Chapter 3

8K 242 19
                                    

NAKASIMANGOT LANG si Margaux habang nakaupo sa pahabang sofa sa sala. Simula nang dumating siya rito wala na siyang ibang ginawa kundi ang umupo, matulog at kumain ng kung ano-ano.

Wala siya ginawa buong araw. Gabi na ngayon at nakaupo lang siya habang nilalaro ang ilang hibla ng sariling buhok.

"Bakit naman kasi ang linis ng bahay na 'to?" Tanong niya sa sarili. Kanina pa kasi siya naghahanap ng pwedeng malinis pero wala. Kahit saang sulok ng bahay siya pumunta ay malinis. "Kailangan pa ba alo dito?"

Ilang minuto pa siyang bumulong-bulong sa hangin bago napagdesisyunan niyang magluto ng panghapunan.

Nagtungo siya sa kusina at nag-umpisa nang magluto ng makakain. Nagluto siya ng sinigang na manok at nagprito ng longganisa.

Iyon kasi ang nabasa niya sa mga gustong pagkain ng amo niya. Nabasa niya rin na paborito nito ang adobo at menudo. Aaminin niya na hindi masyadong pihikan ang amo niya. Kumakain naman ito ng kahit anong luto pero sadyang may mga paborito lang ito.

Pagkalipas ng mahabang minuto, natapos din siyang magluto. Hindi niya alam kung anong oras uuwi ang amo niya pero naghanda na siya ng pagkakainan nito para mamaya.

Saktong pagkatapos niyang handa sa hapag-kainan, narinig niya ang pagbukas ng pinto ang mga yabag sa loob ng bahay. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng takot.

Kinuha niya ang sandok na malapit sa kinatatayuan niya at dahan-dahang naglakad patungong sala. Hindi bukas ang lahat ng ilaw sa sala at tanging lampshade lang ang bukas kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng pumasok.

Nang makarating siya sa sala nakita niya ang isang matangkad na lalaki. Parang may hinahanap ito na kung ano. Kaya dahan-dahan niya itong nilapitan at malakas na inihampas sa likod nito ang sandok.

"Sino ka ha?!" Tanong niya rito habang pinapalo pa rin ang likod nito. Humarap ito at pilit na inihaharang ang braso sa ulo nito. "Magnanakaw ka, 'no?! Mga kapit habay! Tulong! May magnanakaw dito-"

"Can you please calm down?" Bakas sa tono nito ang pagpipigil ng inis. Napahinto siya sa pagpalo rito nang marinig niya ang pamilyar na boses ng lalaki. "The fuck. My back hurts."

Umayos ito ng tayo at naglakad palapit sa pader kung nasaan ang switch ng ilaw. Nang bumukas ang ilaw saka niya lang naaninag ang mukha ng lalaki.

"Ikaw?!" Gulat na tanong niya rito. Napatakip siya sa sariling bibig habang gulat na nakatingin dito. "H-hindi ka lang pala antipatikong tuko. Magnanakaw ka pa."

"What the fuck?" Kunot nuong gulat na tanong nito. Humakbang ito palapit sa kanya at huminto ng medyo may layo ang pagitan sa kanya. "First of all, hindi ako antipatiko at hindi rin ako mukhang tuko para tawagin mo kong 'antipatikong tuko'. Second, I am not a fucking thief. And most of all, this is my house. So why would i rob my own house?"

"B-bahay mo 'to?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo ang daliri sa sahig. Ibig sabihin... "Ikaw ang amo ko?"

"Hell yeah. I'm the owner of this house so obviously I'm your boss." Sarkastikong wika nito habang bakas sa mukha ang sakit nang pagpalo niya rito kanina. Hinawakan nito ang balikat kung saan niya ito pinagpapalo at masamang tumingin sa kanya. "Where the hell did you get that stuff?"

"Sa kusina. Saan ba nakikita ang sandok?" Taas kilay niyang tanong rito. Biglang siyang natauhan nang maalala niyang ito pala ang amo niya. "I-I'm sorry."

"You should be." Wika nito at naglakad paalis sa harap niya. "Fuck. My shoulder hurts." Bulong nito pero narinig niya.

"Ah, sir." Tawag niya rito bago ito tuluyang makaakyat sa hagdan. Humarap ito sa kanya ng may masamang tingin. Palihim siyang napalunok nang maramdam ang inis sa mga mata nito. "H-hindi ho ba k-kayo k-kakain?"

"I just lost my appetite." Wika nito. "I'll be on my office if you need anything."

"I just lost my appetite mo 'yang mukha mo." Bulong niya sa hangin nang mawala na ito sa paningin niya. "Arte naman no'n."

Pinag-kibit balikat na lang niya iyon at pumasok sa kusima saka niligpit ang nasa hapag-kainan.

"Sayang ang luto ko hindi naman pala siya kakain." Aniya habang nililinis ang lamesa. "Ah, mahilig si sir sa kape kaya ipagtitimpla ko na lang siya."

NANG MAKAPASOKsa opisina niya si Matt, agad siyang umupo sa swivel chair niya at pinakiramdaman ang likod niya. Medyo nawawala na ang sakit no'n.

"Loko yung babaeng 'yon. Ang lakas mamalo." Bulong niya sa hangin habang hinihimas-himas ang balikat. "Hindi sakin sinabi ni manang na mabigat pala kamay ng babaeng 'yon."

Tinanggal niya ang suot na suit at niluwagan ang neck tie saka binuksan ang dalawang botones ng suot na polo. Itinaas muna niya ang sleeve ng polo bago nag-umpisa sa mga paperworks.

That's his routine. Tuwing lunes, miyerkules at biyernes ay nasa kompanya siya at nagpapakababad sa trabaho -minsan naman trip lang pumasok - tuwing martes at huwebes naman ay nasa restaurant siya para tignan kung maayos ba ang lahat.

That's my everyday routine. Well, wala namang mababago kung hindi niya susundin ang routine niya. Miserable pa rin ang buhay niya kahit anong mangyari.

Its been a year but he feels like its just happen yesterday. Sabi ng mga kaibigan niya oras na para iwan ang nakaraan at oras na para umpisahan ang hinaharap.

Pero paano niyo iyon gagawin kung kusang binabalik ng isip niya ang nakaraan. Ang nakaraan na gusto na niyang kalimutan pero pilit pinapaalala ng isip niya.

Its hars for him to forget what happened a year ago. But he will try his best to forget those things. Siya lang din naman ang nasasaktan.

Biglang bumalik sa reyalidad ang isip niya nang makarinig siya ng katok sa pinto ng opisina niya.

"Come in!" Sigaw niya para marinig iyon sa labas. Bumukas ang pinto at pumasok do'n ang bago niyang katulong. "What do you want?"

"A-ah, pinagtimpla ko ho kayo ng kape." Halatang kabadong wika nito at inilapag ang baso na may mainit na kape. Hindi nakatakas sa paningin niya ang panginginig ng kamay nito. Gano'n na ba siya nakakatakot tignan? "Sana ho magustuhan niyo."

"Yeah. Thanks." 'Yon lang at ibinalik niya ang tingin sa screen ng laptop. Nakita niya sa gilid ng mata niya ang paglalakad nito palayo sa lamesa niya. "Wait." Mabilis niyang pigil dito. Humarap naman agad ito. She's cute. Marahas niyang naipilig ang ulo dahil sa naisip. "What's your name?"

"Ahm, Margaux Fernandez ho." Sagot nito at sabay ngiti. "Just call me Marga, sir. Para ho madaling banggitin."

'Yon lang at umalis na ito. Naiwan siyang nakatunganga sa pinto na nilabasan nito habang paulit-ulit na magrereplay sa utak niya ang ngiti nito.

Its not a perfect smile but something waken in him by that smile. The way she smile, he find it seductive.

"Fuck it." Malutong siyang napamura nang maramdaman niya ang pagkagalit ng alaga niya. "Shit."

After a year, ngayon lang ulit nabuhay ang alaga niya. At ang nakakainis pa ro'n, ngiti lang iyon pero nagalit agad ang alaga niya. Paano pa kaya kung...kung...kung...

"Fuck you self!" Sigaw niya sa sarili. Hindi na lang niya iyon pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa.

Malakipas ng ilang oras, nakaramdam siya ng gutom. Pinatay na muna niya ang laptop niya saka lumabas ng opisina. Tumingin siya sa relong pambisig upang alamin ang oras.

11:36pm.

Its late. At ngayon pa lang siya nakaramdam ng gutom. Bumaba na siya ng hagdan. Nagtungo muna siya sa sala upang tignan kung naroon ba ang bago niyang katulong. Pero walang tao ro'n. Kaya naman nagtungo na lang siya sa kusina.

Pagpasok niya sa kusina agad na nanuot sa ilong niya ang amoy ng mabangong ulam. Mabilis siyang lumapit sa lamesa at inangat ang takip na nasa ibabaw ng mga pagkain at napangiti siya nang makita ang paborito niyang ulam.

Sinigang na manok at longganisa. My favorite.

"Alam agad niya yung gusto kong ulam." Aniya sa hangin at nag-umpisa nang kumain. Unang subo pa lang nasarapan na siya. "What a nice cook."


A/N: Still inactive. Sorry everyone but I'll try my best to update:)

Past and FutureWhere stories live. Discover now