin 'yon. Promise. Hinila lang kasi ako bigla ni Vaile e."

"Ayos lang kung si Vaile ang hihila sayo." He said. Then his eyes turn into a scary one. Its like he can kill someone. "Pero kung ibang tao at lalaki pa, hindi ako papayag. Baka mapatay ko pa sila."

"Ewan ko sayo." Napairap siya sa hangin. She find it attractive. "Tara na nga."

"Uwi na tayo?" Tanong nito.

Pinanliitan niya muna ito ng mata bago nagsalita. "Magpaalam muna tayo kay Vaile."

"Vaile will understand." Anito saka hinala siya palabas ng bahay. Wala na siyang nagawa at nagpahila na lang siya rito.

'Here we go again.'

A/N: Happy New Year Everyone!! Have a nice year.

Past and FutureWhere stories live. Discover now