Chapter 50

54 6 1
                                    

"Anong gusto mong ilagay ko rito?” tanong ni Disha habang nakatingin sa kaniyang libro.

“Kayo na po ang bahala, ate Disha,” sagot ng kaniyang fans na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na nasa kaniyang harapan na ang kaniyang idolong manunulat.

Dahil sa sinabi nito, naglagay na lamang si Disha ng Cactus and Honey na ang ibig sabihin para sa kaniya ay bitter sweet. Minsan dapat maging balanse ang lahat, hindi pwedeng bitter ka lang at hindi naman maaaring sweet ka palagi.

“Thank you po. Ang ganda niyo po talaga ate.”

“I know," tipid na sagot nito, hindi na rin maalis ang kaniyang ngiti.

Ngayong araw ang kaniyang book signing para sa bago niyang libro. Ito ang libro na kasama sa Serye Bahaghari: Promise of a broken leaf. Magiging movie na rin ang isa mga librong isinulat ni Disha na Krisanto Agimat na kung saan ay si Dave ang gaganap na artista.

Maraming bagay na ang nangyari sa buhay niya nitong mga nakaraang dalawang taon. Maliban sa naging masaya na sila ni Dave at walang kahit na sino ang umaaway sa kaniya. Nabigyan na rin ng pagkakataon na maging sina Taria at Malue ang gumanap sa isang isinulat niya. Ang pang-anim na librong inilabas niya, ang “The adventure of Joy and Sad in Barangay Problemado”.

Ang tungkol naman sa kuya niya at sa kaibigan niya, babalik na ang mga ito sa pilipinas kasama nag kambal nilang anak. Isa sa bagay na kinatutuwa ni Disha, dahil sa wakas ay makikita na niya ang mga pamangkin niya.

Hini na rin siya nakakuha pa ng balita kay Marie, ang alam lang niya maaaring nababaliw na ngayon ang babaeng iyon sa kulungan. Hindi na rin naman siya nag-aksaya pang puntahan ito, dahil alam niyang hindi rin naman ito makakatulong sa kaniyang kaunlaran at ang kapayapaan sa isipan.

Wala na siyang iba pang hihilingin sa buhay niya, dahil ang lahat ng kailangan niya ay nasa kaniyang harapan na at hindi na niya nais pang mawala.

“Ang sakit nang balikat ko,” bulong ng dalaga sa kaniyang sarili. Hinilot pa nito ang balikat niya at lumingon sa mga nakapila. Parang hindi nababawasan ang mga nagpapapirma sa kaniya ng libro. Ang ilan sa mga ito ay dala ang lahat ng libro na isinulat niya na parang ngayon lang din nakapunta sa book signing niya.

“Anong ilalagay ko?" tanong muli ng dalaga matapos na ilapag ang mga libro sa harapan niya.

Mahirap ang maging kasing sikat ni Disha, lalo na kung iisa lang ang katawan niya para pirmahal ang lahat ng libro. Parang pakiramdam din niya ay tumatanda na siya, dahil sa mabilis na panghihina ng kaniyang kamay, o maaaring kulang sa dilig.

“Lagay mo lang; yes, I will marry you.

Nang marinig ito ni Disha ay kumunot ang noo niya.

“Hindi naman ako tinanong na will you marry me, bakit ako sasagot?” biro niya at tumingin sa kaniyang kausap.

“Taria? Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba nakapila? Bakit pumila ka pa?” Sunod-sunod na tanong ng dalaga. Hindi na rin niya napigilan ang tuwa sa kaniyang puso, dahil simula noong naging abala na sila sa kanilang mga buhay, hindi an rin sila gaanong nagkikita na dalawa. Busy na rin si Malue kaya wala na rin siyang gaanong balita rito.

“Wala pa naman pa lang will you marry me!” sigaw ni Taria na lalong nagpagulo ng isipan ni Disha.

Para bang nababablanko ang isipan ng dalaga matapos na sabihin ito ni Taria, lalo pa at maging ang mga fans niya ay may ginawa na. Tumugtog na rin ang kanta na alam niyang may ibig sabihin. Ang kantang iyon ang kinanta ni Dave noon at sianbi na papatugtugin niya sa kasal nila.

“Best wishes na agad Ate Disha,” saad ni Taria at matamis na ngumiti

Hindi kayang ipaliwanag kung anong klaseng paliwanag ang mayroon sa isipan ni Disha ngayon. Para bang buhol-buhol na ang kaniyang utak. Lalo pa at nang hawakan siya ni Taria sa kamay at dalhin sa gitna ng stage. Iniwan na rin siya nito na para bang isang bata na hindi alam kung ano ang gagawin.

“Anong nagyayari?” tanong ng dalaga sa kaniyang sarili.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang bumalik sa kaniyang alaala ang pangyayari noon sa loob ng isang mall, kung saan may wedding proposal na naganap. Ganito rin ito. Ang mga fans niya ay may hawak na mga bulaklak.  Ang ilan naman ay nagpapaulan ng pulang petals.

Muling umingay ang buong paligid, tila ba nadadama ang isang pag-ibig na nakakahibang. Ang puso ni Disha ya hindi na naman nakikiayon sa kaniyang sarili. Hindi na anamn niya kakampi ang kaniyang emosyon.

“Mula sa babaeng hindi na raw magmamahal, patungo sa babaeng mahal na mahal ang kagwapuhan ko,” panimula na salita ni Dave. Naningkit pa ang mga mata ni Disha matapos na tapatan ng liwanag si Dave, na wari ba'y kukunin na ang makapal na mukha.

“Ang nag-iisang bitter ng buhay ko. Ms. Disha Maano, papayag ka na bang maano–este makasal sa isang pogi na tulad ko?”

Marahan na lumapit ang binata kay Disha na parang isang ligaw na ampalaya sa gitna. Hindi akalain ni Disha na hindi lang sa isang kwento siya maliligwa ng landas, maging sa ginagawa pala sa akniya ni Dave.

“Anong ginagawa mo?” bulong ni Disha na naging sapat naman para marinig ni Dave.

“Sandali lang, hintayin mo muna ang sasabihin mo. Nag-speech pa ako. Hindi ka ba muna iiyak?” Kunot noong tanong ng binata.

“Bilisan mo na, kapag ako nagbago ang isip talaga–”

“Will you marry me? Please say yes! Kapag hindi mo ako pinakaasalan magdadabog ako ngayon.”

Mas mabilis pa sa pagkaubos ng sahod ang pagluhod ni Dave habang ang kaniyang isang kamay ay nilabas ang isang ampalaya na pinalalagyan ng singsing.

“Will you marry me?” ulit na tanong ng binata.

“Makakatanggi ba ang bitter na writer sa isang mahangin at hambog na artista?”

“So, it's a yes?”

“Yes!”

Isang nakakabinging sigawan at palakpakan ang maririnig sa buong paligid. Para silang nanonood ng isang magandang pelikula. Maraming camera ang nakatutok sa kanilang dalawa. Maraming maririnig na sana all, mula sa mga taong minsan na ring naghahanap ng makakasama sa buhay.

Ito na ang pagtatapos ng kwento ng dalawang tao na minsang inakala na ang pag-ibig ay isang kathang-isip ng mga manunulat.

Pagiging matapang na harapin ang isang bagay na minsan na rin nilang kinatakutan. Hindi kasikatan ng bituin ang magpapahiwalay sa tunay na hangad ng mga puso.

Ang kulay berdeng dugo na nananalaytay sa dugo ni Disha ay tuluyan na ring napalitan. Sisimulan na nilang harapin ang bagong yugto ng kanilang buhay.


Disha, ang writer na hindi na bitter.


Wakas

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon