Chapter Twenty-Seven

230K 7.2K 3.8K
                                    

“Good morning, Ms. Mendoza! Kayo na ba Boss Zakarius mapagmahal?”

Napairap na lang ako sa bungad ni Cadence sa akin paglabas ko ng kuwarto. Prente siyang nakaupo sa may kusina habang nakain, si Castor naman ang nagluluto.

“Castor, bilisan mo naman, 'tol. Mauubos na 'tong kinakain ko, e,” napapailing na reklamo ni Cadence.

Castor glared at him. I just shook my head and sat beside Cadence. Napakamot ako sa batok ko at pasimpleng hinanap si Zakarius sa paligid.

“Sus, nahiya pa, magtanong ka na lang kasi. Nandoon si Zak sa labas, kausap na naman yung mga bata. Nagpapahiwatig yata siya, baka gusto na niya ng baby,” tila nanunuksong sabi ni Cadence at bahagya pang sinundot ang tagiliran ko.

Natigilan ako sa sinabi niya, maski si Castor ay halatang natigilan din. Napatikhim na lang ako at inismiran siya.

“Kung ano-anong sinasabi mo riyan, hindi niya gusto ng baby!” sikmat ko na lang saka inirapan siya.

“Edi don't,” bulong pa ni Cadence na narinig ko naman. Napailing na lang ako at hindi na nagsalita pa.

Tumayo ako at kumuha na lang ng baso para uminom ng tubig, pagkagamit no'n, agad ko 'yong hinugasan. Mamaya na ako kakain, pupuntahan ko muna si Zakarius sa labas.

“Labas lang ako,” pagpapaalam ko sa kanila. Akmang aalis na ako nang magsalita si Cadence.

“Aw, pupuntahan mo si Zak 'no? Wala ka na talagang pag-asa, Castor. Pero h'wag kang mag-alala, marami akong p'wedeng i-reto sa 'yo, saka 'di naman kawalan 'yang si Angel,” napapailing na sabi ni Cadence. Inirapan ko na lang siya saka agad na lumabas.

A smiled formed on my lips when I saw Zakarius playing with the kids again. They are building a sand castle, he's not smiling but I can see that he's enjoying his time with the kids. Damn this man, he's making me fall for him more.

Naglakad ako papalapit sa kanila. Zakarius is not wearing a shirt again, he's just wearning a board shorts, his muscular body is exposed again. Buti na lang at walang gaanong tao rito.

“Kuya Zak! Pumapasok ka po ba sa school?” tanong ni Toto saka dumakot ng buhangin.

“Hindi na, tapos na akong mag-aral kaya nagta-trabaho na 'ko,” sagot naman ni Zakarius.

I'm just a few meters away from them so I can clearly hear them. Zakarius is too distracted building the sand castle that's why he didn't notice me. I just crossed my arms over my chest and quietly watched them.

“Wow! Masaya po ba sa school? Gusto po naming pumasok sa school kaso walang pera sina Nanay. Kulang palagi ang kinikita nila sa palengke, pero naiintindihan naman po namin,” sabi ng isang batang lalaki na katabi rin ni Zak.

Tila kumirot ang dibdib ko sa sinabi ng bata. Hindi ko alam na hindi pala sila nakakapag-aral, akala ko bakasyon lang talaga nila ngayon.

“Gusto niyo bang pag-aralin ko kayo?” tanong ni Zak saka tumigil sa pag-aayos ng sand castle at tumingin sa mga bata.

Napasinghap sina Toto sa sinabi ni Zak, maski ako ay natigilan din. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon.

“Libre po, Kuya Zak?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Toto. Tumango naman si Zakarius saka muling ibinaling ang atensyon sa sand castle.

I unconsciously smiled while staring at him. I bit the insides of my cheeks and shook my head. Hanggang ngayon naso-sorpresa pa rin ako sa mga natutuklasan ko tungkol kay Zakarius.

“Ate ganda!”

Natigilan ako nang lumapit sa 'kin si Toto at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palalapit sa kanila. Napangiti na lang ako at nagpatianod sa kanya.

Captured and Tainted (SERIE FEROCI 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon