Chapter Thirty-One

170K 6.7K 3K
                                    

“Are you kidding me, Jaze?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Zakarius.

Hindi ako nakagalaw, nanatili akong nakatitig kay Jaze, tila na-blangko ang isip ko. Until now, my whole body is shivering like it's about to give up. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko... mabigat, ang bigat sa dibdib.

“You know it's not impossible, Zak. Alam kong alam mo 'yan,” mariing wika ni Jaze habang matiim na nakatitig kay Zakarius.

Nanatili akong nakaupo at hindi makagalaw, kahit yata ang tumayo ay hindi ko magagawa dahil sa panghihina ng buong katawan ko.

Of course it's not impossible, even though he never loved her, they've been together for years. Imposibleng walang nangyari sa kanila ng mga taong 'yon.

Napapitlag ako nang mapatingin si Jaze sa direksyon ko. Tumitig siya nang diretso sa mga mata ko, hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Wala akong nakikitang emosyon sa mga 'yon.

“Angel, we want to talk privately, if you don't mind,” she said and gave me a small smile.

Agad na lumapit sa 'kin si Zak at hinawakan ang kamay ko, ngunit nanatili siyang nakatingin kay Jaze.

“We don't need to talk privately, Angel doesn't need to--”

Natigilan si Zak nang alisin ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I stood up and distanced myself away from them. I bit my lower lip to suppress my emotions, I tried my best to calm my nerves and act like this situation isn't affecting me at all.

“It's fine, talk to her. Hahayaan ko kayong mag-usap.” Halos hindi ko na narinig ang sarili kong boses sa sobrang hina no'n.

Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit ko pa ring ihakbang ang mg paa ko at talikuran silang dalawa. Natigilan ako nang maramdaman kong hinawakan ni Zak ang kamay ko.

“Angel.”

Napapikit ako nang mariin at muling inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin at dali daling umalis ng hapag at iniwan sila ro'n. Agad akong nagtungo sa silid ni Zakarius at isinara ang pinto. Nanghihinang nagtungo ako sa kama at umupo ro'n.

With shaking hand, I touched my abdomen. I was about to tell him about our baby... I thought this is the perfect time.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kawalan, tila naubos ang lahat ng lakas ko sa mga binitiwang salita ni Jaze kanina. I honestly don't know what to do anymore. I couldn't blame anyone on this. Pinili kong mahalin pa rin si Zak kahit alam kong masasaktan ako. Pwede kong piliin na tumakbo kaagad palayo sa kanya noong una pa lang, pero naging mahina ako.

I did my best to stand up even though my whole body's about to give up. Nagtungo ako sa closet ni Zak at kinuha ro'n ang bag ko. Natigilan ako nang marinig kong bumukas ang pinto sa kwarto.

“Angel.”

Napalingon ako kay Zak, bumaba ang tingin niya sa bag ko. Agad siyang lumapit at inagaw ang bag mula sa 'kin.

“Let me explain first, please,” he mumbled. He looked directly into my eyes and held my wrist. His blue eyes scream emotions I couldn't read, he seems desperate and scared. Scared to lose me? Nah.

“Kung sasabihin mong sigurado kang hindi ikaw ang ama, maniniwala ako, Zak... T-tatanungin kita ngayon, ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Jaze o hindi?” tanong ko habang nakatitig nang diretso sa mga mata niya.

Naramdaman ko kung paano siya natigilan sa tanong ko. Lumuwag din ang pagkakahawak niya sa 'kin. Napalunok ako kasabay ang malakas na pagtibok ng puso ko... Natatakot ako, natatakot ako sa isasagot niya.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon