Chapter 12

7.2K 192 5
                                    

MARGAUX WOKE up feeling her whole body sore. Nang imulat niya ang mga mata bigla siyang kinabahan nang makitang nasa isang estranghero siyang silid. But then, the memory of what happened last night came crashing to her mind.

Oh god. Natatandaan niya ang buong pangyayari. Simula umpisa hanggang sa matapos ang pagtatalik nila ng binata. She loss control of herself last night. Nawala siya sa tamang huwisyo kaya nangyari iyon.

It was the second time something happened to them. Nakakahiya ang ginawa niya. Tumingin siya sa gilid niya at nakahinga siya ng maluwang nang makita niyang wala roon ang binata.

Agad siyang umalis sa kama at hinanap ang damit niya. Nakita niya iyong nakatiklop at nakalagay sa may table side. Siguro ang binata ang nagtiklop at naglagay ng damit niya roon.

Marahas niyang ipinilig ang ulo at nagbihis saka lumabas ng silid. Dahan-dahan lang siyang naglalakad at palinga-linga sa bawat sulok ng bahay.

Pababa na sana siya ng hagdan nang makarinig siya ng pagsara ng pinto. Napatingin siya pinanggalingan ng tunog at nakita niya ang binata na nakatingin sa kanya.

"Saan ka pupunta?" His baritone voice filled her ears.

"S-sa k-kwarto ko." Sagot niya at saka humakbang pababa sa hagdan. "Magluluto na po ako pagkatapos kong mag-ayos, sir."

'Yon lang at tuluyan na siyang bumaba ng hagdan. Patakbo siyang nagtungo sa kwarto niya. Nang makapasok, dumeretso siya sa damitan niya at kumuha ng damit saka pumasok sa loob ng banyo at pumailalim sa shower.

Habang naliligo napaisip siya kung bakit bawal pumasok sa kwarto na nilabasan ng binata. Ano ba ang meron sa kwarto iyon at pinagbabawal ang pumasok? May ginto kaya do'n? O 'di kaya....'di kaya...

"'Di kaya may patay do'n?" Tanong niya sa sarili. Nakaramdam siya ng takot sa sariling naisip. "Shocks! What if totoo ang nasa isip ko?! Paano kung mamamatay-tao pala ang lalaking 'yon?! Anong gagawin ko?!"

Natapos siyang maligo na punong-puno ng katanungan ang isip. Paano kung totoo ang naiisip niya? Paano kung mamamatay-tao ang amo niya? Paano kung may balak rin siya nitong patayin? Paano kung...paano kung...kung kinabukasan patay na siya?

Anong gagawin ko?! Tanong niya sarili. Lumabas siya ng silid at dumeretso sa kusina. Nakita niya ang amo niya na naghahanda ng pagkain.

"Anong..." Mabilis niyang inagaw dito ang sandok pero hindi nito binitawan iyon. "Sir, anong ginagawa mo? Sir-"

"I told you not to call me 'sir', haven't I?" Tanong nito na hawak-hawak pa rin ang sandok. "My name is Matthew Jae Devien. Call me whatever you like just don't call me 'sir'."

"Amo kita kaya malamang tatawagin kitang 'sir', sir." Aniya at pinilit pa rin na agawin rito ang sandok pero bigo siya. Masamang tingin ang pinukol niya rito. "Katulong ako rito kaya dapat ako ang nagluluto."

"Ako ang amo rito at may-ari ng bahay na 'to. In short, I can do whatever I want to do." Wika naman nito at pinagpatuloy ang pagluluto. "Ayusin mo na lang ang pagkakainan natin."

Inirapan niya muna ito bago sumunod sa sinabi nito. Nawala sa isip niya ang takot at ang mga katanungan kung ano ba talagang uri ng tao ang amo niya. Nakikinita naman niya sa mukha nito na wala itong balak na masama sa kanya. O baka pakitang-tao lang nito ang lahat upang mapalapit siya rito?

Nang matapos niyang ayusin ang hapag-kainan sakto naman na tapos na rin itong magluto. Inilapag nito ang mga niluto nitong pagkain. Scrumbled egg, hotdog, fried rice at nagluto rin ito ng cornbeef.

"Come on, lets eat." Anito pinaghila siya ng upuan, then look at her and smile. "Sit."

"Bakit ang dami mong niluto?" Kunot nuong tanong niya rito at umupo sa hinila nitong upuan. "At bakit parang ang saya-saya mo ngayon?"

Past and FutureWhere stories live. Discover now