Chapter Thirty-Four

190K 6.6K 4.8K
                                    

Nanatili akong tahimik habang nasa biyahe, pasimple akong napatingin kay Zak na seryoso pa rin ang mukha habang nagmamaneho. I don't know where he'll take me, I can't even open my lips to ask him.

Hanggang ngayon hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya kanina, pakiramdam ko tuloy masyado ko siyang nasaktan, pakiramdam ko mababaw talaga ang pagmamahal ko sa kanya gaya ng sinabi niya kanina.

Natigilan ako nang tumigil na ang kotse. Agad akong sumilip sa labas. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong nasa labas kami ng bahay ni Jaze. Nagtatakang napatingin ako kay Zak.

“What are we doing here?”

He didn't answer. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. He held my wrist and pulled me out of his car. I grimaced because he's holding me too tight, pakiramdam ko madudurog ang buto ko kapag nagtagal pa ang paghawak niya sa akin... obviously, he's still mad at me.

He pressed the doorbell, saglit lang kaming naghintay at agad na kaming pinagbuksan ng katulong ni Jaze. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang muli niya akong hilahin papasok sa loob.

“Zak, I'm hurting,” I murmured and touched his hand gripping my wrist. Natigilan naman siya at agad na napabitiw sa akin.

He sighed and checked my wrist, bahagyang namula iyon. He bit his bottom lip as his expression softened. He looked at me and gently caressed my wrist.

“Sorry,” he muttered and turned his gaze away from me.

Agad na nawala ang kaba ko dahil sa simpleng salita galing sa kanya.

He held my other wrist, hindi na mahigpit kagaya ng kanina. Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil baka mainis na naman siya. May atraso pa man din ako sa kanya.

Naabutan namin si Jaze sa living room. She's sitting on the couch while typing something on her laptop. Napatingin siya sa amin nang maramdaman niya ang pagdating namin. She smiled at us and closed her laptop and put it on top of the table.

“Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa 'ko naghihintay,” sabi ni Jaze saka tumayo at lumapit sa amin. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Agad kong inalis ang pagkakahawak ni Zak sa kamay ko.

“I'm so drained, Jaze. Explain everything to her.”

Natigilan ako nang talikuran na kami ni Zak. Lumabas na siya at iniwan kaming dalawa ni Jaze rito. Nagtatakang napatingin ako kay Jaze. Ano ba'ng nangyayari?

“Why don't we take a sit, Angel?” tanong ni Jaze.

Kahit naguguluhan pa rin ako sa nangyayari, tumango na lang ako. Umupo na kami ni Jaze sa couch.

“Bakit dinala ako rito ni Zak? Ano'ng sasabihin mo sa 'kin? Ano ba'ng meron?” sunod-sunod na tanong ko.

Napabuntong hininga si Jaze saka napakamot sa batok niya.

“Ayaw mo siguro ng patumpik-tumik pa 'no? So, I think I'll just go straight to the point,” she said and gave me a weak smile. My forehead creased, I'm so confused right now.

“Hindi si Zakarius ang ama ng ipinagbubuntis ko,” sabi ni Jaze habang nakatitig sa mga mata ko.

Natahimik ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko tila binuhusan ako nang malamig na tubig. Tila hindi kaagad nag-proseso sa isip ko ang sinabi niya.

“What the hell are you saying? Pwede ba, ayaw kong makipagbiruan ngayon,” naiinis na sabi ko at napaiwas na lang ng tingin sa kanya.

Jaze held my hand, napatingin ako sa kanya. Her eyes softened and glistened at the same time. She took a deep breath and held my hand tightly.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon