Chapter 28

68 5 0
                                    

Tirik ang araw at maalinsangan sa katawan ang singaw ng lupa. Matapos mai-park ni Dave ang sasakyan, malapit sa pinaglagakan din ng sasakyan ni Disha. Nagsuot siya ng itim na baseball cap at itim na facemask. Simple lang ang suot ito, kung susumahin mukha lang siyang pinabili ng nanay niya sa tindahan. Mainam ito para walang magkakilala sa kaniya, mahirap na at baka pagkaguluhan ang kagwapuhan niya.

Wala naman siyang balak na sundan si Disha, kung hindi niya lang nakita ang dalawang magkaibigan na atat na atat.

Kaunti lang ang tao sa loob, kaya hindi rin siya gaanong makikilala. Wala naman siyang balak kumain kaya minabuti na lang nitong tumambay sa labas. Nakatayo lang siya malapit sa sasakyan niya, nakasandal at nakahalukipkip. Deretsyo ang tingin niya kay Disha na nasa loob. Salamin lang naman ang harang kaya kitang-kita niya ang dalaga.

Hindi nito mapigil ang mga labi na ngumiti, habang minamasdan ang babaeng minamahal. Sapat na ang sandaling ganito, tinatanaw sa malayo si Disha.

Hanggang kailangan siya magiging ganito? Kahit abot kamay na niya, hindi niya pa rin magawang hawakan. Ang mga ngiti na nasisilayan niya, kailan nga ulit noong huli niya itong nakita? Kailan niya huling nakita ang ganito kasayang si Disha.

Mukhang hindi namalayan ng dalaga na tumatawa na siya sa mga birong ginagawa ni Malue. Masarap pagmasdan ang ganitong tawa ni Disha. Sa kabila ng mga sakit na pinagdaanan nito, nagagawa na niyang bumalik sa dati. Ang dating Disha na nakilala ni Dave.

Umayos ng pagkakasandal si Dave at muling ibinaling ang tingin kay Disha, ngunit may nakaharang dito. Isang lalaki na hindi niya mamukhaan, dahil katulad niya, nakatago ang mukha nito sa itim na sumblero.

Sa una, ang akala niya ay dadaan lamang ito, pero matagal itong tumayo roon at tila kumukuha ng litrato sa dalaga. Naningkit ang mga mata niya, upang kumpirmahin nga ang kutob niya.

Ilang saglit pa ay normal na lumakad palayo ang lalaking 'yon. Napalunok pa ang binata at lumakad upang sundan ang lalaki. Hindi nito pinapahalata ang ginagawa niya, nais lang niyang magmasid.

Anong ginagawa ng lalaking 'yon sa lugar na pinuntahan ni Disha. Mukhang hindi 'yon nagkataon.

Matangkad ang lalaking 'yon, tanaw ang matikas na pangangatawan na bakat sa t-shirt nitong kulay abo. Nakapasok ang dalawang palad nito sa magkabilang bulsa.

Habang patuloy na sinusundan ito ng binata, mukhang nakahalata na ito. Lalo kasing bumibilis ang paglakad nito, hindi alintana ang ilang mga taong masasalubong nito. Pasimple rin itong lumilingon at napapnisin ang pagbilis ng lakad niya.

Kung Isang stalker ito, dapat niya itong bantaan. Hindi makabubiti kay Disha ang may sino mang lalaki ang nagmamatyag sa kaniya, lalo pa at naaalala nito ang nangyari noong pinasok si Disha sa kanilang bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang tumakas na kasabwat. Maaaring ito ang lalaking 'yon. Hanggat maaari kailangan niyang mahuli ito, upang wala ng masamang mangyari sa mahal niya.

Hindi niya nais manahimik, hindi niya gugustuhin pang may mapahamak ni isa sa mga taong mahal niya.

Mabilis na lumiko ang lalaki sa isang eskinita. Agad namang sumunod doon si Dave.

May kadiliman sa parteng ito, dahil mas'yadong kulob at hindi inaabot ng liwanag na nagmumula sa makulimlim na langit.

Isang hakbang ay siyang tama ng kamao sa mukha ng binata. Napamura siya nang mapuruhan siya sa panga. Agad niyang inalis ang facemask na suot at bumawi nang suntok. Agad naman itong naiwasan ng lalaki. Mabilis mas'yado ang mga pangyayari, Hindi nakabawi si Dave sa dalawang magkasunod na suntok sa kaniya. Bumagsak ito sa malamig na semento. Ramdam din nito ang likidong lumabas sa pumutok niyang nguso.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon