Chapter 19

6.4K 187 12
                                    

NAGISING SI Margaux dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata. Idinilat niya ang mga mata at saka dahan-dahang bumangon. Hindi na siya nagulat nang makitang walang saplot ang katawan niya.

Naalala naman kasi niya ang mga nangyari kagabi. Napangiti siya nang maalala niya ang pagtatalik nila kagabi ng binata.

Nangingiti siyang bumangon saka naglakas papasok sa banyo nang walang saplot para maligo. Pagkatapos niyang maligo at ayusan ang sarili ay agad siyang lumabas ng kwarto saka nagtungo sa kusina.

Nakangiti siyang naglakad papuntang kusina. Ngunit agad ding napalitan ng pagkagulat ang ngiti niya nang makita kung sino ang kausap ng binata sa kusina.

'Hell no.'

"Nay?Tay?" Gulat niyang tawag sa mga ito. Humarap ang dalawa sa kanya pati na rin ang binata na may ngiti sa labi maliban sa kanyang ama.

"Marga, anak?" Tawag sa kanya ng kanyang ina. May pagtataka sa boses nito at mga mata. "Ikaw na yan, Marga?"

"Nay!Tay!" Masaya siyang lumapit sa mga ito saka niyakap ang ina pati na rin ang ama. "Ano pong ginagawa niyo rito sa manila?"

"May inasikaso kasi kami ng ama mo, anak." Sagot ng kanyang ina at ngumiti sa kanya. Tumango-tango siya at saka kinuha ang baso na may lamang tubig saka iyon ininom. "Anak, bakit naman hindi mo sinabi samin na may gwapo ka palang kasintahan."

Naibuga niya ang iniinom niyang tubig dahil sa sinabi ng kanyang ina. Malalaki ang mga matang nilingon niya ang ina na nagulat sa nagawa niya.

"A-ano pong sabi niyo?" Tanong niya ina at napalingon siya kay Matt na nakangisi sa kanya ng nakakaloko. Then she mouthed, "What did you do?"

"I didn't do anything." He also mouthed.

"Anak?" Tawag sa kanya ng ina niya kaya naman nilingon niya ito agad. "Totoo bang magkasintahan kayo?"

"A-ah," nilingon niya muna si Matt at pinandilatan ito saka ibinalik ang tingin sa ina na hinihintay ang kanyang sagot, "o-opo, nay. Magkasintahan po kami."

"At bakit naman hindi mo sinabi samin na may kasintahan ka na, Ga?" Her father's strict and serious voice get through her spine. Lagi siyang tinatawag na 'Ga' ng kanyang ama kapag seryoso ito. At ngayon ay para siyang kinapos ng hininga dahil kakaibang tono ng ama niya ngayon. "Nagpunta kami rito para surpresahin ka pero kami ang nasurpresa."

"Gilbert." Tawag ng kanyang ina sa ama niya. Sabihin man ng kanyang ama o hindi, halata sa boses ng kanyang ama na galit ito habang siya ay halos mamawis na ang palad sa sobrang kaba. "Halika muna sa labas. Mag-uusap tayo."

Hinila ng kanyang ina patayo ang kanyang ama saka pareho itong lumabas ng kusina. Napabantong-hininga na lang siya at napatingin sa kay Matt na seryosong nakatingin sa kanya. There's something in his eyes that she can't understand.

'Was that guilt i see?'

"You okay?" Tanong niya rito. Naupo ito sa upuan saka yumuko. "Hey, ayos ka lang ba?"

"Its my fault, isn't it?" Tanong nito sa seryosong boses. Ngayon na lang ulit niya narinig ang seryoso nitong boses makalipas ng ilang linggo niyang pamamalagi rito. "Kung hindi ko sinabi sa kanila na boyfriend mo ako, I'm pretty hindi sila galit sayo ngayon. Tsk, what a shitty thing i made."

"Of course not. Ano ka ba naman." Umupo siya sa katabi nitong upuan ngunit paharap rito ang kanyang upo. "Ganoon talaga si tatay. Oo, seryoso siya at halatang galit siya ngayon pero mamaya wala na yon. Maskin ako ay kinabahan nung sumeryoso boses ni tatay e. Pero mabait naman yon saka madaling makaintindi. Nagulat lang talaga siya ngayon kaya siguro ganoon ang reaksyon ni tatay."

Nakatingin lang ito sa kanya at halata pa rin ang pagsisisi sa mga mata nito. Nginitian niya at hinawakan ang kamay saka hinalikan sa labi.

"Huwag kang mag-aalala. Mabait si tatay. Hindi ka no'n papatayin." Aniya ng may ngiti sa labi. "Saka, kahit naman hindi mo sinabi sa kanila na kasintahan mo ko, ako ang magsasabi sa kanila no'n. Kaso naunahan mo ako."

Biglang lumiwanag ang mukha nito at malapad na napangiti.

"Sasabihin ko talaga dapat sa kanila na boyfriend mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango siya bilang sagot. "Hindi mo ako ikakahiya sa kanila?"

"Bakit naman kita ikakahiya, aber?" Kunot nuong tanong niya rito. "Sa gwapo mong yan? Ikakahiya kita? Tanga lang gagawa no'n."

"Malay mo hindi nila ako gusto para sayo." Wika nito na nakapagpatawa sa kanya. "What are you laughing at?"

"Alam mo, tuko? Ang gago mo kahit kailan." Natatawang wika niya. Lalo namang lumukot ang mukha nito sa sinabi niya. "Marami nang nanligaw sakin at lahat yon gusto nila nanay at tatay para sakin. Ako lang naman itong tumatanggi. Ikaw ang unang kasintahan ko kaya sigurado akong gusto ka ng magulang ko."

"Maraming nanliligaw sayo noon?" Anito na mas halong pagseselos sa boses. Pero hindi niya iyon pinansin at tumango bilang sagot. "Hanggang ngayon ba may nanliligaw sayo?"

"Nung nasa probinsya pa ako, oo. Marami." Sagot niya at nginitian ito. "Pero ngayong nasa manila na ako. Wala na akong manliligaw at wala nang manliligaw kasi sayo na ko."

"Hmn. That's good." Anito saka hinalikan siya kanyang labi then he whispered. "Let's go upstairs?"

Parang napaso ang mga labi nila nang biglang may tumikhim sa pintuan ng kusina. Pareho silang napalingon sa pinto at nakita ang kanyang ina na nakatingin sa kanilang dalawa at may ngiti ito sa labi.

Lumapit ito sa kanilang dalawa at sinabing, "pwede ka daw bang kausapin ng asawa ko?"

Napatingin siya kay Matt na parang kinabahan ang buong pagkatao. Pinisil niya ang kamay nito.

"A-ah, yeah sure po." Anito saka tumayo at tumingin sa kanya. "Bye, later."

Tumango lang siya at tumingin sa kanyang ina na may kakaibang ngiti sa labi. "Bakit po, nay?"

"Nakita ko yon." Makahulugang ani ng kanyang ina. Umupo ito sa kaharap niyang upuan at nakangiting tumingin sa kanya. May pa halik-halik na kayong nalalaman."

Natatawang napailing siya sa sinabi ng kanyang ina. "Wala po yon, nay."

Nagsalin siya ng tubig sa saka uminom.

"Umamin ka nga sakin, anak." Napatingin siya sa ina niya at muli siyang uminom ng tubig. "May nangyari na ba sa inyo?"

Malakas niyang naibuga ang iniinom na tubig at gulat na napatingin sa kanyang ina. "Nay naman. Anong klaseng tanong po yan?"

"Wala namang masama sa tanong ko ah." Anito at nanunudyong ngumiti. "Meron na ba?"

"Nay!" She hissed. Ramdam niyang namumula na ang pisngi niya dahil sa tanong ng kanyang ina. Nahihiya siya. "Nakakahiya po."

"Oo hindi lang naman ang isasagot mo."

"O-opo." Sagot niya saka napatingin sa sahig sa sobrang kahihiyan. "Pero nay minsan lang yon."

"Huwag kang mag-alala, nak. Boto ako sa Matt na yon." Nakangiting wika ng ina niya kaya naman napangiti siya rito. "Saka halata naman na nadidiligan ka, anak. Mas lalo ka kasing gumanda."

Napangiti na lang siya ng malapad sa ina saka nakipagkwentuhan pa ulit rito.

Sa ilang linggong pamamalagi niya rito sa manila ay bihira na lang siyang makatawag sa magulang niya kaya aminado siyang namiss niya ito.

C.M.P

Past and FutureWhere stories live. Discover now