12

10 3 0
                                    

October 31, 2020

Last dance

"Good morning world!!!" excited na sigaw ko ng magising, medyo na tawa pa ng may marinig na gagalit dahil sumigaw ata ako.

Today is my very special dayyyyyyy!!! Yieee malapit na ako mag legal age yeah!!! Ilang oras nalang nasa legal age na ako hihi, 2:19 pm kasi ako pinanganak ni mama at 7am na ngayon hihi.

Agad akong bumangon para mag ayos ng sarili at ng kama ganon kasi ang routine ko everyday saka bababa para mag alumasal.

"Magandang umaga mga abalang senyora!" sigaw ko ng makita sila tita at mama na nag aayos para sa gaganaping debut party hihi.

Actually hindi dito gaganapin yung debut ko nag renta sila mama ng hotel ata yun na pag gaganapan ng debut ko matagal talaga nilang pinag handaan toh kasi noong bata ako hanggang ngayon pangarap ko talaga mag karon ng magarbong debut.

"Magandang umaga Isabella nako kumain ka na't para maka tulong ka sa amin sa pag dala ng mga ito doon sa hotel!" bati ni tita akala ko pa naman makakalagpas ako sa ganyan ngayon hmp pero ok lang para sa magandang debut gora!

Inihanda na ni Nanay ang kakainin ko, hindi kami mayaman pero sa tulong ng diyos hindi rin naman kami mahirap mayroong pera ang mama ko para ibigay lahat ng gusto namin, well yung kailangan lang naman.

"Wow! Breakfast palang bongga na!" sigaw ko ng makita ang ihanda ni nanay sa lamesa.

Mayroong loaf bread, ham, bacon, egg, hotdog, rice syempre, milk, at spam. Nag gaganito din naman kami noon pero isang putahe lang sa isang umaga.

"Syempre kailangan masaya ang prinsesa ko ngayon, na paka espesyal na araw ito para sa iyo eh. Good morning my princess happy birthday." saka ako hinalikan ni mama sa checks.

"Wahhh thank you po mama." saka ko siya yinakap nag moment pa kami sandali saka kumain na.

"Tara na." aya ni mama matapos namin isakay lahat ng gamit sa kotse, nag hihintay na kasi yung party organizer sa hotel daw.

"Ikaw na ba ang bahalang mag pick up ng gown mo mamaya nak?" tanong ni mama habang nag dridrive.

"Ah opo." sagot ko naman, royal party ang theme ng debut ko.

"Na sabihan mo na ba ang mga kaibigan mo tungkol sa idadamit nila? Lalo na yung 18 roses dapat lahat sila naka prince attire." na pa ngiti naman ako sa sinabi ni Mama.

"Opo ma sinabi ko na po dati sa kanila." pero agad na pawi yung ngiti ko ng may maalala, bumuntong hininga nalang ako at yumuko para hindi mahalata yung lungkot sa mukha.

"Oh? Teka bakit 17 lang naman tong mga lalaking naka lista sa invitation mo eh ito yung babasahin ng MC mamaya." na pa tingin ako kay tita at na kita siyang binabasa yung invitation ko.

"Yung last dance ko po tita." na payuko ulit ako ng mapansing tumulo yung luha sa mga mata ko.

"Gusto ko sana si Papa, pero wala eh, hindi ko naman siya kilala, kaya si Kuya po, paki sabi nalang po sa MC yung pangalan niya." pinalaki kami ni mama mag isa, katulong niya si tita pero wala kaming papa, noong na laman daw kasi niya na pinag bubuntis ni mama si Kuya iniwan niya daw ito bumalik after 2 years at ng mabuntis niya ulit si Mama iniwan niya ulit ito.

Na paka gago, yun si Papa na kakainis, kasi hindi ko man lang na kita yung pag mumukha niya, kinuha niya pa si Kuya sa akin.

Oo kinuha ni papa yung kuya ko pero may communication parin kami kaya na sabi ko sa kanya kung saan ang debut ko, pumayag naman siya.

Na pansin ko naman ang pag bilis ng sasakyan, hanggang ngayon galit parin si Mama kay kuya kasi pinili ni kuya si papa. Kahit ako nung una na galit pero I can't resist my kuya.

100 Short StoriesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu