Chapter 20

111 7 0
                                    

"CUT!" Isang sigaw na pumutol sa eksena.

Napairap si Disha at halata sa mukha ang irita. Ngayon pa na nasa tabi niya si Dave at binabasa ang mga linya niya. Hindi rin siya satisfied sa acting ni Marie. Hindi ganoon ang nasa imagination niya, malamang ay madidismaya ang mga fans niyang nag-aabang sa movie na ito. Hindi manlang nabigyan ng maayos na katarungan ang karakter ni Adrea. Mabuti pa kay Dave, kahit papaano ay nakuha niya ang personality ni Martin.

"Mount Ulap susunod natin, pero bukas na siguro. Maggala muna kayo kung gusto niyo," wika pa ni direk Lao. Inayos ni Disha ang buhok niya bago lumakad paalis doon. Ang ibang staff ay patuloy na nag-aayos ng mga gamit.

"Taria." Seryosong tawag pa niya dito. Mabilis namang napahinto ito kasama ng PA niya. Ang seryoso at matalim nitong mga mata ay nakatuon lang sa baguhang artista. Nabakas naman sa maamong parang pusa na mata ni Taria ang pagtataka. Marahan ang pagkurap nito na makikita ang pilantik at mahaba niyang pilik-mata.

"Bak–"

"Dapat ginantihan mo rin siya ng sampal." Seryosong suri nito sa mukha ng dalaga, habang nakahawak sa panga nito. Tinitingnan niya kung bumakat ba ang mabigat na kamay ni Marie sa makinis at malambot nitong pisngi.

"Umapila ka kung alam mong hindi naman kasama sa scene," saad pa nito matapos bitawan ang mukha nito. Napayuko naman ang baguhang artista na ito, at nakaramdam ng pagkahiya.

Lahat kasi ng narito, walang gaanong pumapansin sa kaniya. Maliban na lang kung nasa harapan sila ng camera, doon nila ginagamit ang isa pang malupit na acting skills. Para akalain ng mga tao na sobra ang closeness nila sa taping, pero ang totoo ay kaniya-kaniya sila.

"Wag kang maging mahina, hindi babagay 'yan sa kung ano ka ngayon. Ikaw din naman ate, binabayaran ka para bantayan 'yang alaga mo. 'Wag kang tumunganga lang basta." Nakataas pang kilay na saad ni Disha, hindi na niya hinintay pang magsalita ang dalawa. Lumakad na siya paalis, bago pa man niya nakita ang tuko na may makapag na kilay.

Dumaan siya sa lugar kung saan siya makikita ng mga nag-aabang na fans. Sinuot ang blue baseball cap at black facemask.

Umalingaw-ngaw sa paligid ang pangalan niya, mula sa mga fans na kanina pa siya gustong masumpungan. Kumaway lang siya sa mga ito at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Burnham tayo. Gusto kong gumala." Pagsandal pa nito sa upuan. Hindi na niya inalis ang suot na cap at facemask, sa halip ay nagpakit ito ng jacket. Gusto niyang makapggala ng walang kahit sino ang nakakakilala sa kaniya.

Nang makarating sila sa Burnham park. Doon lang niya naalala ang bagong iPhone mula kay Dave. Hindi niya pala ito naisauli kanina.

"Saglit lang ako." Mas malamig pa ang boses nito kesa sa klima ngayon.

Lumakad na siya paalis doon. Mapayapa at walang ibang iniisip, bawat nadaraanang mag-jowa ay iniirapan niya. Panay ang bulong at dasal na sana ay maghiwalay na ang mga ito. Lahat ng couple sa mundo ay sana magsipag-break na, para manahimik na rin siya at mabuhay ang lahat ng masaya at matiwasay.

Napatigil siya sa isang gilid, pinanood ang mga batang nagbi-bisikleta. Napasinghap at umayos ng tayo. Matagal na niyang pangarap na matulo nito, pero walang nagtuturo. Takot din siyang sumemplang at masaktan.

Noong narito sila ni Darex, nagpapaturo siyang mag-bike, pero wala itong panahon. Ayaw niyang masayang ang oras nila. Kung hindi raw siya marunong sa isang bagay, 'wag na lang niyang alamin.

"My loves!" Literal na napalundag ito sa sobrang gulat. Napahawak pa sa kaniyang dibdib na halos kasing bilis ng tren ang tibok.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Singhal pa nito sa binata.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon