Chapter 2

320 19 48
                                    


"Ano na naman ba 'to, Disha? Gumawa ka na naman nang gulo!" bungad ni Mavrix–ang kuya ni Disha.

Wala rito ang mga magulang nila. nasa probinsya ang mga ito dahil sila ang nagma-manage ng farm nila at dalawa lang sila ng kuya niya ang nasa Manila. Nagtatrabaho si Mavrix, bilang isang camera man sa JT entertainment, habang siya naman ay author at script writer dito.

"Kuya naman, nagsusulat ako ang ingay mo. Panoorin mo na lang kasi 'yan. Ang angas ko nga d'yan, e. Kung nakita mo lang mukha nila ah. Matatawa ka, puro kasi love," natatawa nitong sabi.

Alas-otso na ng gabi, nakatambay siya sa kusina kung saan mas kumportable siyang magsulat. Tahimik ang bahay nila kaya mas focus siya sa ginagawa niya, bigla lang talaga sumingit ang kuya niya para pagalitan siya.

"Nakakatuwa? Ito nakakatuwa!" Isang malakas na pektus ang naihain sa kaniya nito.

"Aray! Ang sama ng ugali mo kamo! Sama kita rito sa sinusulat ko gusto mo? Tapos babalatan kita ng buhay at isasampay sa labas?" Mangiyak-ngiyak nitong saad habang nakahawak sa kaniyang ulo.

"Alam mo namang gagawing movie ang sinulat mo, kailangan mo 'yong i-promote. Tapos gumawa ka ng ganito? Ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo? Jusko naman Disha! Pwede ba kahit sa pagsusulat ka na lang maging bitter. Tatanda ako ng maaga, e!" Gigil na saad ng kuya niya. Umamba pa ito na parang gusto siyang tupiin sa walo.

"Ako nang gagawa ng paraan para rito. Jusko! Dapat andito sina mama para tatlo kaming babatok sa 'yo." Napangiwi si Disha habang nakatingin sa kuya niyang nagdadabog paalis sa kusina.

"Jeske! Depet endete sene meme. Tch! Parang bakla, ang daldal pa," iritado nitong sabi.

Umayos muna siya nang upo, kinuha ang cookies na nasa gilid bago ibinaling ang tingin sa laptop. May bago siyang isinusulat ngayon, romace pa rin ang genre. Nagsisimula pa lang siya, pero alam mo na kaagad ang katapusan.

Sa tuwing makakakita ng libro sa kahit anong bookstore at pangalan ni Disha ang nakalagay, paniguradong wala itong happy ending. Pero sad'yang marami pa rin ang bumabasa nito, dahil sa iba ang atake ng bawat niyang gawa.

"Ano na ba ulit isusulat ko?" bulong nito sa sarili. Dahil sa panggugulo ng kuya nito, nakalimutan na niya ang susunod na scene. Kailangan pa muna niyang basahin ang buong chapter para lang maalala ang dapat na isusulat. Pero wala na, inatake na siya ng katamaran.

Kanina, talagang ganado na siya, ngayon naman, wala na siyang maisulat. Kung hindi lang sana siya ginulo ng kuya niya baka natapos niyang isulat ang chapter na ito. Isinara na niya ang laptop, itinaas ang isang paa at nilantakan na lang ang pagkain.

Kinuha rin nito ang cellphone at naakit ng social media. Mahirap talagang kalabanin ang social media, nahahatak talaga siya nito kaya minsan, hindi siya nakakapagsulat.

"Ang ganda ko rito." Natatawa nitong puri sa sarili habang pinapanood ang video niya na trending ngayon sa Facebook. Marami na itong views kahit kaninang umaga lang ito nailabas, inulan din ito ng iba't ibang kumento. Halo-halo, may natatawa sa ginawa niya, mga mga nagagalit dahil sa pagiging pakialamera niya. Mukhang dito nakatambay ang mga fans at basher niya. Pero wala siyang pakialam sa mga ito.

Sa totoo lang, hindi talaga niya pinangarap na maging isang sikat na author. Nagsulat lang siya noong nasaktan siya, dahil wala siyang mapagsabihan nang lahat ng sama ng loob. Doon niya ibinuhos ang lahat, ang buong k'wento nila ng ex boyfriend niya. Kung paano sila nagmahalan, hanggang sa kung paano sila maghiwalay. Nagulat na lang siya isang araw, tumawag ang JT at tinanong siya kung gusto niyang gawing libro ang gawa niya. Dahil 'yon sa kagagawan ng kuya niya, ipinasa ang manuscript niya ng hindi niya alam.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon