Chapter Twenty-Eight

177K 6.7K 2.5K
                                    

I moaned when I felt Zakarius' strong arms around my waist, pulling me closer to him. I opened my eyes and looked at his handome sleeping face. I giggled and gently pinched his pointed nose.

“Hmm,” he groaned as his nose wrinkled. Ang tulog-mantika talaga niya.

“My love,” I murmured and traced his sharp jaw with my index finger. Tila hindi naman siya natinag at tuloy pa rin sa pagtulog. Napasimangot na lang ako at yumakap sa batok niya. Kailan ba siya magigising? Umaga na.

Wala kaming ginawa kagabi kundi nag magyakapan. Hinayaan ko na lang siya dahil na-miss niya raw ang cuddle moment naming dalawa. Hanggang sa makatulog kaming pareho, nakayakap pa rin siya sa akin. Himala at hindi siya nag-sleepwalk.

“What are you doing? Admiring my face?” he asked in a sexy, and husky voice. He slowly opened his eyes. My heart thumped when our eyes met, his blue eyes are so beautiful. Hindi yata ako magsasawang titigan ang mga 'yon.

“Pinapahid ko lang ang panis na laway mo,” nakakunot-noong palusot ko saka bahagya siyang itinulak palayo.

He let out a manly chuckle and pulled me closer to him again. Inilapit niya ang ilong sa buhok ko saka inamoy 'yon. Nag-alala ako nang kaunti dahil baka hindi maganda ang amoy no'n.

Whatever, palagi naman akong mabango, kahit three days yata akong hindi maligo, mabango pa rin ako.

Inilayo na niya ang mukha sa buhok ko at nakangiting tinitigan ang mukha ko. I just wish I don't have panis na laway or muta on my face.

“Are you my girlfriend now?” nakangiting tanong ni Zakarius at tila kinikilig pa dahil kagat kagat niya ang ibabang labi niya. Pinaningkitan ko na lang siya ng mga mata saka mahinang sinampal ang pisngi niya.

“Asa you,” nakataas kilay na sabi ko na lang.

“But you love me too,” he murmured and pinched my cheek. “Squish,” he mumbled.

Ano ba ang meron sa squish squishy na iyan? But fine, he's cute naman, e.

“I said I love you too, but I didn't say na tayo na,” pag-iinarte ko pa.

I just want to tease him. But damn this man, mukhang hindi man lang siya napikon. Nakangiti pa rin siya habang nakahawak sa pisngi ko at marahang kinukurot 'yon.

Hindi na lang siya nagsalita at mas hinigpitan ang yakap sa akin, hindi naman gaanong kahigpit, tama lang. I buried my face on his chest and inhaled his manly scent.

“Can I kiss you?” he asked and gently caressed my back.

Inalis ko ang pagkakasubsob sa dibdib niya saka tiningnan siya nang masama.

“Ang harot mo,” sabi ko na lang at inirapan siya.

“Sa 'yo lang,” he said and bit his lower lip. Naningkit ang mga mata ko.

“Si Cadence ba ang nagturo sa 'yo niyan?” nakataas-kilay na tanong ko. Napakamot na lang siya sa kilay niya.

“How did you know?” he asked and gave me an awkward smile.

“Ako pa ba? Ganyan mga salitaan ni Cadence, e.”

Hindi na lang siya nagsalita at hinaplos na lang ang mahabang buhok ko. Marahan niyang sinuklay iyon gamit ang mga daliri niya. I closed my eyes and let him do that, I found it so comforting.

“Ang baho mo na.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad ko siyang tiningnan nang masama saka bahagya siyang itinulak palayo.

“Let's take a shower together,” nakangising sabi niya saka dahan-dahang ipinasok ang kamay niya sa loob ng damit ko. Tinampal ko kaagad ang kamay niya.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon