Chapter 24

76 4 0
                                    

Patuloy ang paghahanap ni Dave kay Disha, kahit pa man masyadong makapal ang hamog. Nakakaramdam na rin siya ng lamig, pero ang mahalaga sa kaniya ngayon ay ang makita si Disha.

"Disha!" sigaw nito habang hinahawi ang hamog na nasa mukha niya. Sinubukan niyang bumaba, nagbabakasali na baka naroon ang dalaga. Mahirap man makababa, lalo na at matarik ang bundok, nagawa niya pa rin ito. Marahil ay wala nga talagang makakapigil sa kaniya, para lang makita ang mahal niya.

Patuloy niya itong ginagawa hanggang sa mamataan niya ang isang tao na walang malay sa lapag.

"My loves!"

Dali-dali itong tumakbo palapit doon, napaluhod siya sa harapan nito at iniayos nang higa.

"Disha!" Mahinang alog niya rito, pero wala pa rin itong malay.

Agad siyang umayos para mabuhat ito, may kabigatan si Disha kaya't nahirap siyang makatayo. Pagod na rin siya sa katatakbo, maging ang mga paa niya ay nanlalamig na, hanggang sa hindi na rin kinaya ng mga tuhod niya ang pagod. Bumagsak siya sa lupa, pero sinigurado nitong hindi tatama ang katawan ni Disha sa bata.

Dalawa silang nakahiga. Si Disha ay wala pa ring malay, habang siya ay nanghihina. Pagod na ang mga paa niya, pakiramdam niya ay mas lalong bumibigat ang katawan niya sa lamig. Wala ring gaanong maaninag dahil sa kapal ng hamog. Mas mabilis mahila ang lakas niya.

Pinilit niyang hilahin ang walang malay na dalaga, kinulong niya ito sa mga braso niya. Marahan na ikinurba ang labi at humalik sa noo nito. Ramdam na niya ang panghihina, alam niyang kahit anong oras, babagsak na rin ang mga mata niya. Pero kahit na gano'n, alam niyang magkayakap silang dalawa.

Mahirap hanapin ang kinalalagyan nila ngayon. Walang magtatangka na puntahan ito, dahil natatakot silang baka magkamali at mahulog, wala pa naman silang makikita kung hindi hamog.

Sana, kung sino mang tutulong sa kanila, 'wag silang paghiwalayin dalawa.

Lalong humigpit ang hawak ni Dave kay Disha nang makarinig ito ng yapak. Hindi lang iisang tao ang yapak na naririnig niya, kung susumahin ay higit sa tatlo ang nga 'yon.

"Ang lakas mo talaga, Disha. Sa sobrang bait mo, hindi pa tayo kayang tanggapin sa langit," pagbibiro ni Dave, kahit pa man hirap na siya sa pagsasalita.

Umiikot ang paningin ng binata, hanggang sa tuluyan na rin siyang nilamon ng dilim. Pero hindi pa rin mawala sa labi ang ngiti, dahil alam niyang magiging ligtas na sila.

ISANG DAMPI ng basang tela ang gumising kay Dave. Halos mapigtil ang ugat sa kaniyang mga mata, dahil sa biglaan nitong pagdilat. Dali-dali siyang tumayo, na siyang ikinagulat ng mga taong nasa loob ng silid.

"Disha! Nasaan si Disha?" aligaga at wala sa sarili nitong tanong.

"Iyon bang babae? Nasa kabilang silid lang siya kasama ng Ibang kababaihan. Gising na rin siya at nasa maayos na lagay na,," salaysay ng matandang babae. Dahil sa narinig ng binata, nakahinga na siya ng malalim. Dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo.

Narito sila sa isang bahay na gawa sa kawayan at pawid ang bubong. Maging ang hinihigaan niya ay gawa sa kahoy. Sa loob nitong silid, may dalawang bata na naglalaro sa lapag, isang binatilyo na tila nagdidikdik ng dalamang gamot, at ang matanda na nagpapahid ng basang tela sa mukha niya kanina.

"Mabuti naman at gising ka na. Ipinarating na rin namin sa mga kalihiman ang tungkol sa inyong dalawa. Hindi kayo nag-iingat ng iyong karelasyon, mahamog sa bundok na iyon. Mabuti na lang at may nakakita sa inyo."

Napahilamos ng kaniyang palad ang binata. Ngayon lang niya naalala ang lahat, mabuti na lang talaga at may nakakita sa kanila at tumulong.

"Maraming salamat po sa pagtulong niyo, p'wede ko po bang makausap ang kasama ko?" malambing na tanong nito.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon