Chapter 13

7.2K 188 13
                                    

MAAGANG NAGISING si Margaux kinabukasan upang magluto at ayusan ang sarili dahil sasama siya ngayon kay Matt sa opisina nito. Hindi sana siya sasama pero sadyang mapilit ang binata.

Kahapon nang makauwi sila wala na silang ibang ginawa kundi ang mag-usap nang kung ano-ano. And she admit that she find Matt attractive. At kung noong una ay akala niya na masama ito pero dahil kahapon sa naging 'bonding' nila, nalaman niya na masiyahin talaga ito.

Hindi niya lang alam ang dahilan kung bakit ito biglang naging cold. Siguro may nakaraan ito na sobrang nakasakit rito.

She sighed. Natapos na siyang magluto at tinawag na rin niya ang binata. Nagtitimpla siya ngayon ng kape para sa kanilang dalawa.

"Hey." Napatingin siya sa likod niya nang marinig ang baritono nitong boses. Pero kaagad siyang napasinghap nang magtama ang mga labi nila. Before she had a chance to react, he pulled away. "Good morning."

"Walang maganda sa umaga ko lalo na hinalikan mo ako ng walang paalam!" What good morning. That's her real thought. Naglakad siya palapit sa lamesa at naunang umupo. "Kumain ka na."

"Bakit ang init ng ulo mo?" Tanong nito nang makaupo sa kaharap niyang upuan. "Did something happened?"

"Your kiss happen." Sagot niya at inirapan ito bago kumuha ng pagkain. "Kissing your house maid is wrong."

"Hindi masama ang manghalik. Lalo na kung ikaw ang hahalikan." He said then winked at her. She just rolled her eyes then start eating. "By the way, handa ka na ba para mamaya?"

"Anong meron mamaya?" Takang tanong niya rito. "May mahalaga bang okasyon?"

He smirk. "Basta malalaman mo mamaya. And I'm sure na matutuwa ka."

Umirap siya sa hangin saka pinagpatuloy ang pagkain. Kahit gusto niyang itanong at pilitin ang binata kung ano ang meron mamaya ay hindi niya magawa. Hindi naman kasi siya yung tipo ng tao na namimilit. Kung ayaw sabihin sa kanya, then don't.

Nang matapos silang kumain hinugasan niya ang pinagkainan nila at ang binata naman ay pumasok sa kwarto para ayusan ang sarili. When she's done washing the dishes she walk towards her room and fix herself.

Denim jeans and black sweater ang sinuot niya at pinaresan niya iyon ng rubber shoes. Tinali niya ang medyo may kahabaan niyang buhok saka naglagay ng light make-up sa mukha. Nang maayos na ang sarili saka lang siya lumabas ng kwarto.

Nang makalabas siya nakita niya ang binata na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong ginagawa mo r'yan?" Tanong niya rito at sinara ang pintuan ng kwarto. "Bakit hindi ka do'n sa kotse naghintay?"

"Wala lang." Anito at ngumit. Hinawakan siya nito sa kamay at marahan siyang hinala. "You look pretty."

She felt her cheeks blushed. "T-thanks."

Ngumiti lang ito at sumakay sa kotse nang maisara ang pinto ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng pinto at nagtataka siyang sumakay. Gentleman na?

Sumakay ito sa driver seat at binuhay ang makina saka pinaandar ang sasakyan. Nagtataka pa rin siya dahil ang lakas ng pakiramdam niya na may nagbabago sa amo niya.

Dati cold treatment siya rito tapos ngayon biglang nagbago.

Makalipas ng kalahating oras nakarating sila sa kompanya nito. Hinawakan nito ang kamay niya at naglakad papasok sa loob ng gusali. Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya sa mga ganitong gusali pero ngayon lang siya nakakita ng napakagandang gusali.

Simula kasi ng sanggol pa lang siya hanggang sa nagdalaga siya ay nasa probinsya lang siya. Nakakapunta siya minsan sa syudad pero saglit lang at kadalasan pa ay hindi sila pumapasok sa loob ng gusali.

Past and FutureWhere stories live. Discover now