Chapter 4

7.9K 194 12
                                    

NAGISING SI Margaux dahil sa nag-iingay niyang cellphone. Mabilis siyang bumangon inayos ang hinigan. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, mabilis siyang pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos maligo inayos niya agad ang sarili sala lumabas ng kwarto. Dumeretso siya ng lakad patungong kusina para maghanda ng almusal.

Alas-sais pa lang ng umaga pero nagtatrabaho na siya. Hindi siya sanay pero kailangan niyang sanayin ang sarili. Sa probinsya kasi nila tanghali na siya kung gumising pero marami pa rin siyang naitutulong sa pamilya niya.

"Anong lulutuin ko?" Tanong niya sa sarili. Nilapitan niya ang ref at binuksan iyon. "Ang yaman-yaman walang kalaman-laman ang ref."

Kumuha siya ng dalawang itlog saka ang bacon. Iyon na lang ang lulutuin niya dahil iyon lang naman ang pwedeng almusalin.

Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang makarinig siya ng yabag. Napalingon siya sa pinanggalingan ng yabag at nakita niya ang amo niyang naglalakad papasok ng kusina.

"Anak ng palaka!" Sigaw niya sabay takip sa sariling mga mata. Sino ba namang hindi magugulat kung makakakita ka ng isang gwapong nilalang na walang damit pang-itaas. "Sir, baka pwede ka namang magsuot ng damit."

"Don't wanna. Its too hot." Wika nito. Hindi pa rin niya maalis ang mga kamay sa pagkakatakip niya sa sariling mata. "Hindi ka pa ba nakakakita ng lalaking walang damit pang-itaas?"

"H-ha? N-nakakita na." Utal niyang sagot. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa mata at mabilis na humarap sa niluluto para hindi ito makita. "Magbihis ka na lang, sir."

"Tsk, whatever." Anito at narinig niya ang yabag nito palayo.

Napabuntong-hininga na lang siya saka pinagpatuloy ang pagluluto. Binilisan niya ang pagluluto at inayos na ang pagkakainan.

Nagtimpla na rin siya ng kape para rito. Saktong matapos niya ang pag-aayos saka naman pumasok sa loob ng kusina ang ako niya.

"Hindi ka sasabay kumain sakin?" Tanong nito nang makaupo ito.

"Mamaya na lang ako." Aniya saka nagtimpla ng kape para sa kanya. "Busog pa naman ako e."

"Umagang-umaga ka busog ka?" Parang hindi naniniwalang tanong nito. Umirap siya sa hangin at humarap dito. "Whatever."

"Kumain ka na lang d'yan. Dami mo pang sinasabi e." Wika niya at naglakad palabas ng kusina. "Sa labas muna ako, sir."

"Whatever." Anito at pinagpatuloy lang ang pagkain.

"Whatever." Panggagaya niya sa sinabi nito bago lumabas ng kusina. "Pasalamat kang tuko ka bagay sayo maging cold."

Lumabas siya ng bahay para magpahangin habang sumisimsim ng mainit na kape. Gawain na niya iyon sa probinsya nila kapag maaga siyang nagigising.

Magtitimpla siya ng kape at lalabas ng bahay para magpahangin habang sumisimsim ng kape. Iyon ang nakasanayan niya simula nang bata pa siya.

Pakiramdam niya kasi ay gumiginhawa ang pakiramdam niya at buong araw siyang masaya. Sana lang talaga walang sumira no'n.

"Hi." Napasinghap siya sa nagsalita at hinanap iyon. Nilingon niya ang katabing bahay at nakita ang isang magandang babae na nakangiting nakatingin sa kanya. "Bago ka rito?"

Nilapitan niya ito at ngumiti rin bago sumagot. "Yes, ako yung bagong katulong sa bahay na 'to."

"Wow, you're a lucky one." Masayang ani nito na nakapagpataas ng isang kilay niya. Lucky? "Matthew is a nice guy. Hindi nga lang halata."

"'Yung antipatikong tuko na 'yon? Mabait? Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito at sarkastikong tumawa. "Alam mo ba kung gaano kahangin ang tuko na 'yon? Parang bagyo."

Past and FutureWhere stories live. Discover now