Chapter 44

22 2 0
                                    

Mabilis na kumalat ang mga balita patungkol kina Disha at Dave. Maging ang ilang mga balita na mali naman. Pati ang career ni taria ay nagkaroon na rin ng pagbabanta.

Ang daming mga fans ng Darie ang nag-aklas, lalo na kay Disha. Dahil sa eskandalo ng pagwawa ni Disha noong may shooting. Pero kahit na ganoon, nanatili pa rin ang mga fans ni Disha sa kaniyang tabi.

"Ano na ang balak mo? Sigurado ka na bang aalis ka na sa JT?" tanong ni Malue, marahan pa siyang umupo sa tabi ng kaniyang kaibigan.

"Nakapirma na ako. Desedido na ako sa mga balak kong gawin. Hindi na rin naman nila ako bibigayn ng pagkakataon na magkaroon pa ng movie. Pero may isang bagay akong nasi na gawin. Kung hidni man ako babalik sa pag-aartista, nais kong maisalba ang ilan sa mga susunod na nangangarap makapasok sa JT."

Hindi na kaya pang pigilan ang dalaga, dahil diterminado na siya sa kung ano man ang kaniyang nais na gawin. Para ito sa lahat. Hindi lamang para sa kaniyang pangalan. Kung hindi para sa kapakanan ni Disha. Upang isiwalat na niya kung anong kalokohan ang bumabalot sa love team na Darie.

"Narito na tayo," saad ng driver.

Sumilay ang matapang na ngiti sa labi ni Taria. "Maraming salamat kuya."

Hindi maiiwasan ang nararamdaman na kaba sa puso ng dalaga, pero kailangan niyang maging matapang. Ito ang isa sa bagay na natutunan niya mula kay Disha. Hindi niya kailangan na matakot, dahil lalamunin lamang siya nito na hanggang ang sarili niya y katatakutan na niya.

Narito sila ngayon sa tapat ng isang TV station. May nakapanayam na siyang isang tv stations. Handa na siyang magsalita at isiwalat ang lahat ng lihim.

"Natatakot ako para sa 'yo, Taria. Kinakabahan talaga ako. Ano na ang mangyayari sa pangarap mo? Maraming tao ang may gusto kay Marie, iisipin lang nilang lahat na sinisiraan mo lang siya kaya ka nagsasalita nito." Mahahalata sa dalaga ang kaniyang nararamdaman. Hindi na nga niya nais pang palabasin ang kaniyang kaibigan sa sasakyan.

"Kung hindi man para sa akin ang pag-aartista, ang mahalaga ay nagawa ko rin ang mga bagay na alam kong tama. Kung magigingsarado ang kaisipan ng mga tao sa sinasabi ko, hidni ko na magiging kasalanan iyon. Desedido na ako at ito na ang nais kong gawin." Buong tapang at buong puso ang nilahad ng dalaga.

Sa loob ng TV station kung saan naroon din si Marie. Ang lahat ay hindi inaakala ang ganito, lalo pa at wala naman ni isa sa kanila ang inimbitahan ito. Ang dapat na slot para kay Taria ay kinuha niya.

"Sigurado ba kayong si Marie ang pagsasalitain natin?" tanong ng isang staff.

"Isalang niyo na ang live broadcast, kailangan nating ipakita sa lahat ito. Lalo pa at mamaya lamang ay narito na rin si Taria. Mas papatok sataong bayan kung ang dalawang magkaibang panig ang maghaharap."

Tila ba sa boses ng babaeng derektor ay nadadama ang excitement.

Umugong na ang balita, lalo pa at nagsisimula ng iere ang naturang palabas ng isang tv station.

Nang umupo na si Marie, ang lalaking host ay umupo na rin malapit dito. Ang isa pa sa kanilang hinihintay ay si Taria, pero nais na muna nilang putulin kung ano mang palabas ang nasa tv ngayon, dahil ang isa sa pinakamalaking issue sa buong kasaysayan ng showbiz ay mapapanood na nila ng live ngayon.

"We are live here today with Bally Sary. Ang una sa showbiz balita!" Isang boses na nagsisimbolo na magsisimula na ang show.

"Magandang umaga mga kababayan, ako si Bally Sary, ang kasama niyo sa chikahan; mapaumaga, tanghali, gabi at hanggang sa madaling araw. Ngayong araw, pansamantala naming pinuputol ang ano mang palabas, upang ibahagi ang isa sa makasaysayang paglalahad ng buong katotohanan live!"

Ang palabas na today with Bally Saly ang isa sa pinakasikat na palabas kung saan ang lahat ng tungkol sa mga artista ay nailalahad dito. Ang lahat ng baho at ang lahat ng tinatago ng mga artista ay walang takot nilang isinisiwalat lahat. At ngayon, isa na ang tungkol sa dalawang sikat na artista.

"Hindi na lingid sa ating lahat ang tungkol sa kumakalat na issue patungkol sa isa sa pinakasikat na love team sa pilipinas, ito ay ang DaRie. Today, we are here to witness the live statement for Marie."

Matapos ipakilala ni Barry ang kanilang panauhin ay hinakita na sa harapan ng camera si Marie. Dahil sanay na ang dalaga sa kaniyang pagpapaawa at ang galing niya sa pag-arte, pinanindigan niya ito saharapan ng camera. Lalo pa ngayon na kailangan niyang makuha ang simpatya ng mga tao at ng kanilang fans.

"Sorry, pero naiiyak po talaga ako."

Nagsimula na siyang magbitaw ng pekeng luha, pinunasan pa niya ito bago muling humarap kay Bally.

"Can you please tell us what happened? Lalo na at ang DaRie ang pinakasikat na love team sa Pilipinas. Maging kayo ay totoong nagmamahalan," uang tanong ng host.

Humarap si Marie sa camera. Ang mgamata niyang maamo ay muling nagpaawa sa harapan ng camera. "Hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyayari. Disha is my friend, and hindi ko talaga expected na she will take advantages sa kabaitan na pinapakita ko. Inagaw pa niya ang boyfriend ko, and now she's making some fake news na ikasisira ng career niya. You know what? Sa totoo lang ay ayaw ko talaga na makita na nasisira si Disha. I really love Dave and pinapahalagahan ko ang friendhip namin ni Disha. But why she did this to me? I dont know," kwneto ni Marie. Kasabay din ay ang pagpunas niya ng kaniyang mga luha.

Kung sino mang nakakapanood ng kaniyang pagpapaawa sa harapan ng camera, aakalain na tunay ang kaniyang mga sinasabi, lalo pa at ang pinaniniwalaan lamang ng ilan ay kung ano nga ba ang nakikita ng mga mata nila sa harapan ng camera at hindi kung ano ang totoong kwento sa likod nito.

"So, you are saying na, inagaw na nga ni Disha ang long time love team ang real life boyfriend mo?" tanong ni Bally habang ang kaniyang paningin ay nakatuon lamang kay Marie.

"Yes."

Deretsyo at walang takot na sagot ng dalaga. Ang lahat ng kaniyang lakas nang loob ay nanggagaling sa kagustuhan niyang mapanatili ang maganda niyang imahe, sa pamamagitan nang pagsira ng kay Disha.

"It means, totoo nga na si Disha na sumira sa inyong dalawa ni Dave? Paano itong nagsimulang lahat?"

"As I remember, noong unang pagkikita namin ni Disha, napansin ko na agad na may pagtingin siya sa boyfriend ko. At friens, akala ko humahanga lang siya kay Dave, until one day nagising na lang akong nagtataksil na ang kaibigan ko at ang boyfriend ko. Ang sakit lang nito for me na walang ibang ginawa kung hindi ang pahalagahan ang frinedship namin." Pagpapatuloy ni Marie sa kaniyang kasinungalingan.

"Sinungaling ka!"

Isang boses ang nagpatigil sa lahat. Dahil sa biglaang pagdating ni Taria ay natigil ang lahat. Maging ang camera ay sa kaniya na nakatun. Ang buong sambayanan na nakatutok sa Today with Bally Sary show ay hindi na rin mapigilan ang samu't saring reaksyon sa kanilang nakikita.

"Taria? What are you doing here?" Mahinahon na tanong ni Marie.

Bago pa man magsalita ang dalaga ay mabibigat ang kaniyang hakbang palapit sa mga ito.

"Ang lahat ng narinig niyong sinabi ni Marie ay kasinungalingan. Andito ako para sabihin ang buong katotohanan."

Isang dumadagundong na kaba ang naririnig ni Marie. Nais niyang hilahin paalis si Tarie, ngunit ang camera ay nakatuon na sa kanilang dalawa. Nag lahat ng pagpapahiya niya sa kaniyang sarili ay makikita ng lahat.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon