Chapter 47

29 3 0
                                    

“I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride.”

Kasabay ng huling salitang binitawan ng pari ay ang muling pagpalakpak ng mga tao sa loob ng simbahan. Napapunas pa si Disha ng kaniyang mga luha.

Kanina pa niya nadadama ang walang hanggan na pag-iibigan ng kapatid niya at ang kaibigan niya. Ngayon ay tuluyan ng pinag-isang dibdib ang dalawang tao na nagmamahalan.

“Tissue, my loves. Hindi pa naman natin kasal, umiiyak ka na,” biro ni Dave nang iabot sa dalaga ang tissue na hawak niya kanina pa.  "Cry baby ka pala my loves. Kaya pala baby kita,” dagdag nito.

“Manahimik ka nga, Dave. Hindi mo to eksena,” sagot ng daaga na kahit itanggi niya ay naramdaman niya ang kilig na hinahanap ng pus niya. Alam niyang kahit naanong gawin ni Dave, nararamdaman niya nag pagmamahal para sa binata.

“Picture na muna.” Isnag salita ang pumutol sa usapan nina Dave at Disha.

“Pumunta ka na, my loves. Baka naman magalit ka pa sa akin kapag hindi ka nakasama sa picture. Ganda-ganda ng Disha ko, tapos iiyak lang.” Habang sinasabi ito ng binata ay siya namang inaayos niya ang make up ni Disha na kanina pa natanggal dahil sa pag-iyak.

Hindi na nagsalita pa si Disha, nagtungo na siya sa unahan kung saan ay doon magsasama-sama ang mga brides maid.

“Congrats talaga matandang Mavrix.” Niyakap ni Disha ang kuya niya.

“Iyak-iyak ka pa. Ang plastik mo naman, Disha,” biro pa ni Mavrix.

“Baka dito pa kayo mag-away na dalawa. Mag-picture na muna tayo,” awat ni Ver.

Katulad ng nakagawian. Matapos ang pictorial sa mga abay, nagkaroon ng pictorial para sa family. Nauna ang family ni Vernalia, kung saan naroon ang mga kapatid ni Ver at ang mga magulang niya. Matapos nito ay sa side na ni Mavrix.

“May kulang.” Napatigil ang photographer matapos na magsalita ang tatay ni Disha.

“May kulang? May kapatid pa ba kaming iba? O baka may asawa ka pang iba, pa?” Kumunot ang noo ni Disha. Dahil naman sa sinabi niya ay natawa ang mga nakarinig.

“Dapat andito na si Dave, hindi ba parte na siya ng family natin?”

“Oo nga. Tara na rito hijo, bakit hindi ka pa sumama sa family picture?” aya ng mama ni Disha.

“Sure na ba na magiging kapamilya siya?” biro ni Mavrix.

“Kapag hindi, pa-edit ko na lang ang picture at ipapatanggal ko siya,” sagot ni Disha.

“Sama talaga nito.” Parang isang isip bata si Dave habang sinasabi niya ito.

Dahil alam na ng pamilya ni Disha at gusto rin nila si Dave simula pa noon, tinanggap na rin nila ito bilang isang parte ng kanilang pamilya. Ang mga taong mahal ng mga anak nila, mahal na rin ng kanilang pamilya.

“Sarap talagang buhay kapag ganito, my love,” bulong ni Dave sa dalaga. Marahan din niyang nilingkis ang manipis na baywang ni disha.

“Ang gwapo ng katabi mo sa picture. Swerte mo talaga.”

Isang bagay na hindi maaalis ni Dave sa kaniyang sarili ay ang pagiging mahangin. To ang madalas na pinag-aawayan nila ni Disha, pero wala na siyang pakialam kung ano pa man ang magiging galit sa kaniya ng dalaga, ang alam lang ni Dave ngayon ay mahal siya ni Disha.

Mabilis na lumipas ang oras. Sa sasakyan ni Dave sumakay ang famili ni Disha, patungo sa wedding receptions. Gaganapin ito sa restaurant ng family ni Vernalia. May ilan na ring napag-usapan na ipapamana na ito sa kanilang dalawa ng asawa niya. Pero sa ngayon, magtutungo munang ibang bansa ang dalawa, upang doon bumuo ng kanilang pamilya.

“Tayo na ba ang susunod na ikakasal?” tanong ni Dave nang buksan niya ang pinto ng kotse.

“Depende, kung ako ang sasalo ng bulaklak. Kung sasaluhin ko nga,” sagot ni Disha.

“Kahit naman hindi mo yan masalo, ang mahalaga ay nasalo mo na ang puso ko. Boom! Kilig na kilig ang bitter na disha.”

“Tarantado ka talaga kahit kailan.” Hindi na nakaangal pa ang binata matapos na batukan ito ni Disha.

“Nagbugbugan na kayong dalawa. Doon na kayo sa kabilang table, para 'yon sa susunod na ikakasal.” Napatingin ang dalawa sa iyinuro ng mama ni Disha.

“Ayan, sabi na ni mama na tayo na susuod na ikakasal.” Hindi na tinigilan ni Dave ang pang-aasar kay Disha, lalo pa at alam niyang sa ganitong paraan niya mabibigayn ng atensyon ang dalaga.

Sa venue, ang ilan sa malalapit na artista at direktor mula sa Jtent. Ay narito ngayon. Hindi naman lahat sa naturang entertainment ay hindi naging kasundo ni Mavrix, lalo na at may ilan doon na matitino naman. Sadyang sumablay lang sa mga matataas na umaabuso ng pangalan at kapangyarihan.

Noong pumutok ang issue, nawala na rin sa ere ang mga palabas ng Jtent. Pinasarado na rin ito at ang ilang artista ay nasa ibang entertainment na. Katulad na lamang ni Taria na may kumukhang isang bagong entertainment at mula roon, naging maayos na ang kaniyang karera.

“Sina Taria at Malue.” Itinuro ni Dave ang dalawa. Nang tumingin doon si Dsha ay kumaway sila.

“Hindi ko akalain na magiging ganito ang lahat.” Mabigat ang bawat na pagbitaw ni Dave ng kaniyang paghinga.

“Anong gusto mo? Kayo pa rin ni Marie, araw-gabi walang panty?” Matining ang boses ni Disha na para bang galit.

“My loves, galit ka na naman? Bakit naman gusto ko sa walang panty? Gusto ko sa may panty tapos aalisin ko pa lang–awww!” Napainda na lamang muli ang binata nang kaltukan siya ni Disha.

“Sorry na. Nagbibiro lang naman ako. Ako na ang nasaktan, ako pa nag-sorry.” Umiiling na saad ng binata.

“Nagsisisi ka na?”  Tila ba nagiging balewala ang buong paligid dahil sa usapan nilang dalawa. Para bang sa mundong kinabibilangan nila, silang dalawa lang ang magkasama.

“Sorry na nga. Ako kasi,e. Ako ang may kasalanan, sorry ito lang ako. Sobrang pogi ko lang talaga.”

“Sad boy?” Kasabay nito ay ang paghalakhak muli ni Disha.

Hindi na maaaring mabago ang kanilang usapan, dahil ngayon, tila ba sa kanila lang ang mundo. Sila lang ang magkasama at sila lag ang masaya. Ngunit may isang bagay na nais na sabihin si Disha. May isang bagay siyang nais na gawin, upang tuloy-tuloy na sila sa pag-usad sa susunod nilang pahina.

“May sasabihin pala ako.” Mahina lamang ang pagkakasabi nito ni Disha, pero kahit na may tugtog, naging sapat naman para marinig ni Dave.

“Tungkol saan? May gusto kang pagkain? Mamaya pa ata kakain.”

“Seryoso ito. Tungkol kay Darex.”

Nang magbanggit si Disha ng pangalan, nabakas niya nag pagiging seryoso ng kaniyang boyfriend.

“Anong mayroon kay Darex?”

“Gusto ko siyang makausap. Gusto ko lang sabihin sa kaniya ang mga salita na kailangan kong ilabas sa dibdib ko.

“Kailangan pa ba? Paano kung agawin ka pa niya sa akin?” Puno nang pangamba ang boses ni Disha.

“Maaagaw nga ba ako?”

Dahil sa narinig ng binata, hindi na siya nakapagsalita pa. Nagbitaw siya ng isang mabigat na paghinga. Nadarama ni Disha ang bigat sa dibdib na pinakawalan ni Dave.

“Magpapaalam lang ako sa isang tao na minsan na ring naging paksa ng bawat kong kwento. Peo ang lalaking nasa harapan ko ang mananatiling makakasama ko hanggang sa huling pahina.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon