Chapter 7

7.3K 197 8
                                    

NAYAYAMOT NA lumabas si Margaux sa kanyang silid habang palinga-linga sa bawat sulok ng bahay. Sa toto lang ayaw niyang lumabas ng kwarto dahil sa tuwing malapit siya kay Matt may kakaiba siyang nararamdaman.

Pakiramdam niya ay nawawala siya sa tamang huwisyo at lahat ng bagay ay tama. Sa paningin niya kapag malapit ito ay walang bagay na mali sa mundo. Is that even possible?

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang tao sa sala. Kanina pa siya kumakain, gabi na ngayon at kaninang tanghali ay hindi siya kumain ng kahit ano. Nagluto lang siya at pagkatapos no'n ay bumalik agad siya sa silid niya.

Naglakad siya patungong kusina para maghanap ng makakain. Kanina pa kasi kumukulo an tiyan niya. Baka mamaya bigla na lang siyang mawalan ng malay at walang makakita sa kanya.

Nang makarating sa kusina mabilis siyang lumapit sa refrigerator at naghanap ng makakain. Kumuha siya ng isang slice ng cake na naroroon at nagsalin ng gatas sa baso.

Lumabas na siya ng kusina at naglakad sa dereksyon patungong kwarto niya.

"Bakit hindi ka kumain kanina?" Halos tumalon na siya sa sobrang gulat at muntik nang mabitawan ang hawak. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at para siyang kinapos ng hininga. Nasa mini bar ito at nagsasalin ng alak sa baso. "Iniiwasan mo ko?"

"H-ha? H-hindi." Ilang niyang sagot. Nakatalikod ito sa kanya kaya malaya siyang makatingin rito. "Wala lang kasi akong gana kanina."

"Walang gana." Halatang hindi kumbinsidong ulit nito sa sagot niya. Inubos nito ang laman ng baso saka humarap sa kanya at nagtama ang paningin nila. Agad naman siyang umiwas. "Baka naman iniiwasan mo ako."

"H-hindi kaya." Aniya na hindi makatingin ng deretso rito. "Sadyang busog lang ako kanina."

"Hmm." He hummed then walk towards her with an husky eyes. Tumigil lang ito sa paglapit sa kanya ng isang dangkal na lang layo ng katawan nito sa kanya. "Really?"

"L-lasing ka yata, sir." Aniya nang maamoy niya ang hininga nitong amoy alak. "Kailangan niya nang matulog."

Tumitig muna ito sa mukha saglit bago nagsalita. "I can't sleep. Samahan mo akong uminom para antukin ako."

"Bakit kita kailangang samahan?" Matapang niyang tanong rito kahit ang totoo ay nanlulumo na siya dahil sa kakaibang init na nararamdaman niya. "Kaya ko na 'yan. Tutal lalaki ka naman e."

"Please?" He begged. Bigla naman tumaas ang kilay niya sa inasal nito. "I just need to be drunk to fall asleep."

Papayag ba siya? Sasamahan lang naman di ba? Hindi naman siya iinom. Wala namang masama e. And besides, saglit na lang din naman siguro ito iinom at bagsak na.

"Okay." Aniya at naunang umupo sa isang stool. Sumunod naman agad ito sa kanya. "Sige, inom ka na. Kakain lang ako."

Nagsalin ito sa baso ng alak habang siya naman ay kumakain ng chocolate cake. Maya maya lang biglang may sumulpot na shot glass sa harapan niya na may lamang alak.

Tinaasan niya ito ng kilay at tumingin sa binata. "Ano 'yan?"

"Alak." Maikli nitong sagot. Pinanliitan niya ito ng mata. "Drink it."

"Ayoko nga." Tanggi niya sabay subo ng cake. "Hindi ako umiinom."

"Minsan lang naman." Wika nito at inilapag sa tabi ng plato niya ang shot glass. "Para may kasama akong uminom."

Tinitigan niya ang shot glass na may lamang alak ng ilang minuto bago niya iyon kunin. Iinumin niya ba? Isa lang naman e. Saka, ngayon lang. Mukha pating mabait ngayon ang antipatiko niyang tuko kaya sasagarin na niya.

Past and FutureWhere stories live. Discover now