Chapter 15

110 7 0
                                    

"Dishaaaa!"

Isang malakas na sigaw sa tainga ng dalaga ang gumising sa kaniya. Mabilis itong napabalikwas nang tayo.

Gulo-gulo pa ang buhok at hindi pa tuluyang gising ang diwa niya. Ilang saglit pa ay tumalim ang mga tingin nito sa kuya niyang nakapameywang sa harapan niya.

"Ano ba Mavrix? Aga-aga!" Pagdadabog pa nito habang kumakamot sa ulo.

"Ano na namang eksena kahapon? Ano na naman 'yon, Disha? Magpaliwanag ka nga! Bakit ba ang hilig mong masangkot sa issue? DaRie pa 'yon. Jusko! Maaga talaga akong tatanda sa 'yo." Problemadong wika ng kaniyang kapatid habang hinihilot ang kaniyang sentido.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yo. Saan ka ba pwedeng ipatapon para lang tumino ka? Mas marami pang basher mo kaysa sa fans mo. Jusko talaga! Kailangan ko bang gumapang sa simbahan para lang magkaroon ka na ng puso?"

"Wala talagang pag-asa Mavrix. Pero hayaan mo na, tulog na lang ulit tayo. Manahimik ka kahit ngayon lang. Okay?" Pabalik na sana ito sa pagtulog ng bigla siyang bigyan ng malakas na kaltok ng kapatid. Namilipit naman ito sa sakit.

"Kuya mo pa rin ako! Magbihis ka na. Ngayon ang punta niyo sa Baguio. Pakiusap naman, Disha! Umayos ka naman hanggang sa matapos ang shooting. 7 months 'yon, ganoon katagal kayong magsasama-sama. Manahimik ka na lang sa isang gilid, panoorin at pakinggan sila. Kung may itatanong si direk sa kahit anong tungkol sa sinulat mo doon ka lang magsalita. Utang na loob at labas Disha!" Pagmamakaawa nitong kulang na lang ay lumuhod na sa harapan ng walang puso niyang kapatid.

"I can't promise. Kung hindi ako mabubwisit kay Marie." Malamig niyang tugon habang tumatayo.

"At kung hindi ako kukulitin ng tukong makapal na kilay. Baka mapatay ko na siya talaga." Irap pa nito. Humakbang pa siya paalis sa harapan ng kapatid, dumiretsyo sa cr para makaligo na.

Bumabasak sa katawan niya ang butil ng tubig na nagmumula sa shower. Bigla siyang napatigil at naglakbay ang diwa noong oras na magkadikit ang labi nila ni Dave.

Dahan-dahang umangat ang kamay niya, hindi namalayan na nakahawak na pala siya sa kaniyang labi. Hanggang ngayon ay tila dama niya ang lambot ng labi nito.

Nakatulala sa kawalan, nakauwang ang mga labi. Pilit na hinahanap ang sagot sa hindi mawaring tanong.

"Hay, bwisit! Bakit ko ba iniisip 'yon? Kadiri!" Gising nito sa sarili. Ilang beses pang sinampal ang sarili para lang matapos na ang pag-iisip niya sa ginawa ng walang hiyang tuko na may makapal na kilay.

Matapos niyang maligo, inayos ang ilang damit na dadalhin niya. Tatlong araw sila sa Baguio, kaya kailangan niyang magdala ng mga damit. Pati laptop niya dinala nito, para kung sakaling sapian manlang siya ng kaunting kasipagan. Dumaloy ang mga salita para makatapos siya ng isang chapter.

"Good morning." Bati nito sa mga magulang at sa kuya niyang nag-aalmusal na. Hinila ang isang upuan, katabi ng kuya niyang todo ang lantak ng pagkain. Nasobrahan sa stress kay Disha, kaya sa pagkain nito ibinuhos ang lahat.

"Nasa kwarto na pala ang iPhone mo, Disha. Kapag paalis ka na kunin mo na lang," sabi pa ng papa nito habang ang mga mata ay nakatuon sa kinakain niya.

"Pahingi raw ng pera si Disha, sabi niya sa akin kanina sa kwa–aray!" Inda pa ng kuya nito matapos niyang kurutin sa binti. Pinandilatan niya ito ng mga mata, pero sa lahat ito ang hindi takot sa kaniya.

"Mamaya ipapa-deposit ko, kumain ka na muna d'yan. Si manong Trevor ang maghahatid sa 'yo." Deretsyong saad ng papa nito.

"One million daw pa, oh. Bumubulong siya sa akin." Parang batang sumbong ni Mavrix.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon