Chapter 22

74 4 0
                                    

Kasabay nang pagsayaw ng aking buhok, ang siyang kumpas ng mga ulap na tila nakikisabay sa kakaibang tibok ng aking puso.

Nakatitig ako sa mga mata mong tila isang gubat na tuluyan akong nililigaw, pinagmamasdan ang lahat sa iyo. Hindi ko gustong unawain ang lahat ng ito, pero kusang puso ko na ang pilit na isinasakdal sa akin ang tunay mong damdamin.

Nalilito na ako, hindi ko na alam kung paano ako tatakas. Lalo pa sa mga katagang binitawan mo, na siyang naghatid ng kakaibang boltahe sa aking sistema.

"Kahit tumingin ka sa mga mata ko, patuloy nitong ipapaalala sa 'yo kung gaano kita kamahal."

Bakit kailangan mo pang sabihin sa akin ito lahat? Isa kang hangal na lalaki. Paano mo nagagawang baguhin ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig?

Patuloy na pagtipa ni Disha sa kaniyang laptop. Habang nagba-byahe sila patungo sa Mount Ulap sa Itogon Benguet. Maaga silang nagbyahe patungo roon, dahil 30 to 40 minutes ang magiging byahe patungo sa barangay Ampucao. Matapos nito ay aakyat pa sila ng ilang oras, kaya hanggat maaga ay magawa na nilang makapag-taping.

"Ma'am Disha, sasama pa po ba ako?" tanong ni mang Trevor, matapos na huminto ang sasakyan. Isinara muna ni Disha ang laptop bago tumingin sa likuran kung saan bumaba na rin ang ibang kasamahan nila.

"Hindi na po, kapag tumawag si kuya o sino man sa bahay. Pasabi pong umakyat kami ng mount Ulap," sabi pa nito habang inaayos ang laptop niya. Wala siyang ibang dadalhin kung hindi ang cellphone niyang Samsung. Hindi pa rin niya gustong gamitin ang bigay ni Dave.

Bago ito lumabas ng sasakyan, tinawagan muna nito ang kaibigan. Mukha atang masaya sa love life ang mga ito, kaya mabilis siyang nakalimutan.

Tatlong ring ay sinagot na rin ang tawag niya.

"Ano? Break na ba kayo ni Mavrix?" bungad nitong may malamig na boses.

"Teka ano ba. Nakikiliti ako baby. Ano ba! Sandali lang, si Disha kausap–eeehhh! Umayos ka Mavrix."

Mabilis naman nag-init ang ulo ni Disha sa narinig. Aktibo na naman ang mapait niyang pagkatao. Paano ba naman ay rinig na rinig nito ang halinghingan ng dalawa sa kabilang linya. Mga mahaharot na nilalang.

"Mga punyeta! Walang forever mga animal kayo! Magbe-brake rin kayo!  Mga mahihinang nilalang!" bulyaw nito at gigil na pinatay ang tawag. Padabog niya ring itinago ang cellphone sa kaniyang bag.

Salubong na naman ang mga kilay niya, nakatulis ang nguso at mabibigat ang paghinga. Ang matalim niyang mga mata ay napatingin kay mang Trevor na napakamot na lang sa kaniyang ulo. Pati siya ay tatanda lalo dahil sa kunsumi sa kaniyang amo.

"Mag-jowa jowa pa. Mga punyeta! Magbi-brake rin naman ang mga hayop." Gigil na gigil talaga siya, masyado pang maaga pero wala siyang pinipiling oras.

Paglabas nito, nakita niya kaagad si Taria, nakasuot ito ng pink Jacket, bagay sa kaniya ang ganitong kulay. Nakayuko na naman ang ulo dahil sa hiya.

Hinanap ng mga mata ni si Dave, kung saan kasama nito at kahawak ng kamay si Marie. Nang tumama ang tingin ni Dave sa kaniya, inirapan niya lang ito.

Hindi ganoon kalamig ang klima ngayon, pero balot na balot sila ng suot. Gray jacket ang suot ni Disha, black leggings at gray rubber shoes.

"Kumpleto na ba tayo?" Libot pa ng tingin ni direk Lao.

Nang makita nitong kumpleto na sila, kasama ang lahat ng staff at artista ay umakyat na sila. Nagpahuling lumakad si Disha kasama si Taria at ang PA nito. Ayaw kasi niyang makasabay si Dave.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon