Chapter 42

23 3 0
                                    

Tumatakbo si Disha patungo sa kung saan maaaring naroon sina Dave at ang instructor. May iilang mga staff na rin ang tumatakbo sa lugar na iyon. Nagtitipon ang ilan sa kanila habang may mga kumukuha ng video.

"Excuse me."

Hinawi ng dalaga ang mga tao upang makapunta lang sa harapan. Ang akala niya ay maaabutan pa niya ang pambubugbog ni Dave kay Pynix, pero ngayon ay inaawat na si Dave ni Darex. Hindi inaasahan ng dalaga na makikita niyang muli ang lalaking iyon sa ganitong eksena. Ngunit hindi na niya ito pinansin pa, napatingin na lang siya sa lalaking bugbog sarado ang mukha. Nakahubad ang pang-itaas nitong damit habang ang maganda niyang katawan ay may patak ng dugo. Dahil siguro ito sa ginawang pagbugbog ni Dave.

"Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa akin Dave. Sinisigurado kong magpapaalam ka na sa tagumpay na tinatamasa mo ngayon." Mababakas ang galit sa mukha ni Pynix habang hawak ito ng dalawa pang lalaki. Mukhang mabilis na naawat ang dalawang ito.

"Mukha bang may ikakatakot pa ako?" Hamon ng binata na ngayon ay buo na ang loob na maging matapang. Naisip ni Dave na kung hindi matatapos ang ganitong usapin, hanggang kailan sila mananatili sa ginto karuming sistema? Para lamang sa kasikatan ay handa na silang gawin ang lahat ng bagay na labag sa kanilang kalooban.

"Tarantado ka pala!" Balak sanang sumugod ng lalaki, pero hawak pa rin siya ng dalawa.

"Tumigil ka na muna Pynix, pag-usapan na muna natin ang bagay na ito." Si Darex na ang nagsalita. Mukhang hindi pa rin niya napapansin si Disha kanina pang naroon.

Habang tinitingnan ni Disha si Pynix, bigla na lamang siyang may napansin. Isang tattoo na nasa tagiliran nito. Nang sandaling makita ni Disha ang bagay na ito, may kung anong bagay ang bumalik sa kaniyang isipan. Isang eksena noong gabi na muntikan na siyang magahasa. Dahil dito ay agad na nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Natatandaan ko ang tattoo na 'yan," saad ni Disha. Dahil sa pagsasalita niya ay agad na napatingin sa kaniya ang lahat, dito lang din napansin ni Darex na narito rin pala si Disha.

"Disha, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dave.

"Kilala ko ang tattoo na 'yan. Ikaw ang lalaking pumasok sa bahay namin kasama ang lalaking binugbog din ni Dave. Walang hiya ka!"

"Disha."

Sabay pang umawat sina Dave at Darex matapos na tangkain ng dalaga na lapitan at sampalin ang lalaking iyon.

Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit sa puso ni Disha, lalo pa at nakita na niya ang lalaking ito. Ang lalaking nakatakas noong gabi na iyon. Matagal na siguro niyang nais na gawin kay Disha ang mga bagay na ganito, pero hindi siya nagtagumpay dahil walang kahit na sino ang pinagkatiwalaan ng dalaga.

"Ang arte mo kasi." Matigas pa rin ang mukha ng lalaki at tila ba hindi pa rin nahihimasmasan sa mga suntok na inabot niya mula kay Dave. Putok na ang kilay nito at may mga dugo na ang mukha, pero nagagawa pa rin nitong maglabas ng isang nakakalokong ngiti.

"Gago ka pala!"

Hindi na napigilan muli ni Dave nag magalt, pero sa mga oras na ito, hindi na nagawa pang pigilan ang binata. Hindi na rin siya inawat pa ni Darex. Hinayaan na lamang niyang bugbugin ni Dave nag lalaking iyon. Upang hindi rin makapalag si Pynix, hinid siya binitawan ng mga kalalakihan na may hawak sa kaniya. Walang kahit na sino ang umaawat sa kanila.

Dahil alam ni Disha ang bagay na kayang gawin ni Dave, siya na mismo ang umawat sa binata, pinigilan pa siya ni Darex, pero wala na ring nagawa pa ito matapos na hawiin lamang n Disha ang kamay niya.

"Dave, tumigil ka na. Hayaan mong pagdusahan niya sa bilanguan ang mga ginawa niya. Hayaan mong paghirapan niya ang mga bagay na ginawa niya." Mahinahon na saad ng dalaga habang inaawat nito si Dave na galit na galit ang bawat pagsuntok kay Pynix.

"Dave..."

Dahil sa muling pagtawag ni Disha, kumuyom na lang ang kamao ng binata, hindi na niya binitawan pang muli ang suntok. Tila ba isang lantang gulay na si Pynix na inaalalayan ng dalawang lalaki .

"Hayaan mong husgado na ang magpasya sa gagong 'yan. Huwag mong daanin sa galit ang mga bagay. Hindi rin ito makakatulong sa 'yo. Hindi ko gustong masira ka dahil sa emosyon mo." Para bang isang anghel si Disha sa mga salitang binitawan niya. Sa totoo lamang ay maging si Disha, hindi niya akalain sa kaniyang sarili na masasabi niya ang mga bagay na ito.

Sa kabilang banda ng gusali, kung saan si  Taria at Malue ay nasa kanilang silid, patuloy pa ring umiiyak ang dalaga. Balot ang kaniyang katawan ng tela.

"Mabuti na lang talaga at naroon si kuya Dave. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Natatakot na ako rito. Pangarap ko lang namang maging artista, hindi ko gustong umabot sa ganito." Kahit pa man hirap na si Taria sa mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay nasabi pa rin niya ito.

"Umalis na lang tayo rito. Marami namang paraan para ipagpatuloy ang pangarap mo. Hindi maganda kung palagi ka na lang mangangamba na baka lahat ng lalaki dito, pwedeg gawin ang mga bagay na ganito." Marahan na hinahagod ni Malue ang likod ng kaniyang kaibigan, para lang pagaanin ang loob nito.

Sa patuloy na pag-uusap ng dalawa, bigla na lamnag may dumating sa kanilang kwarto. Dahil dito ay napatingin ang dalawang dalaga.

"Anong katangahan ang ginawa mo Taria?" bungad na tanong ni Marie matapos nitong makapasok sa loob. "Bakit ba ang arte mo? Buti nga inalok ka pa ni Pynix. Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo? Wala talagang nagagawang matino ang mga baguhan na gaya mo. Hindi ka naman sisikat na artista," dagdag nito na para bang kinukutya na niya ang buong pagkatao ni Taria.

"Pwede ba, Marie, kung wala ka lang namang sasabihin na maganda, hindi ka na sana pumasok dito." Buong tapang na saad ni Malue.

"Wow! Matapang ka na pala ngayon? Bakit? Pamana ba 'yan ni Disha? Walang mga kwenta!" asik nito at agad na lumabas.

Dahil sa ginawa niya, nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. Tumango pa si Malue bilang isang senyales na para bang binibigyan niya ng pagkakataon si Taria na gawin nito ang gusto niya.

Agad na napatayo si Taria at sumunod kay Marie, pinigilan pa niya ito upang mapatigil. Kasabay ng pagharap ni Marie ay ang isang malakas na sampal ang ibinigay sa kaniya ni Taria. Ang pangyayari na ito ay nasaksihan ng ilang mga artista, napasgaw pa ang ilan at napatakip sa kanilang bibig. Sa lakas ng sampal ni Taria, napahawak sa pisngi ang kaniyang kalaban.

"How dare you?!" Balak na bumawi ni Marie ng sampal, pero naunahan siya ni Taria. Dalawang beses niya itong sinampal sa magkabilang pisngi. Napaatras pa ang sikat na artsita dahil dito.

"Isa lang ang natutunan ko kay ate Disha. Minsan, kailangan mo ring maging kontrabida." Mabibigat nag bawat na paghinga ni Taria habang sinasbai niya ito. Ibang Taria na ang nasa kanilang harapan. Isang babae na hindi na kaya pang basta lang maapi. Ito ang lakas ng loob na ibinigay ni Disha sa kaniya.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon