Chapter 23

5.9K 167 7
                                    

TWO DAYS. She's never leaves her room for two days. At sa loob ng dalawang araw laging nasa labas ng kwarto niya si Matt at kinukulit siyang makipag-usap dito. Pero sarado pa ang isip niya para sa pag-uusap na nais nito.

Inayos niya ang sarili at lumapit sa pinto saka idinikit ang tenga sa pinto upang pakinggan kung may tao sa labas ng kwarto niya. Nang wala siyang marinig na ingay sa labas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sinilip kung may tao sa labas para makasigurado.

Agad siyang lumabas nang makitang walang tao at walang ingay na narinig. Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng makakain. Kumuha lang siya ng mansanas sa refrigerator para iyon na lang ang gawing tanghalian.

Yes, its already lunch. Hindi siya kumain kaninang umagahn dahil alam niyang makikita niya ang binata. Ayaw niya itong makita dahil baka bigla na lang magdilim ang paningin niya.

Lumabas siya ng kusina habang kinakain ang kinuha niyang mansanas. Wala sa sariling napatingin siya sa taas at nalaman na lang niyang kusa siyang umaakyat. At dahil nasa kalagitnaan na rin siya ng pag-akyat, pinagpatuloy na lang niya iyon hanggang sa makaakyay nang tuluyan.

Napatingin siya sa kwartong ipinagbabawal na pasukin at napakunot ang nuo niya nang makitang nakabukas ang pinto.

'Bakit nakabukas yan?'

Wala sa sariling naglakas siya palapit sa palapit sa nakabukas na pinto. Pero agad siyang napahinto nang mapagtanto ang ginagawa niya.

'Hindi. Bawal pumasok, Marga!'

Pero wala naman sigurong mali kung sisilip lang siya at aalis agad. Huminga siya ng malalim bago itinulak pabukas ang pinto. Wala namang makakaalam na papasok siya rito e. Saglit lang naman.

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng silid ngunit wala siyang makita dahil masyadong madilim ang loob. Pinilit niyang kapain ang light switch dahil sa wala siyang makita na kahit ano sa loob ng silid.

Nang makapa niya ang light switch agad niyang pinindot iyon dahilan para lumiwanag ang buong silid. Para siyang nawalan ng lakas nang makita kung ano ang laman ng silid.

"Kaya ba ayaw niyang magpapasok sa kwarto na 'to?" Tanong niya sa hangin. Her heart is in pain again. "Kaya pala..."

Parang may pumipiga sa puso niya dahil sa nakikita niya ngayon. Silid ito ng babaeng kinaiinisan niya simula noong nakaraang araw. Puno ito ng mga litrato ng dalaga pati na rin ng mga litrato kasama ang binata.

'Anak ng tipaklong, bakit niya ko ginawang girlfriend niya kung hanggang ngayon hindi niya pa tinatapon lahat ng gamit ng babaeng yon? Mahal niya pa ba si Steph? Dinedeny niya lang ba na hindi na niya ito mahal?'

Nakakuha ng atensyon niya ang isang papel na nakadikit sa pader katabi ng litrato na magkadikit ang labi ng dalaga at ng binata. Inilapag niya sa isang lamesa ang hawak na mansanas at nilapitan ang papel upang basahin ang nakasulat do'n.

I know this one is too clichè, but I promise to love you until my last breath. - Steph.

You're the one for me and I'm the one for you. You always make me smile even in small thing you do. I love you until my heart stop from beating. - Matthew.

'Ouch.'

They must so in love with each other. Sobrang labo naman kung hindi mahal ng binata ang dalaga hanggang ngayon.

"Reality hurt." She whisper, her tears cascading down to her cheeks and her heart aches. So much pain. "Hindi ko kaya 'to. Hindi ko kayang tumira sa iisang bubong sa lalaking halatang mahal pa ang ex niya. Kung 'ex' nga talaga ang tamang salita."

Past and FutureWhere stories live. Discover now