Chapter 13

109 7 0
                                    

"Wow! Ayos pala ang bagong bahay natin. Mas maganda ito kaysa sa luma. Angas ng TV mas malaki. Dami talagang pera ni papa, pwede na ba namin siyang tawaging daddey?" Hindi naman napigil ni Disha ang British accent ng kuya niya sa salitang 'Dad'.

"Para ka talagang bakla kuya. Ma! Pinaglihi mo po ba ito sa puwit ng manok?" Tanong nito sa kaniyang ina nakaupo sa sofa.

"Siguro, kasi noong pinaglilihi ko siya favorite ko 'yong kainin," sagot naman nito habang mahina ang pagtawa.

"Tamang-tama may farm tayo. Kaya siguro sobrang bitter mo 'no? Gusto mo ba ng ampalaya shake? Gagawan kita." Angil pa ng kuya niya.

"Nag-aaway na naman kayo. Mamili na kayo ng kwarto, kung hindi niyo gusto ang ayos sabihin niyo sa papa niyo. Matutulog muna ako, pagod ako sa byahe." Napatingin pa sila sa mama nilang tumatayo. Sinundan din nila ito ng tingin habang umaakyat.

Maganda ang ayos ng bahay nila. Silver at gold ang interior design, maging ang malaking chandelier nila ay kulay silver. Maaliwalas ito sa paningin. Sa palagay ni Disha ay may limang kwarto sa itaas. Ganito rin kasi ang bahay nina Vernalia, at mukhang pare-parehas ang bahay sa kulay at design lang naiiba.

"Pupunta muna ako kina Ver, bahala ka na d'yan." Bangga pa niya ng sad'ya sa kapatid. Humalukipkip siya at umirap dito.

Mas madalas na silang magkikita ng kaibigan, mas madalas ang pakikinig nito ng rant at chika patungkol sa mga artista na hindi niya kilala.

Nang buksan nito ang gate, bumungad na kaagad dito ang kaibigan niyang may dalang pagkain. Tumaas pa ang kilay niya habang nakatingin sa dala nito.

Umaliwalas ang mukha ni Ver, lumawak ang ngiti at inangat ang dala nitong pagkain para sa kaibigan.

"Ano 'yan?" Pagtataka pa ni Disha.

"Pagkain malamang, mukha ba itong house and lot? O one million pesos?" Pagkatwiran pa nito. Napairap naman ang bitter niyang kaibigan at sumandal sa gate. Daig pa ni Vernalia na sumusuyo ng jowa na may toyo.

"Bakit may dala ka niyan?"

"S'yempre ganito sa mga palabas 'di ba? Kapag may bagong kapitbahay binibigyan ng ulam? Juice ever! Bahala ka nga kung ayaw mo. Baka maging mapait pa itong adobo dahil sa 'yo." Mabilis din pa lang magbago ito ng mood. Ang kanina niyang kumikinang na mata ay tila napalitan ng pagkainis.

"Huy! Akin na 'yan. Bibigay mo tapos ibabalik mo sa bahay niyo? Tara sa loob pasyal kita. Daming arte." Paghila pa niya nito pabalik.

"Sabay na tayo kumain, para marinig mo sasabihin ko sa niluto mo. Baka lasang lumot," sabi pa nito habang lumalakad sila papasok sa papunta sa kusina.

Bago sila makapunta sa kusina, dadaan sila sa sofa kung saan nakaupo si Mavrix. Namilog pa nga ang mga mata nito matapos makita si Ver, napayuko naman ang dalagang ito. Nakakaramdam siya ng pamumula ng pisngi, ganoon din naman ang kuya ni Disha. Nagkakahiyaan ang dalawang ito, mabuti na lang talaga at hindi ito nakita ni Disha. Siya kasi ang nauunang naglalakad, isa pa ayaw niyang tingnan ang kuya niya.

"Ang ganda rin ng kusina no? Mukhang mas masarap magsulat dito," kumpento pa ni Disha habang inilalapag sa mesa ang dalang ulam ni Vernalia. Kumuha ng plato at nagsandok ng kanin.

"May kukwento ako." Intriga pa ni Disha habang umuupo.

"Ano? Naisip mo na bang magsulat ng happy ending?" Tanong pa ng kaibigan niya, sunod-sunod namang ang pag-iling ni Disha.

"Hindi mangyayari 'yon. Pero alam mo ba? Parang nakita ko si Darex kanina." Bulong pa nito para siguraduhin na sila lang dalawa ang nakakarinig

"Sigurado ka ba? Buhay pa pala 'yon? Anong naramdaman mo?" Nagbulungan na lang silang dalawa rito. Masyadong kasing confidential ang usapan na walang ibang pwedeng makarinig.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon