Chapter 32

62 3 0
                                    

Sumapit man ang ilang umaga o gabi. Ilang araw na ring hindi nagkikita sina Dave at Disha, dahil hanggang ngayon ay inaayos pa rin ng management ang gulo na nangyari sa Baguio noon. Ayaw pa rin aprubahan ni Disha ang pagpapatuloy ng movie. Kahit pa kausapin ito ng kuya niya, ayaw pa rin niyang makinig dito. Nais pa nga ni Mavrix na ang mga magulang nila ang kumausap kay Disha. Pero sa mga usaping pagdedesisyon nila sa mga nais nilang mangyari sa kanilang buhay, pinapabayaan silang piiin kung ano ba ang nais nila. Nagbibigay lamang ng payo at gabang ang mga magulang ni Disha, pero ang desisyon ay sa kaniya pa rin ibiniigay.

"Patapos ka na ba sa kwento mo?" Bahagyang napatigil si Disha sa pagtipa mula sa kaniyang keyboard, matapos na biglang magsalita ang kaibigan nito.

Marahan na inangat ng dalaga ang kaniyang tingin sa kaibigan niyang nasa harapan ng salamin, habang ang singsing na suot nito ay tila nagrereplika ang ilaw. Engamement ring nila ito ng kaniyang nobyo na si Mavrix. Masyadong mabiis ang desisyon na ito. Walang problema sa mga magulang nina Ver at Marvirix ang ganito, dahil magkakaibigan naman sila, mas natuwa pa nga na magiging isang pamilya na sila.

Sa lahat, kilala naman na nila kung sino ang hindi masaya sa ganitong balita. Syempre, ang bitter na si Disha.

"Ang sabi ko, patapos ka na ba sa sinusulat mo?' Ulit na tanong ng dalaga, na inakalang hindi siya narinig ng kaniyang kausap.

Bago nagsalita si Disha, napabunong-hininga ito. "Patapos na, mga tatlong chapters na lang," sagot nito habang inaalis ang kaniyang laptop na nakapatong sa binti niya. Matapos na magsalita ni Disha, ibinaba na rin ni Ver ang kamay niya at tumingin dito.

"May nararamdaman akong sa lahat ng librong isinulat mo, naiiba ang ending n'yan," wika ng dalaga. May nakakalokong ngiti pa ito, na hindi kayang ipaliwanag ni Disha. Hindi nga ba niya kayang ipaliwanag? O sadyang nililihis nto ang kaniyang isipan sa tunay na tanong.

"Parehas ang ending ng lahat. Ang mapait na katotohanan ng tunay na pag-ibig. Walang happy ending." Mabibigat ang bitaw na salita ng dalaga. Balak na sana nitong bumalik sa pagsusulat matapos na naramdaman niyang lumundag ang kaibigan niya sa kama.

"Mamaya mo na tapusin ito. May ilang araw ka pa naman para tapusin ito. May gusto ka bang aminin?" Inagaw ni Ver ang laptop at isinara ito.

"Magsusulat na ako, baka mamaya tamarin na naman ako, tapos hindi ko iyan matapos. Nakaraan pa iyan hinahanap ng editing department. Akin na kasi iyan." Pilit na inaagaw ng dalaga ang laptop, pero itinago ito ng kaibigan niya sa kaniyang likuran at marahan na umiiling.

"Hindi muna sa ngayon. Alam kong hindi mo rin naman ito magagawa ngayong araw, dahil nararamdaman kong nahihirapan kang isulat ang ending ng kwentong ito. Ramdam kita Disha, ako ang nakasama mo noong nagsisimula kang magsulat at ako ang unang bumabaa ng gawa mo. Kaya nakikita ko sa way ng sinusult mong may malaking pagbabago sa iyo." Mahaang saad ng dalaga. Dahil dito, nabakas na naman ang pagrolyo ng mga mata ni Disha.

Alam ng dalaga na hindi naman din talaga bibitawan ng kaibigan niya ang laptop, kaya kahit na anong pilit niya, mapapaamin pa tiloy ito.

"Binasa ko ang gawa mo kagabi, may napapansin akong mga bagay. Sino ang lalaking bida rito? Sino na ang lalaking bagong paksa ng mga noela mo?" Intriga muli ni Ver.

Kagabi ay dito natulog si Ver, sinamahan ang kaibigan niya at nakinig ng ibang rant nito sa buhay. Hindi bago kay Ver ang marinig ang pag-rant ng kaibigan niya, pero ang bago ay kung paano ito magslita. Nararamdaman niyang may pagbabago kay Disha at nais niyang malaman mula sa bibig ni Disha ang lahat ng hinala niya.

"Sabihin mo na sa akin. Si Dave ba ang lalaking nasa kwento? Ang mga salita na ando'n, sinabi niya sa 'yo lahat? Tama ba ako?" Pagtuloy ni Ver ng kaniyang mga katanungan. Hindi pa nga nasasagot ng kaibigan ang unang tanog, may paibago na naman ito.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon