Chapter Fourteen

222K 6.9K 3.4K
                                    

“Angel.”

Napadilat ako nang maramdaman ko ang braso ni Zakarius sa baywang ko. Napakunot ang noo ko nang dahan-dahan siyang humiga sa tabi ko saka sumiksik sa leeg ko.

“What are you doing here?! I told you na sa couch ka matutulog, diba?!” I shouted and pushed him lightly. Hindi naman siya nagpatinag at mas hinigpitan ang yakap sa 'kin.

“I told you I can't sleep there, ang small ng space do'n, and I'll just sleepwalk. Just hug me with your arms and legs just like what you did last time para hindi ako mag-sleepwalk,” he murmured and inhaled my neck.

Nawala ang antok ko dahil naging conyo na naman siya. I just chewed my lower lip to restrain myself from laughing. Damn this stubborn, cute and conyo man.

“No, masyado ka ng sinu-suwerte. Pumayag na nga ako na rito ka tumuloy, e. Requesting to sleep beside me is too much, Zakarius,” I said and pushed his chest again.

“I thought you'll let me sleep beside you now because we had sex. Why are you so heartless? I can't sleep there on the couch. Natatakot ako mag-isa sa living room, it's so dark there,” pag-iinarte pa niya at isinubsob naman ang mukha sa dibdib ko. “Squishy squishy,” he murmured and gripped my left bossom gently.

I gasped and slapped his hand. My cheeks instantly heated. Nakaramdam din ako nang kakaibang kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko sa ginawa niya.

Calm your horny nerves, Angel Mendoza!

“Natatakot kang mag-isa? Hindi ka nga natatakot sa ahas, e. Let me go nga, doon ka sa couch!” naiiritang sabi ko at itinulak ang mukha niya palayo sa dibdib ko.

“Sige na, just for tonight. Hmm?” pangungulit pa niya saka tumingin nang seryoso sa mga mata ko.

“No, I know na masusundan pa 'yang ‘just for tonight’ na 'yan. Get out of my room, now,” I said and pushed him again.

Napabuntong hininga na lang si Zakarius at inalis ang braso sa baywang ko. Mukha siyang bata na hindi napagbigyan na bilhan ng laruan. Bumangon siya sa kama ko at walang salita na lumabas ng kuwarto ko.

Napataas na lang ang kilay ko, nagtatampo ba siya?

Well, nevermind. Magtampo siya kung gusto niya. I don't care.

I just took my phone and opened my twitter account and looked at some tweets. Napataas na lang ang kilay ko dahil hanggang ngayon trending ang love team kuno namin ni Castor.

Nang magsawa ako, ibinalik ko na lang ulit ang phone ko sa bedside table at sinubukang matulog ulit.

I sighed while staring at the ceiling. I can't sleep now. This is all Zakarius' fault. If he didn't just barge in, siguro tulog na ako ngayon.

Inabot ako nang mahigit thirty minutes kakatitig sa kisame. I can't stop thinking about Zakarius. I admit, medyo nakonsensya ako sa pagpapaalis ko sa kanya rito sa kuwarto ko.

Napaismid na lang ako at bumangon saka lumabas ng kuwarto. Pupunta na sana ako sa kusina para uminom nang tubig nang makita ko si Zakarius na nakahiga sa couch at nakapikit.

He was right, the couch is too small for his large frame. It's his fault, he keeps on insisting to stay here. He has his own house, a very huge house, say bigger than mine. Bakit ipinagpipilitan niya ang sarili rito sa bahay ko na isa lang naman ang silid.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa mini table na nasa tapat ng couch. He looks cute while covered with comforter. Para siyang guwapong suman. I chuckled gently with my thought.

I stared at his face and bit the insides of my cheeks. I hate the fact that his eyelashes are longer than mine, he has more beautiful eyes, and more attractive lips than me... Hindi makatarungan.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Where stories live. Discover now