Chapter 16

110 6 0
                                    

Dapit-hapon na ng makarating si Disha sa Baguio. Ngayon ang unang araw ng shooting, dito sa Burnham Park sila unang nagkita at nagkakilala ni Dexer. Dito rin ang unang lugar na nagkakilala ang dalawang bida sa librong isinulat niya.

"Disha I love you!"

"Ate Disha!"

"Ate pa-autograph po!"

Ilan sa mga sigaw na narinig nito mula sa mga fans niyang hinaharang ng ilang staff. Napatingin pa siya sa mga ito habang inaalis ang suot niyang salamin.

Isang malawak na ngiti ang binitawan niya habang humahakbang palapit sa mga ito. Masama man ang ugali ni Disha sa mga couple na nakikita niya, pero hindi sa mga fans niya. Ngayon pa na inaabangan talaga ang pagpunta niya rito, ang ilan pa sa mga ito ay may dalang libro na talagang nagbabakasakali na mapirmahan niya ito.

"Ikaw muna." Kinukuha nito ang librong hawak ng isang batang babae na nasa edad kinse. Dalawang libro ang dala nito at pinirmhan ni Disha, nilagyan pa ng mga katagang.

'Walang forever kaya mag-aral ka na lang ng mabuti.'

Dahil sa ginawa niyang itong, nagkagulo ang mga fans niya. Lahat sila ay nagtulakan para lang maabot ni Disha ang mga librong dala nila. Pero masyado silang marami, hindi niya kayang isa-isahin ang mga ito. Nasa shooting siya at wala sa book signing.

"Disha!" Isang galit na boses ng baklang manager nila Dave ang nagpatigil sa kaniya. Nilingon pa niya ito bago pinirmahan ang isang libro na hawak niya.

"What?" Taas noong tanong nito habang ibinabalik sa may-ari ang hawak niyang libro.

"Nasaan ka ba?" Masungit na tanong nito. Tinaasan siya ng kilay ng dalaga, ilang sandali na sinuri ang suot nitong kulay violet na shirt at pink na pants, may nakaikot din sa leeg nitong tela.

"Nasa Baguio. Bakit? Nasaan ba tayo?" Deretsyong sagot nito. Napirap naman ang baklang ito at napatingin sa dalawang babae pang nasa likuran nila.

"Pilosopo ka rin, e no?" Halata na sa boses nito ang pagkainis sa sinagot ni Disha.

"Sorry but I'm not pilosopo, ask my fans kung ano ako. Bitteristics! Ano ulit ako?" Pagtaas pa ng mga kamay nito na tila nag-uutos sa mga fans niya para sumagot.

"Bitter!" Sabay-sabay pa nilang sigaw.

"See?" Pagkutya pa niya rito.

"Wha–"

"Enough guys! Wala tayong matatapos kung magtatalo kayo rito!" Sigaw ni direk Lao na siyang nagpatigil sa lahat.

"Pumunta na kayo ro'n. This is not a book signing event. Mag-antay kayo ng schedule para mapirmahan lahat 'yan." Sita pa niya sa mga fans ni Disha.

"Go on guys. See you next month, lahat 'yan mapipirmahan ko. I bitter you all." Kindat pa niya at kaway. Umalingaw-ngaw naman ang tilian ng mga ito habang paalis doon si Disha.

Nakasunod siya ngayon sa dalawang staff na may dalang papel at may suot na lapel. Si Mang Trevor naman ay pinayagan ni Disha na gumala. Hindi naman niya kailangan ng PA, dahil kaya na niyang mag-isa. Turo rin sa kanila ng mga magulang nilang huwag aasa sa ibang tao. Hindi sila pwede maging tamad.

Maayos na ang set. Nakaupo si Disha sa likuran ni direk Lao, habang sa gilid niya nakatayo si Magie. Nakahalukipkip ito at katabi ang PA nila Dave at Marie.

Sa harapan niya may isang screen kung saan nakatingin si direk Lao. May suot din itong headphone.

Umusog siya para mapanood ito ng aktwal, gusto niyang makita ang mga ito kung paano bibigyan ng buhay ang karakter nina Andrea at Martin.

Disha Bitter [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon