Chapter 40

66 4 0
                                    

"Hindi ko talaga alam kung ano ang mga pwede kong gawin sa mga 'yon. Maayos na ang usapan namin, pero bakit pa rin nila itinutuloy?" Mabibigat ang bawat bitaw ng salita ni Disha.

"Ang sarap nilang batuhin ng itlog," saad ni Ver, habang may mahinang pagtawa.

Nakahinto ang sasakyan dahil sa red light. Dahil sa sinabi ng kaibigan, nakaisip si Disha ng magandang eksena.

"Mukhang gusto ko ang naisip mo. Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanila kapag binato ko sila ng itlog?" tanong ni Disha.

Ang galit na nasa kaniyang puso, ay lalong naging mas kapanapanabik. Lalo pa ngayon na may magandang idea na binigay ang kaniyang kaibigan. Ilang saglit pa nang makaandar ang sasakyan, napadan sila sa isang ale na nagbebenta ng itlog. Kusang huminto si Ver, kahit pa man hindi na sabihin ng kaniyang kaibigan. Sa mga oras na ganito, walang ibang ginawa si Vernalia kung hindi ang suportahan ang kaniyangkaibigan.

"Ate, isang tray ng itlog." Matapos na sabihin ito ni Disha, agad na inabot sa kaniya ng babae ang pinamili niya.

"Game ka na ba?" hamon ni Disha sa kaniyang kaibigan.

"Kailan ba hindi?"

Mabilis na lang nilang narating ang lugar kung saan may shooting. Nang makababa si Disha sa sasakyan, hindi muna nito dinala ang itlog. Hinayaan niya si Ver na maiwan sa loob ng kotse.

"Wow! May shooting pala ngayon? Anong eksena na ba to? Bakit si Marie lang? Nasaan ang love team?" tanong ni Disha na siyang ikinatigil ng lahat.

"Disha? Anong ginagawa mo rito?" maging ang mukha ni direk Lao ay gulat na gulat.

Sa pagdating ni Disha, halos umingay ang paligid dahil sa kaniya-kaniyang bulungan ng bawat staff. Alam na rin ng mga ito na pinapatigil na ni Disha ang project na ito. Tanging si Marie lamang ang mapilit na kahit wala si Dave at Taria, pinagpatuloy pa rin nito ang palabas.

"Disha? Anong ginagawa mo rito? Ang akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?" Mahinahon na tanong ni Marie.

Narito na naman ang magpapatuloy niyang pagpapanggap na wala siyang galit kay Disha. Nasa harapan sila ng camera at maraming tao ang nanonood sa kanila, lalo pa ngayon na natigil ang shooting dahil sa biglaan niyang pagdating.

"Ako Marie 'wag mong madala sa pagiging mabait mo kunwari. Mala anghel na mukha, pero ang pag-uugali naman ay daig pang galing sa impyerno. Mahiya ka naman, ang puti ng balat mo, pero ang itim naman ng budhi mo!" bulyaw ng dalaga. Sinadya talaga itong iparinig ni Disha sa lahat. Samu't sari na naman ang hiyawan ng mga tao. Kaniya-kaniya na naman sila ng opinyon tungkol dito.

"Disha, hindi maganda ang mga sinasabi mo."

"Hindi lang sinasabi ko ang hindi maganda, pati ang gagawin ko. Direk Lao, sana makuhanan mo ng mas maayos 'to." Matapos itong sabihin ni Disha ay agad siyang umalis sa kaniyang kinatatayuan, kasabay nang paglakad niya ay ang paglabas ni Ver sa loob ng kotse. Pero bago pa ito ay nagpadala na siya kay Dave ng mensahe sa kung ano ang ginagawa ni Disha sa lugar na ito. Alam ni Ver na darating na rin ang binata sa mga susunod na oras.

"Go, Disha! Ipakita ang kamandag ng isang bitter."

Tila ba tuwang-tuwa si Ver habang sinasabi ito.

Agad na kinuha ni Disha ang isang tray ng itlog na hawak ng kaniyang kaibigan at nagmadali na bumalik sa mga taong kinaiinisan niya.

"What the hell is that, Disha?!" Hindi makapaniwala si direk Lao sa kaniyang nakikita. Napatayo pa ito upang pigilan si ang dalaga sa balak nitong gawin.

"Ilang beses ko na ba sa inyong sinabi na hindi na itutuloy ang movie na 'to? Maganda ang naging usapan natin, pero kayo ang sumira."

Umamba si Disha na ibabato na nito ang itlog, kaya agad na nagsigawan ang mga taong nasa paligid. Maging si Marie ay agad na nagtago sa mataba niyang manager.

"Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo, Disha. Hindi maganda ang ganyang pag-uugali." Pagkukunwari ni Margie na ang akala mo ay isa siyang mabait na manager.

"Wala akong pakialam kung hindi maganda ang ugali ko, ang alam ko lang kaganda ako!" Matapos na sabihin ito ni Disha ay agad niyang binato ng magkasunod na beses ni Margie. Muling nagsigawan ang mga tao at kaliwa't kanan ang mga kamera nakatutok sa kaniya.

"Can you please stop this shit Disha?" Hindi na kayang pigilan ni Marie na ilabas ang tunay niyang ugali. Lalo pa at muntikan na siyang matamaan ng itlog na ibinato ni Disha.

Ang ibang staff ay agad na umalis doon. Tanging sina Marie, direk Lao, Margie at Disha lamang ang magkakaharap.

"Be professional, Disha," dagdag ni Marie na kahit anong pilit niyang pakalmahin si Disha ay hindi niya magawa.

"Be professional? Fuck your shit bitch!"

Kasabay nang pagsigaw ni Disha ay ang sunod-sunod nitong pagbato ng itlog. Kahit na anong iwas ng mga nasa harapan niya ay natamaan pa rin sila ng mga itlog. Ang tunay na puntirya rito ni Disha ay si Marie, na kahit anong pagtatago sa likod ng dalawa ay hindi pa rin niya nagawang makatakas sa bagsik ng kapaitan ni Disha.

Isang kahihiyan man ito para kay Disha, hindi siya nagkaroon ng pakialam. Ang alam lamang niya sa mga oras na ito, ay ang kaginhawaan sa kaniyang dibdib. Hanggang sa maubos niya ang lahat ng itlog sa kababato sa mga nasa harapan niya. Walang kahit na sinong nagtangka na awatin si Disha.

Magaan sa pakiramdam ang ganito. Nailalabas niya ang lahat ng kaniyang galit. Nang maubos ang lahat ng itlog, pati ang tray ay ibinato niya. Hingal na hingal pa ang dalaga habang nakatingin sa mga kaaway niyang puno na ng lagkit ang buong katawan.

"Hindi na sana umabot sa ganito kung hindi kayo nagpumilit. Wala na kayong karapatan na ituloy ang movie at kahit na ano sa mga isinulat ko, dahil ngayong araw ay inaalis ko na rin ang lahat ng libro ko sa JTent. Mga punyeta kayo!" bulyaw ng dalaga.

"Hindi ko palalampasin ito, Disha!" Halos sumabog na bulkan na si Marie habang sinasabi ang mga salita na ito. Lalo pa ngayon na malagkit na ang katawan niya dahil sa pagbabato ni Disha ng itlog.

"Magpunta ka sa office ngayon, Disha. Mag-uusap tayong lahat." Maging si direk Lao ay bakas na ang inis sa mukha. Sa dami ng writer na nakasama niya at nakatrabaho, ngayon lamang may gumawa ng ganito sa kaniya.

"Okay." Tipid na sagot ni Disha at maarteng tumalikod sa mga ito. May nakakalokong ngiti pa siyang ipinakita kay Marie, na alam nyang ikaiinis ng artista.

Nang maglakad si Disha palapit sa kaniyang kaibigan na tuwang-tuwa, may isang kotse ang huminto. Dali-daling lumabas si Dave at ikinagulat ang kaniyang nadatnan.

"Late ka na. Panoorin mo na lang sa balita," saad ni Ver.

"Anong ginawa mo, Disha?" tanong ng bintana na tila hindi pa rin makapaniwala sa eksena na ginawa ng kaniyang minamahal.

"Pag-uusapan daw ito sa JTent. Ikaw na ang maghatid sa akin." Matapos na sabihin ito ng dalaga ay agad siyang pumasok sa kotse ni Dave.

Ang lahat ng naganap ay nakuhanan ng video. Mula sa ginawang eksena ni Disha, hanggang sa pagsakay niya sa sasakyan ni Dave. Maging kung paano talikuran ni Dave ang kaniyang on-screen loveteam na si Marie. Ang pangyayari na ito ay magiging isang malaking usapin sa mundo ng showbiz.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon