Chapter 9

7.2K 190 7
                                    

NANG MAGISING si Margaux kinaumagahan parang pinupukpok ng matigas na bagay ang ulo niya dahil sa sakit. Dahan-dahan siyang bumangon nang hindi idinidilat anc mga mata at isinandal ang likod sa headboard ng kama.

"Bwisit na ulo 'to." Inis niyang wika sa kawalan. Iminulat niya ang mga mata at dahan-dahan tumingin sa paligid. "Ano bang nangyari kagabi?"

Napabuntong-hininga siya at babangon na sana nang maramdaman ang sariling katawan na nilalamig. Inalis niya ang kumot na nakatalukbong sa katawan niya at halos lumuwa ang mata niya nang makitang wala siyang saplot sa katawan ni isa.

"Anak ng palaka! Bakit ako walang damit?!" Ipinalibot niyang muli ang paningin at nang dumapo ang piningin niya sa katabi niyang mahimbing na natutulog para siyang tinakasan ng dugo sa katawan. "No. No. No! Anong nangyari? Marga anong nangyari?!"

She keep asking that to herself. Then, the memories of what happened last night came crashing to her mind. Start when she went to the kitchen, when she leave the kitchen and Matt talk to her about something. Then the time they had a drink together. And the most embarrassing is the moment that they had an accident sex. ACCIDENT.

"Hmm." Matt hummed then her eyes wide open on shock. Mabilis siyang umalis ng kama at pinilit ang sarili na magkasya sa ilalim ng kama. "Fuck. My head."

She didn't make any noise, she even holding her breathe just to don't make any noise.

Kaunting katahimikan lang ang dumaan at narinig niya ang ingay na sanhi ng paggalaw ng kama. She to her side and saw Matt's feet touching the floor. She waited for minutes before Matt leaves her room.

Marahas siyang napabuntong-hininga nang marinig ang pagsara ng pinto. Lumabas siya na sa ilalim ng kama at pinagpagan ang hubad na katawan.

"Nice view." Mabilis siyang napabalik sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot saka tumingin sa pinanggalingan ng boses. And there he was. Her boss standing beside the door while staring at her like she is a delicious food. "Hiding from me?"

"H-hindi ba lumabas k-ka?" Kinakabahan pero pinilit niyang magsalita. She can't just let her embarrassment eat her. Even though its getting inside her body. "A-anong ginawa m-mo r-rito?"

"Hmm, let's see." He said then walk towards her bed and sit beside her. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot dahil sa sobrang kahihiyan. "Maybe I'm looking for you. Alam ko kasi na hindi ka pa lumalabas kasi wala naman akong narinig na ingay mula sa pinto. So i assume na nagtatago ka. And i was right. Pero hindi ko akalain na magkakasya ka sa ilalim ng kama."

"So?" Matapang na tanong niya at pinilit na sinalubong ang mga titig nito. "Wala kong paki, okay? Lumabas ka na nga."

"Bago ako lumabas may tatlong tanong ako sayo." Anito kaya naman mas lalo siyang kinabahan. "Dalawang 'yes' at isang 'no' lang ang pwede mong isagot. So think wisely."

"B-bakit 'yon lang isasagot ko?" Naiinis na tanong niya rito. He just shrugged. She rolled her eyes before answering. "Fine. Pero aalis ka na after."

"Okay." He whispered. Umayos ito ng upo paharap sa kanya. "First question, masakit ba 'yan?"

Tinuro nito ang parte ng katawan niya na nasa gitnang bahagi ng hita niya. Pinakiramdaman niya ang sarili bago sumagot.

Napapatungo siyang sumagot para itago ang pamumula ng pisngi. "Y-yes."

"Ngayon lang 'yan." Wika nito at alam niyang nakangisi ito ngayon. "Second question, wanna try it again?"

"Hell no." Mabilis niyang sagot na umiiling-iling pa. "Magsarili ka."

"Lets see about that." Anito na nakangisi. "Last question, pwede ka bang sumama sakin sa opisina?"

"Ha?! No way-" Bigla siyang napahinto sa pagsasalita nang maalala ang natitira niyang sagot. "Fine. Bakit ba ako sasama?"

"Basta." Nakangising ani nito saka umalis sa tabi niya at naglakad patungo sa pinto. "Sabay na tayong mag-almusal."

Then he left. Napatitig siya sa nilabasan nitong pinto at pinakiramdaman ang sarili. Her heart was beating so darn fast all this time. And she didn't even notice it.

Marahas siyang nabuntong-hininga saka tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo. She felt her thing between her legs sore but she just forget about it.

Nang matapos maligo kaagad siyang nagbihis at lumabas ng kwarto. Nagpalinga-linga muna siya sa bawat sulok ng bahay bago naglakad. Ayaw niyang makasabay ang binata.

Nahihiya pa rin siya sa sarili niya. Bakit ba kasi hindi niya pinigilan ang sarili niya kagabi? And the most embarrassing part is, she's the first one who kiss him. Nakakahiya!

Nang makarating siya sa kusina agad siyang nagluto at inihanda ang pagkakainan nila. Nang matapos, mabilis siyang umupo sa upuan at naglagay ng makakain sa plato niya.

Susubo na siya ng pagkain nang biglang may tumukhim. Napatingin siya sa pinto ng kusina at nakita ang amo niya na nakatayo roon at nakatingin sa kanya.

Pinakiramdaman niyang muli ang sarili at naramdaman na naman niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Sa tingin ko masamang pahiwatig 'to.

"Eating breakfast without me, i see." Anito at naglakad palapit sa kanya at umupo sa katabi niyang upuan. No! Oh god, save me. "Smell good."

Pinanood niya lang itong kumuha ng pagkain hanggang sa kumain na ito. She didn't move a muscle.

"Staring at someone while eating is bad." Wika nito at napakurap-kurap naman siya. Bangag yata siya ngayon. "Kumain ka na. Pagkatapos nito aalis na tayo."

Tumango lang siya at sinimulan na ng pagkain. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkapahiya dahil sa nangyari sa kanila kagabi. The atmosphere is too awkward. Magsex ba naman daw kayo ng amo mo.

"Does it still hurt?" Tanong nito. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya rito. Nginuso nito ang parte sa gitnang bahagi ng hita. "Masakit pa?"

Namumulang tumango siya at uminom ng kape. She can't take this awkwardness. She need to do something.

"Okay, s-sir?" Tawag niya ng pansin dito. Tumingin naman ito sa kanya at aaminin niya na parang bigla siyang kinapos sa hangin. "Ahm, p-pwede bang k-kalimutan na lang n-natin yung n-nangyari k-kagabi?"

"Why?" Malamig nitong tanong sa kanya. She get a chill. "Give me a valid reason."

"K-kasi amo kita tapos katulong mo ako. Makakaapekto 'yon sa pagtatrabaho ko rito sa inyo." Matapang niyang sagot. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago ulit nagsalita. "Saka hindi magandang tignan 'yon para sa atin. Kasi nga katulong lang ako. And besides, aksidente lang naman 'yon e. Pareho tayong lasing kaya dapat na iyong kalimutan."

"I lost my appetite." Anito at tumayo saka naglakad paalis ng kusina. "I'm leaving."

"Sir." Tawag niya rito pero hindi ito lumingon sa kanya. Sinundan niya ito pero mabilis itong nakalabas ng bahay. Naiwan siyang naguguluhan sa inasal nito. "May sinabi ba akong hindi maganda?"

Tinatanong mo pa ba 'yan? You just hurt his ego. Her little brain said.

"Ang gulo." Inis na wika niya at kunot nuong bumalik sa kusina. "Wala naman akong ginawang masama sa kanya e. Ang init naman ng ulo no'n. Parang kanina lang pangiti-ngiti pa."

Nasaktan mo nga ego niya e. Muling wika ng utak niya.

"Pwede ba, huwag kang sumabat. Hindi kita kinakausap." Inis na pagkausap niya sa sarili. "Argh, namumuka akong tanga nang dahil sayong utak ka."

Mabilis niyang tinapos ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan. Nang matapos agad siyang nagtungo sa sala at nag-umpisang maglinis.

A/N: Hi.

Past and FutureWhere stories live. Discover now