Chapter Twenty-Three

171K 6.4K 4.4K
                                    

Castor didn't mention that 'I love you' thingy again, which is good, I honestly don't know what to say and what to react. All this time I thought he just see me as a friend, kung alam ko lang sana hindi na ako sumama sa kanya... Ayokong masaktan lang siya dahil alam kong hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya.

Natigilan ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang makarinig ako ng katok. Tumayo ako at agad na binuksan ang pinto sa kuwarto ko. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ni Castor, ngumiti siya sa 'kin.

"Hey, let's eat," he casually said and scratched his nape. I just gave him a small smile and nodded.

I tried to forget his confession two days ago because he didn't mention it again. Umaakto siya ngayon na para bang hindi siya umamin sa 'kin, pero mas maganda na rin 'to. I don't want to give him false hope, ayaw ko siyang paasahin sa bagay hindi ko maibibigay sa kanya.

"Angel, hija, halika rito. Nagluto ako ng almusal," nakangiting bati ni Lola Gladys habang naghahain ng pagkain sa mesa.

Hindi ako nakain nang marami tuwing breakfast, pero sa loob ng three days na nandito ako, palagi na 'kong nakain ng marami. Palagi kasing nagluluto si Lola Gladys for us, nakakahiya naman kumain nang kaunti, sayang ang effort niya and isa pa, napansin ko rin sa sarili ko na ang lakas ko na kumain. Stress eating siguro ang ginagawa ko.

"Lola Gladys, this is so masarap. Ano po ang tawag dito?" tanong ko at inangat ang fish na sinasawsaw sa suka na may bawang.

"Tinapa 'yan, hija, masaya ako at nagustuhan mo. Akala ko hindi ka nakain ng mga ganitong pagkain," nakangiting sabi ni Lola Gladys. Kasabay namin nga ngayon kumain. Madalas talaga ay sumasabay siya sa 'min.

"Kahit sardinas kinakain ni Angel, Lola. Mukha lang po siyang maarte," natatawang sabi ni Castor at kinurot ang pisngi ko. Siniko ko ang tagiliran niya.

"Maarte naman talaga ako," nakaismid na sabi ko at inirapan siya.

"Wow, proud maarte." Tinawanan pa ako ni Castor.

Natawa na lang si Lola Gladys sa amin. Sigurado na aasarin na naman kami ni Lola.

"Hay nako, bagay na bagay talaga kayong dalawa. Aba, Angel, sagutin mo na itong apo ko. Wala ka ng hahanapin pa kay Castor. Ikaw naman, Castor, napakahina mo naman, galingan mo naman, mauunahan ka ng iba kay Angel," napapailing na sabi ni Lola Gladys.

"Lola naman, friends lang po kami ni Castor," sabi ko na lang saka muling sumubo ng kanin. Mapapadami na naman ang kain ko nito.

"Ouch," Castor exclaimed and clutched his chest.

"Ang arte ha," pang-aasar ko pa sa kanya.

"Natinik lang kasi, assuming ka masyado," natatawang sabi ni Castor saka uminom ng tubig. Tiningnan ko na lang siya nang masama.

"But you said you love me," I said and raised my eyebrow. Castor faced me and looked into my eyes. He smirked at me and pinched my chin.

"Aw, gusto rin," nakangising sabi niya.

I blinked when I realized what I just said. I avoided his gaze and focused on my food. I can feel my cheeks heating up, I suddenly felt embarrassed, baka isipin niya na nag-a-assume ako masyado.

"Hindi ka nakakatuwa," I muttered

Bakit naman kasi umamin pa siya?

Natigilan ako nang maramdaman kong hinawakan ni Castor ang kamay ko sa ilalim ng table. Napatingin akong muli sa kanya, he smiled at me.

"Is it okay if I express my feelings? I don't want you to be uncomfortable around me, kaya hindi ko na binabanggit ulit," Castor muttered while staring at me. I just gave him an awkward smile and avoided his gaze.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon