Chapter 11

108 9 0
                                    

Naging maayos ang buong magdamag ni Disha, payapa na rin siya dahil sa mga pulis na pinadala ng JT Entertainment para sa safety niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas, marami pa rin kasing press sa labas ng bahay nila. Isa pa, ang sabi ni Mavrix, hintayin daw ang pagbalik niya.

Ngayong araw na 'yon. Kaya nakaabang na ito sa salas, wala rin siyang update sa cellphone niyang hindi pa rin niya kinukuha. Gamit niya ngayon para makausap si Ver ay ang Samsung Galaxy S7 niya. Mga dummy accounts din ang gamit nito para makakuha ng update.

"Disha!" Mabilis siyang napatayo matapos marinig ang boses na 'yon. Bago pa siya makalapit dito, nauna na itong tumakbo patungo sa kaniya para yakapin ito.

"Ayos ka lang ba talaga? Sigurado ka? Bakit kasi hindi ka nakikinig sa akin? Pinaulit-ulit ko na nga sa 'yong magsarado ka ng pinto. Jusko! Mabuti na lang talaga dumating si Dave. Pero paano? Hoy ikaw Disha may hindi ka sinasabi sa akin. Oo nga pala ako na ang kakausap tungkol doon sa pagpatay sa gagong dance instructor na 'yon. Tangina! Buti nga sa kaniya." Hindi na nagawa pang magsalita ni Disha. Paano ba naman ay iba-iba na ang sinasabing topic ng kuya niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.

"Dapat talaga kumuha na tayo ng bodyguard mo. Sabihan ko na kaya si papa? Tutal dami-dami niyang pera. Tapos hindi naman tayo binibigay dahil may mga trabaho na tayo. Hingi tayong pera sa kaniya, sabihin ko ikaw, ha?" Mariin pa siyang napapikit at kumamot sa ulo. Mas na-stress pa ata siya ngayong andito na ang kuya niya. Hindi niya malaman kung nag-aalala ba ito para sa kaniya o talagang mukha itong pera. Paiba-iba na ang usapan.

"Anong sabi pala nina papa noong malaman nila?" Sunod niya ng tingin kay Mavrix na padabog umupo sa sofa. Pumikit pa ito matapos maisandal ang katawan.

"Lilipat na raw tayo ng bahay, sa subdivision ng kaibigan mo. Para mas safe, walang ibang nakakapasok. Ikaw lang naman daw kasi may gusto dito. Pupunta raw sila next week. Tanga kung ako sa 'yo hingian mo ng pera si papa, sa bodyguard mo kamo." Kunsinti pa nito sa kapatid.

"Kailan daw tayo lilipad?" Marahan itong umupo habang nakatingin sa kuya niyang nakapikit pa rin.

"Bukas daw."

"Bukas agad? Anong gagawin dito sa bahay?" Halata sa boses nito ang pagkagulat. Sunod-sunod din ang pagkurap niya, hindi talaga siya makapaniwala sa narinig.

"Baka pasabugin ni papa. Malamang ibebenta. Jusko Disha! Maaga akong tatanda talaga sa 'yo. Pagod na nga ako sa byahe ganiyan ka pa. Kausapin mo na lang tatay mong maraming pera." Reklamo pa nito habang kumakamot sa kaniyang leeg.

"Para kang bakla Mavrix. Nakakapunyeta ka! Kung pupunta sila dito paano 'yong farm?"

"Bakit sa akin mo tinatanong?"

"Malamang ikaw ang kuya o ate. Bahala ka na kung saan d'yan."

Sa tagal ng araw nilang hindi nagkita, puro pa rin sila pagtatalo. Mukha atang hindi nila kayang mabuhay ng hindi nag-aaway.

"Kapag dating nila dito bukas, tanungin mo si papa. Daming tanong. Pinaglihi ka na sa ampalaya pati pa sa tanong!" Pagdadabog pa ng kuya niya habang tumatayo.

"Matutulog muna ako." Paalam pa nito.

Naiwang maraming tanong si Disha. Ano kayang sapi ng kuya niya ngayon? Daig pa nito ang babaeng kung mag-iba ng mood. Minsan matanong, minsan madaldal, ngayon ngayon mainitin ang ulo. Baka talaga babae ang kuya niya.

Marami siyang gustong itanong sa lahat, pero gusto muna niyang ibalita ito sa kaibigan. For sure ay matutuwa ito, ngayong nasa iisang subdivision na lang sila.

"Vernalia! Al–"

"Alam ko na. Dito kayo titira sa tapat ng bahay namin. Duh! Daig ko pa ang paparazzi sa chismisan." Putol pa nito sa dapat niyang sabihin.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon