Chapter 29

68 3 0
                                    

"Ano ba kasing mga kabobohan ang ginawa mo?" tanong ni Disha, habang ang bulak na pinapanlins niya sa sugat ng binata ay mabibigat.

"Dahan-dahanin mo naman, ang sakit kaya," angal ng binata, habang ang mga kamay niya ay nakakapit sa upuan.

Narito sila ngayon sa bahay nina Dave, Inuna lang nilang ihatid sina Taria at Malou. Nang bumaba si Disa sa sasakyan, upang bumili ng gamot ay si Dave na ang pumwesto sa driver seat at dahil ayaw nyang umalis doon, hinayaan na lamang ng dalaga ang lalaking ito. Nagtalo pa silanoong sa bahay siya ni Dave dinala.

Masyadong masama ang nasa isipan ng dalaga, dahil bakit nga naman siya dadalhin ng kasama niya sa bahay? Tapos alam niyang hindi pa mapagkakatiwalaan ang lalakig ito. Mabuti na lang talaga ayt maraming katulong ang sumalubong sa kanila.

Malaki ang bahay ni Dave, hindi naman ito nakapagtataka dahil alam ng dalaga na mayaman din ito. Isang sikat na atista, malaki ang sahod at hindi nauubusan ng endorsement. Sino ba naman ang hindi makakapagpagawa ng bahay.

"May nurse dito sa bahay niyo, tapos ako pa ang gusto mong gumamot sa sugat mo?" Marapos itong sabihin ni Disha, agad niyang ibinato sa mukha ni Dave ang bulak, mabuti na lamang at naiwasan ito ni Dave.

"Ginamot mo rin naman ako. Mahal mo talaga ako," sambit ng binata habang ang labi nito ay may malaking ngisi. Isa sa bagay na kiaiinisan ni Disa sa binata.

Bakit nga ba ginagamot pa rin niya ang lalaking ito? Bakit hindi niya maipaliwanag sa sarili niya ang mga tanong na ito? Dahil noong nakita niyang may sugat sa mukha ang binata, labis din ang pag-aalala nito. Hindi niya kayang ikaila ang bagay na ito. Hindi niya kayang linlangin ang sarili niyang wala siyang ibang nadama para sa binata. Ang takot na naramdaman niya, alam nitong may mali na sa puso niya. Isang bagay na kailangan niyang iwasan hanggat maaga pa.

"Kailangan ko pa palang masaktan bago ka magkaroon ng pakialam sa akin. Sana palagi na lang ako nasasaktan." Kahit na may pagbibiro sa sinabi ni Dave, pinpapakita pa rin ng mga mata nitong mas natitiwa siyang nag-aalala sa kaniya ang babaeng mahal niya.

Ngayon pa na alam nilang ilang sandali na lang, ang lalaking mahal ni Disha ay magpapakita na sa kaniya. Sa kaunting pag-asa na pinanghahawakan niya, umaasa pa rin siyang baka maaaring siya pa rin ang pliin nito. May katiting na liwanag siyang nakikita. May nararamdaman siyang, alam niyang nararamdaman din ni Disha. Pero paano kung ang lalaking una nitong minahal ay nagpakita na sa kaniya? Anong mangyayari sa kaniya?

Ang kwento na si Disha at Drarex ang bida, anong magiging papel na gagampanan ni Dave?

"Pwede na siguro akong umuwi no? Ano sa tingin mo? Baka naman pwede mong ibigay sa akin ang susi ng kotse ko?" Inilahad ng dalaga ang kaniyang palad. Dahil sa ginawa nito, marahan pang ibinaba ni Dave ang hawak nitong ice bag.

"Hindi ka muna uuwi." Mabilis nitong sagot at humalukipkip. Dahil sa sinabi niya, agad na nag-init ang ulo ng dalaga. Lalo pa ngayon na tila walang pakialam ang binata sa kung an ang inis na nararamdaman niya ngayon.

"Dito tayo kakain ng hapunan. Ako na ang maghahatid sa 'yo mamaya," dagdag nito.

"Hindi na kailangan, dahil hahanapin ako sa bahay," pagsisinungaling ni Disha, dahil ang totoo ay hindi rin naman siya hahanapin ng mga ito. Nagpaalam na siya na baka gabihin sa pag-uwi, dapat talaga ay may gala pa sila ni Taria, pero dahil umepal si Dave, nabitin tuloy ang dapat nilang gala.

"Nagpaalam na ako kay Mavrix, sabi niya na kahit huwag ka na raw pauwiin." Mahinag natawa ang binata habang sumasandal.

"Bwisit na Mavrix talaga 'yan!" asik ng dalaga. Ang mga mata nitong tila isang malatim na kutsilyo ay nasilayan na naman ni Dave. Para na namang isang bulkan na sasabog sa inis si Disha.

"Kaya wala ka nang magagawa pa, kung hindi ang sabayan akong kumain. Ang swerte mo naman, ang isang gwapong tulad ko pa ang nag-aaya sa 'yo na kumain." Presko na saad ng binata.

"Tumahimik ka nga! Baka dagdagan ko 'yang galos sa mukha mo!" Umamba si Disha na babanatan si Dave nang may isang salita ang nagpatigil sa kaniya.

Nabigla ang dalaga dahil sa pagsigaw ng isang babae. Nanlaki pa ang mga mata ng dalaga habang nakatingin doon. May isang magandang babae na sa tingin niya ang nanay ni Dave. Malaki ang pagkakahawig nilang dalawa ng binata. Pero napansin din ni Disha ang naiibang pag-uugali ng babae, dahil para siyang isang bata kung umasta.

"Disha! Disha! Idol kita." Bakas ang tuwa sa boses ng babae habang nagmamadali itong lumapit sa kaniya, may ilang mga nurse pa ang nakaalalay rito, pinipigilan pa nga siyang tumakbo. Ngayon ay naiintindihan na ni Disha kung bakit may nurse sa bahay nina Dave.

"Idol kita. Mabuti naman at narito ka na sa bahay. Sasabay ka bang kumain sa amin? Salamat naman. Yehey! Ang saya ko ngayon," saad ng babae habang ang mga palad niya ay nagdidikit. Hindi lang kamay niya ang pumapalakpak sa tuwa, dahil maging ang puso nito ay binubuhay ni Disa.

Hindi na magawang magsalita ng dalaga. Ang mukha niyang galit kanina ay napuno na ng pagtataka ngayon. Salubong ang kilay at nakauwang ng kaunti ang labi niya habang nakatingin ay Dave at umaasa na ipaliwanag nito ang tunay na dahilan kung bakit ganito umasta ang babae. Pero wala siyang nakuha na sagot. Ngumiti lang sa kaniya si Dave. Ang ngiti na walang kasing tamis, ilang saglit pa ay napatingin ito sa kaniyang ina.

Abot langit ang tuwa ni Dave habang nakatingin sa kaniyang ina. Nagbibigay ng sigla sa puso niya ang nakikita nitong tuwa sa mga mata ng kaniyang nanay. Ngayon na narito na si Disha, alam niyang natupad na rin ang palaging hinihiling sa kaniya ng kaniyang ina. Walang kamalay-malay si Disha na ang babaeng kaharap niya ngaon ay ang isang loyal fan niya.

Siguro ay mamaya na lamang ipapaliwanag ni Dave sa dalaga ang tunay na dahilan kung bakit siya nito dinala rito. Nais rin ipakita ni Dave kung sino ba talaga siya, kung ano ang malaking parte ng buhay niya ang nais na maintindihan ng dalaga. Sa kabila ng araw na ito, may maganda rin pa lang naidulot ang pagpapabugbog niya kay Darex.

Ngunit hanggang kailan kaya ito? Hanggang saan tatagal ang kasiyahan niya? Hanggang ngayong gabi? Dahil alam niyang sa oras na magbalik si Darex sa buhay ni Disha, mawawala na rin ang babaeng ito sa piling niya. Kahit naman minsan ay hindi naging kaniya si Disha, pero nais niyang sa nalalabing sandali na hindi pa sila nagtatagpo ni Darex, baka maaari pa rin niyang mahuli ang mapait nitong pag-ibig.

Sa pagitan ng kasikatan at ng pag-ibig. Isa lang ang maaaring manalo at isa ang dapat na bitawan.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon