Chapter 20

6.2K 167 3
                                    

GABI NA nang makauwi ang mga magulang ng dalaga. Marahas na napabuga ng hininga si Matt dahil nawala na ang kaba niya na kanina ay parang ikamamatay na niya sa takot sa ama ng dalaga. He still remember what they've talk about.

*Flashback

Nang makarating si Matt sa sala ng kanyang bahay ay natagpuan niya ang ama ni Margaux na nakaupo sa pahabang sofa habang matiim na nakatitig sa kanya.

Napalunok siya ng ilang beses bago lumapit dito at umupo sa pang-isahang sofa. Nanatiling nakatitig sa kanya ang ama ng dalaga at kinakabahan na siya sa klase ng titig nito.

"Hindi ako tutul sa pagmamahalan niyo ng anak ko." Umpisa nito ng sasabihin. Nanatili ang mga kakaibang titig nito sa kanya habang nagsasalita ito. "Kaya naman sana hindi mo saktan si Margaux, iho."

"Ahm, hindi ko ho mapapangako yan but I can promise to love your daughter with all of my heart. I know it's sound cheesy but that's the fact." He said while doing a staring contest to Marga's father. "I love your daughter so much. But she doesn't know that yet." He whispered the last part.

"Anong sabi mo?" Tanong nito kaya mabilis naman siyang sumagot.

"Wala po."

"Importante sa amin ng asawa ko si Margaux. Sobrang importante." Anito. Alam niyang malungkot ito dahil sa tono ng pananalita nito. Pero bakit? "Pasensya na."

"Ah, kung hindi niyo ho sana mamasamain pero bakit parang hindi ho kayo masaya nang sabihin niyo na importante sa inyo si Marga?" He politely ask.

"Si Marga, hindi namin siya tunay na anak." Anito at nangingibabaw sa tono ng pananalita nito ang pagkalungkot. "Ibinigay lang siya sa amin ng kapatid ko noong sanggol pa lang si Marga. Mahina ang puso ng kapatid ko kaya alam niyang hindi niya kakayanin na alagaan si Marga. Kaya noong sabihin niya sa amin na kami ang dapat na kilalanin na magulang ni Marga pumayag kami. Dahil na rin sa wala pa kaming anak noon kaya pumayag kami. Kaya para sa amin mahalaga siya."

After hearing those story he felt like something stab his chest. Kung ganoon kaya pala kanina ay hindi agad siya naniwala na mga magulang ito ng dalaga dahil ang wala itong pagkakahawig sa kanila.

'That's why.'

"Alam na ho ba ito ni Marga?" He asked making himself sound so serious. He needs to be serious. "Nasabi niyo na ho ba sa kanya ang totoo?"

"Sa ngayon hindi pa." Anito kaya naman bumagsak bigla ang balikat niya. Kailangan itong malaman ni Marga. "Sasabihin din namin pero hindi namin kaya lalo na alam naming masaya siya ngayon dahil kasama ka niya."

"But she deserves to know the truth, Mr. Fernandez." Aniya at sinalubong ang mga titig nito na mababakas ang takot. "Kung hindi niyo ho sasabihin, ako magsasabi. I'm not threatening you, Mr. Fernandez. But Marga deserves the truth. Marga is living a life full of lies."

"Kami na ang magsasabi ngunit muna ngayon. Hayaan na muna nating sumaya ang anak ko sa piling mo, iho." Wika nito sa seryoso at nagmamakaawang tono. "Hayaan mo kami ang magsabi sa kanya ng totoo. Malalaman niya rin ang katotohanan."

Past and FutureWhere stories live. Discover now