Chapter 14

6.7K 189 5
                                    

KANINA PA walang imikan sila Margaux at si Matt. Wala siyang ibang ginawa sa upuan niya kundi ang magbasa ng mga nilalaman ng folder. At ang malala pa ay maya't-maya ang paglabas-masok ng binata sa opisina nito upang tignan kung kausap niya pa ba si Levi o hindi.

Hanggang ngayon na nakauwi na sila sa bahay nito ay wala pa rin silang imikan. At naiinis siya.

Nasa sala silang dalawa ngayon at nanonood ng telebisyon. Oo nga at nasa telebisyon ang paningin niya pero ang tenga niya ay nakatuon sa binata at hinihintay itong magsalita.

Lumipas ang ilang minuto na hindi ito nagsalita, tumayo siya at nagtungo sa kusina. Kung ayaw siya nitong kausapin ganoon din siya.

Naiinis siya rito dahil hindi niya alam kung ano ang ginawa niya para hindi siya nito pansinin o kausapin man lang. At ang hindi niya pa maintindihan ay kung bakit ang init-init ng ulo nito pagdating kay Levi. E sa nakikita naman niya ay mabait ang binata.

Bumuntong hininga siya at kumuha ng baso at kinuha ang pistel sa ref saka nagsalin sa baso at uminom. Narinig niya ang yabag papalapit sa kanya kaya napatingin siya sa gilid niya at nakita ang binata na nakatayo sa tabi niya habang matiim na nakatingin sa kanya.

Inubos niya ang laman ng baso at inilapag iyon sa island counter saka humarap dito.

"May kailangan ka?" Tanong niya rito. Talagang pinilit niyang palamigin ang boses upang maramdaman nito na ayaw niya itong makausap. "Matutulog na ako e."

"Can we talk?" Tanong nito. Tumaas naman ang kilay niya sa tanong nito. "Please?"

"Ngayon gusto mong makipag-usap." Aniya at sarkastikong tumawa. Pinagkrus niya ang braso sa harapan ng dibdib at tumingin sa mga mata nito. "Kanina ayaw mong magsalita, tapos ngayon gusto mong makipag-usap. Alam mo, ang weird mong tao. Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit ang init-init ng ulo mo kay Levi."

Inihilamos nito ang magkabilang palad sa mukha bago nagsalita. "That's why I want to talk to you."

"Then talk." Aniya at sumandal sa island counter. "Sabihin mo sakin kung bakit hindi mo ako kinausap buong araw. Sabihin mo sakin kung bakit ang init-init ng ulo mo pagdating kay Levi. Makikinig ako."

Huminga ito ng malalim at maingat iyong pinakawalan saka tumingin sa kanya. "You know Vaile, right?" Tanong nito sa kanya at tumango naman siya bilang sagot. "Well, Vaile is my best friend since highschool. She's nice and pretty cool best friend. Magkapatid ang turingan namin sa isa't-isa. We never felt something for each other than that. Then, Levi is also my best buddy. Nakilala ko siya noong college ako. Maayos naman ang ugali niya pero hindi mawawala sa kanya ang pagiging babaero. Marami nang napapaiyak si Levi. Kasama na roon si Vaile. Nagkakilala silang dalawa dahil sakin. Magkaiba kami ng eskwelahan ni Vaile pero hindi kami nawalan ng komunikasyon sa isa't-isa. On my birthday, me and Levi decided to meet Vaile.

And of course Levi met Vaile. Naging magkaibigan silang dalawa hanggang sa malaman ko na lang na sila na. Hindi ako naging tutol sa relasyong meron sila. Actually I'm happy for Vaile because she found someone who can love her. Yung totoong siya. Well, that was what I thought. Naging sila ng isang taon. Then, at their one year and first month relationship, Levi cheated on her. Hindi niya sakin sinabi kung anong klaseng panloloko ang ginawa sa kanya ni Levi. Pero kahit 'di ko alam kung anong panloloko 'yon, I got mad at Levi. I will never forgive him for hurting Vaile. Until now. Pero kung mapapatawad siya ni Vaile, then me too. But as of now, pwede bang layuan mo si Levi. He's no good."

"I-i don't know what to say." She murmured in disbelief. She thought Levi was a nice guy. Shocks! "I'm sorry. Don't worry, I'll try my very best to avoid him."

"That's enough for me." He said then smiled at her. Umisang hakbang ito palapit sa kanya saka siya niyakap. "I'm sorry. Hindi ko lang talaga kaya na lumalapit ka sa lalaking 'yon. Alam ko na kaya siya lumalapit sayo ay para mahulog ang loob mo sa kanya. Alam ko 'yon dahil gano'n na gano'n din ang ginawa niya kay Vaile. Sorry."

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman." Aniya. Kumawala siya sa pagkakayakap niya rito at sinapo ang magkabila nitong pisngi saka sinalubong ang tingin nito. "Alam ko na magkakaayos din kayo. Siguro hindi ngayon, pero malay mo sa makalawa ayos na ang lahat."

"I wish." Wika nito. Unti-unti nitong nilapit ang mukha sa mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi nilang dalawa. Tutugunin na sana niya ang halik nito nang biglang mag-ingay ang cell phone nito. "Fuck."

Natawa siya nang makita ang naiinis nitong reaksiyon.

"Its Vaile." Wika nito saka sinagot ang tawag.

"HEY." SAGOT ni Matt sa tawag ng matalik na kaibigan. "What's up."

"Aren't you forgetting something?" Tanong nito na nakapagpakunot ng nuo niya. "Hmm?"

"What is it?" Kunot nuong tanong niya. Napatingin siya sa dalaga na nakatingin lang sa kanya kaya naman nginitian niya ito. "Spill it, Vaile."

"Tomorrow is my birthday, Matt." Wika nito. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. How dare he to forget his best friend's birthday? Shit. "I want you to be there and Margaux too. I want to know her and to get close to her."

"Fuck. I'm sorry I forgot." Hingi niya ng tawag. Napahilot siya sa sariling sentido. "Pupunta kami. Saan ba?"

"At my house." Sagot nito na bakas sa boses ang pagkainis. "6pm sharp."

'Yon lang at pinatay nito ang tawag. Ilang minuto pa siyang nakatitig sa screen ng cell phone bago niya iyon ibinalik sa bulsa.

"Ano sabi niya?" Tanong ng dalaga.

"Tomorrow Is Vaile's birthday." Sagot niya saka yumakap sa dalaga. "Nakalimutan ko na kaarawan pala niya bukas."

"Kaibigan mo pero nakalimutan na kaarawan niya bukas?" Nagtatakang tanong nito at tumango siya. "Siraulo ka."

Umayos siya ng pagkakatayo at tumingin dito.

"Gusto niya na pumunta tayo do'n bukas sa kanila." Aniya at nginitian ito. "Gusto daw niyang makaclose e."

"Ha? Ayoko. Ikaw na lang." Tanggi nito saka naglakad palayo sa kanya. Sinundan naman niya ito ng lakad palabas ng kusina. "Ikaw na lang ang pumunta."

"Come on, pupunta lang naman tayo." Pagpupumilit niya rito. Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. "Please?"

"Okay sige. Pero saglit lang tayo, ha?" Anito. Napangiti naman siya at tumango. "Bukas bili tayo ng regalo."

"Kahit naman walang regalo do'n ayos lang e." Wika niya.

"Basta bibili tayo." Anito at naglakad patungo sa silid nito.

Natawa na lang siya sa inasal nito at naiiling na tinungo ang sariling kwarto. Pagkapasok niya sa loob ng kwarto bigla namang nag-ingay ang telepono niya.

Tinignan niya ang caller's ID at marahas na napabuga ng hininga nang makitang ang pangalan ni Temhor.

"Hey." Sagot niya sa tawag ng kaibigan. "What do you want?"

"Its Vaile's birthday tomorrow. Pupunta ka?" Tanong ng kaibigan.

"Yeah." Sagot niya. "I'll bring my girlfriend."

"What the fuck? You have one?" Gulat na tanong nito. Mahina naman siyang natawa. "May I know her name?"

"You'll know her soon." Nakangising aniya. "Sige na."

Papatayin na sana niya ang tawag nang bigla itong magsalita.

"Be careful now, bud." Wika nito na nakapagpakunot ng nuo niya. "Siguro naman kilala mo pa rin si Kara."

He stilled when he heard that name again.

"S-so?" He asked. Anger and confusion filled his brain.

"Well, sad to say but you need to accept the fact that she's back."

Fuck, not now!


A/N: Hi everyone, CallMePhyx is back hahaha. Wala na kaming modules pero medyo busy pa rin ako so not sure kung makaka-update ako everyday. Ily everyone❤

Past and FutureWhere stories live. Discover now