Chapter 21

6K 178 9
                                    

KANINA PA gising si Margaux pero mas pinili niya munang mahiga lang sa kama. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang tinamad bumangon at gusto lang na mahiga buong araw.

"Ayokong bumangon!" Sigaw niya habang pinapadyak ang paa. "Pero hindi pwede. Kailangan kong bumangon."

Pinilit niyang umalia sa kama at pumasok sa loob ng banyo para maligo. Siguro naman kapag naligo siya hindi na siya tatamarin gumalaw.

Pagkatapos niyang maligo mabilis siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng silid. Napakunot ang nuo niya nang walang marinig na kahit ano sa bahay. Sobrang tahimik. Kulang na lang ng ibon para magtunog gubat na ang loob ng bahay.

"Nasaan ba yung tuko na yon?" Kunot nuong nagtungo siya sa kusina ngunit wala siyang naabutan do'n. Napatingin siya sa lamesa nang may mapansin do'n kaya nilapitan niya iyon. "Ano 'to?"

Kinuha niya ang isang yellow sticky note at binasa ang nakasulat doon.

Hey, good morning. I already cooked something for you so don't bother to cook anything for your breakfast. Umalis lang ako kasi may aasikasuhin lang ako. Maybe I'll be there before lunch. Get some rest, okay? See you later.

From your handsome boyfriend.

Napangiti na lang siya sa sulat nito. Nangingiting ipinaghanda niya ang sarili niya ng makakain at nag-umpisang kumain ng kanyang umagahan.

Nang matapos kumain naghugas siya ng kanyang pinagkainan at habang nasa kalagitnaan siya ng paghuhugas niya ay biglang nag-ingay ang doorbell.

Kumunot ang nuo niya at naghugas ng kamay saka naglakad patungong sala upang pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa labas.

"Si Matt ba yon?" Tanong niya sa sarili habang naglalakad palapit sa pinto. "Sariling bahay walang susi?"

Nang makalapit sa pinto agad niyang binuksan ang pinto pero lalo lang kumunot ang nuo niya nang makitang hindi si Matt ang nasa labas.

"Sino ho sila?" Tanong niya sa isang magandang babae nakatayo sa harapan niya. Sa tingin niya ka-edad niya ang dalagang nakatayo ngayon sa harap niya. Sa sobrang ganda nito kulang na lang tapatan ito ng spotlight. 'Artista ba 'to?' "Anong kailangan?"

"Hi." Nakangiting bati nito sa kanya pero binigyan niya lang ito ng nagtatanong na tingin. "Oh yeah, sorry. I'm Steph Roose."

'Steph Roose?'

KARARATING LANG ni Matt sa bahay ng kaibigan na si Vaile. May inasikaso muna kasi siya bago siya pumunta sa bahay ng kaibigan. Naglakad siya papunta sa pinto at pinindot ang doorbell. Makalipas ng ilang segundo bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang mukhang naiiritang mukha ng kaibigan.

"You're late, idiot." Bungad nito at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok."

"Sorry I'm late. May inasikaso kasi ako e bago pumunta dito." Pumasok siya sa loob ng bahay nito at siya na rin ang nagsara ng pinto saka sumunod ng lakad sa dalaga patungong kusina nito. "Ang aga-aga ang init ng ulo mo."

"Paanong hindi iinit ulo ko e umagang-umaga may nambulabog sakin kanina." Inis nitong wika habang nagtitimpla ng kape. "Imbes na maganda ang gising ko, bubungad sakin yung mukha ng taong ayoko nang makita."

Past and FutureOù les histoires vivent. Découvrez maintenant