Chapter 22

5.8K 176 5
                                    

MALALAKI ANG hakbang ang ginawa ni Matt papasok sa bahay niya nang makarating siya sa sariling bahay. Mabilis siyang pumasok sa loob at agad na tinungo ang sala upang hanapin ang dalaga. Pero agad siyang napahinto nang makita si Margaux na nakayuko habang kausap si Steph.

'Shit.'

"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong niya kay Steph. Parehong napatingin sa kanya ang dalaga. Tinignan niya ang mukha ni Margaux pero malamig lang itong nakatingin sa kanya at nag-iwas ng tingin makalipas ng ilang segundo. "You're not welcome here."

"Matty!" Steph call out his name. Kumuyom ng kusa ang kamao niya nang makitang tumayo si Marga at naglakad patungong kusina. "Alam mo, ang bait ng bago mong katulong. I like her."

"Umalis ka na." Aniya sa seryosong tono. Gusto niyang puntahan si Marga at kausapin pero alam niyang hindi niya iyon magagawa habang na rito si Steph. "Ayokong makita ang pagmumukha mo."

"Ouch." She act like she's hurt by his words. Lumapit ito sa kanya at ng ilang dangkal na lang ang layo ng katawan nila sa isa't isa huminto ito. "I know you miss me. I told you, babalik ako. And now that I'm here, hindi na ulit ako aalis. By the way, you change your perfume? I love it. I'm getting wet by just smelling your scent."

"Umalis ka na, Steph!" Hindi na niya napigilan ang pagsigaw dahil sa iritang nararamdaman. "Please, umalis ka na."

"You're so mean." Anito na parang kawawang bata.

"And you aren't?" Tanong niya. Sinalubong niya ng malamig na tingin ang mga mata nito. "When you left me, you think that wasn't mean? You're the one who's mean not me! So could you just leave my house and never come back!"

"I thought you miss me?" She asked. Nanlaki ang mga mata niya sa naging tanong nito at aminin niya man o hindi, nandidiri siya. "I thought you always think of me? Bakit parang galit ka sakin?"

"Malamang ako galit ako sayo. Galit na galit ako sayo, Steph!" He shouted. He can't help himself but to shout because of the irritation. "At sinong nagsabi na namiss kita? Na iniisip kita? I never think of you and I never miss you since the day you left!"

"B-but, your housemaid told me." Pabulong nitong wika pero narinig niya pa rin.

"Oh god, Marga is not my housemaid." He said, full of irritation. "She's my girlfriend. So pwede ba? Umalis ka na."

"What?!"

"Get out, Steph!"

Napasinghap ito dahil sa lakas ng sigaw niya at wala sa sariling naglakad palabas ng bahay niya.

Napabuga siya ng iritadong hininga saka tumingin sa dereksyon papuntang kusina.

'I just wish she understands.'

MARGAUX CAN'T stop herself from being hurt. She feel like her chest got stabbed by hundreds of knives. She doesn't even know what to do at the time Steph step inside the house.

*Flashback

"Where's Matt?" Tanong agad ni Steph nang makapasok ito sa loob ng bahay. "Is he up stairs?"

"Umalis siya kanina pa." Sagot niya na parang walang pakialam sa mundo. Umupo ito sa mahabang sofa habang siya ay sa pang-isahang sofa. "Ano palang kailangan mo sa kanya?"

"Well, I just want to see him because I miss him so much." She answered. Halata sa mukha nito na totoo ang mga sinasabi nito. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kirot dahil sa sinabi nito. "Where is he by the way?"

"Hindi ko alam e. Wala kasi siyang sinabi." Aniya at pekeng ngumiti rito. She want to ask something so she did. "Kaano-ano ka niya?"

"Oh? You didn't know? Hindi niya sinasabi sayo?" 'Tanga lang ha, magtatanong ba ko kung alam ko?' Gusto niya sanang sabihin kaso ayaw niyang maging bastos. "Matt is my boyfriend. Well, hindi ko lang alam kung hanggang ngayon ganoon pa rin ang tingin niya sakin. I just wish."

Para siyang kinapos ng hininga sa narinig. Girlfriend? Does she heard it right? She thought Matt is single. What happened?

'Niloloko lang ba ako ni Matt? Gusto niya ba akong makitang nasasaktan? Anong ginawa ko sa kanyang mali para magsinungaling siya sakin? Bakit niya tinago sakin na may girlfriend pala siya? Bakit?!'

She need to stop herself from crying. Hindi siya dapat umiyak dahil lang nalaman niyang "kabit" siya.

"Uhm, are you ok?" Steph asked.

Napatingin siya rito at pilit na ngumiti. "O-oo."

"I think I didn't quite catch your name."

"Margaux." Sagot niya at pilit na ngumiti. "Margaux Fernandez."

"Well, Margaux, if you don't mind, can I ask something?" Tanong nito. Pilit siyang tumango at kunwaring itinuon ang atensyon dito. "What are you to Matt?"

Hindi agad siya nakasagot dito at tinignan niya lang ito. Sasabihin niya ba ang totoo? Lihim niyang kinurot ang sarili. Makalipas ng ilang segundo napagdesisyunan niya na ring sumagot.

"Uhm," Huminga muna siya ng malalim at pinagpatuloy ang sasabihin, "bago akong katulong dito."

"Oh, you're too pretty to be a housemaid." Wika nito pero hindi siya konbinsido. Sa tono ng pananalita nito ay tila ba may gusto itong iparating. "I thought you're Matt another girlfriend. Good thing I was wrong."

'Kung alam mo lang...'

*End Of Flashback

Anong gagawin niya ngayon? Ngayong alam na niyang "kabit" siya. Ano ba 'tong pinasok niya at naging kabit siya? Wala ito sa pangarap niya sa buhay.

"Argh! Anak ng tinapa naman!" Pabulong niyang sigaw at napaupo sa upuan at sinabunutan ang sarili. "Marga ang tanga mo talaga kahit kailan."

Naaawa siya sa sarili dahil sa sitwasyon niya ngayon. Kung maraming tao ang nakakaalam ngayon sa sitwasyon niya, malamang na sasabihin ng mga ito na kabit siya.

Napatingin siya ng pinto ng kusina nang may marinig na yabag papalapit sa kanya. Biglang naninikip ang dibdib niya nang makita ang binata na papalapit sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"Hey," Umiwas siya ng tingin dito at pilit na binaling sa ibang dereksyon ang paningin, "can we talk?"

"Pagod ako." Aniya saka tumayo at pinilit ang sariling tumingin sa binata. Nakaramdam siya ng kirot nang magtama ang mga mata nila. "Magpapahinga lang ako. Kung may kailangan ka katok ka lang sa kwarto."

"Please, Marga," pigil nito sa kanya nang maglalakad na sana siya palayo rito, "mag-usap tayo kahit sandali lang."

"Pasensya na, sir Matt, pero may aayusin pa ako sa kwarto ko." Pigil ang inis na aniya. "Sa susunod lang ho tayo mag-usap, sir."

"I told you to stop calling me sir-"

"Amo kita kaya tatawagin kitang "sir"." Pigil niya sa sasabihin nito. "Kung nagugutom kayo, sir, may pagkain ho d'yan."

Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siya paalis dito at lumabas ng kusina pero agad siyang napatigil sa paglalakad nang makita si Steph na masamang nakatingin sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at huminto ng ilang dangkal na lang ang layo sa kanya. "I'm telling this to you once and I won't repeat it again so listen, leave my boyfriend alone, got it?"

"Umalis ka sa harapan ko." Kalmadong wika niya pero ang totoo ay nagpipigil lang siya ng galit. "Huwag kang mag-alala, hindi ako lalapit sa kanya. Sayong-sayo na siya."

Then she left, letting her tears fall one by one. Pumasok siya sa kwarto niya at napasandal sa nakasarang pinto at mahinang napahagulgol.

'Ang sakit, anak ng tinapa naman.'

C.M.P

Past and FutureWhere stories live. Discover now