34

6 2 0
                                    

January 29, 2021

Capture her smile

"Sino yan?" bulong ko sa mga tropa ko ng may biglang pumasok na magandang babae sa classroom namin, maganda naman siya, ang kaso, parang walang kaibigan, tahimik lang siyang umupo doon sa pinaka likod na upuan sa gilid ng bintana, saka yumuko at nag basa ng libro.

"Pre yan si Nissih, ang ganda noh, kaso walang sumusubok lumapit sa kanya, meron naman noon pero ang kaso, ang sungit pare, kaya nga walang kaibigan yan eh, kung lalapitan mo, wag mo ng subukan masusungitan ka lang." bago lang ako dito sa university namin, kaya naman hindi ko pa alam ang mga kung ano ano dito.

"Ok, class dismiss." nag labasan na ang mga estudyante, na una pa nga sila kesa sa teacher eh. Tinignan ko si Nissih, naka upo parin siya at nag babasa ng libro, patayo na sana ako pero umupo ako at humarap sa kanya, saka inilapat ang baba ko sa palad ko.

Ng maka labas na lahat ng tao, saka siya nag taas ng tingin at iginala ang mata sa buong classroom ng makita niya ako, nanlaki ang mata niya at agad ihinarang ang libro sa mukha niya, medyo na patawa ako dahil sa reaksyon niya, cute.

Ilang minuto pa ako nag stay don, hindi pa din siya umaalis, parang hinihintay niya muna akong umalis, kaya naman tumayo na ako at nag ligpit ng gamit, baka magutuman siya sa pag hihintay pag hindi ako umalis don.

"I'll go now, pwede ka na ring lumabas pag labas ko." sabi ko pa bago ako lumabas.

"Anong trip yun pre?" tanong ng mga kaibigan ko ng pumunta ako sa cafeteria.

"Ano?" inosenteng tanong ko.

"Yung pag papaiwan mo sa classroom, popormahan mo ba si Nissih, nakoo na basted ka ba? HAHAHAHAHA." na pailing na lang ako sa sinabi nila.

"Oh ano pustahan tayo, mababasted yan." gatong nanaman nila.

"Pag na pasagot ko. Anong gagawin niyo?" naka ngising tanong ko.

"Bibigyan ka namin ng 10,000 pero pag kami nanalo bibigyan mo kami 10,000." hmm, I'll think about it, but I really wanna be friends with her, I think she's good.

"Hmm, not bad." saka ako kumagat sa tinapay ko.

"Ayon! Ayos yan pre mag kaka 10k tayo BWAHHAHAHA." umiling na lang ako at nag isip ng way para maka lapit kay Nissih.

Habang nag kaklase naka titig lang ako kay Nissih inoobserbahan ko ang mga galaw niya, at isa lang ang na pansin ko, lagi niyang hinahawakan ang dibdib niya.

Ng mag dismiss na ang teacher, lumabas ako agad pero naka abang lang ako sa pintuan, sinapok pa ako ng barkada ko bago umalis, kaasar.

Ng wala ng tao, sumilip ako sa may classroom na kita ko siyang nag aayos ng gamit niya, bago siya may kinuhang gamot ata at kumuha ng dalawa saka ito ininom, ano kaya yon.

"Hi." salubong ko pag labas niya na gulat pa siya sakin.

"H-Hi." eh? Hindi naman mataray ah, baka naman mali lang sila ng akala.

"Mag lulunch ka na?" habol pag katapos niya mag lakad after mag hi.

"Mm." hindi nga masungit ang tipid naman mag salita.

"San ka?" tanong ko.

"Sa c-cr." kumunot yung noo ko.

"Cr? Kala ko ba mag lulunch ka?" tanong ko ulit.

"D-dun ako nag lulunch." nanlaki yung mata ko, sa cr siya nag lulunch.

Hinawakan ko yung kamay niya at agad hinila papunta sa cafeteria, na kita ko pa yung mga tropa ko na nag kwekwentuhan nung na kita nila kami ni Nissih halos ma laglag yung panga nila ng na kita nila kaming dalawa, para kasing naka yakap sakin si Nissih dahil naka subsob yung mukha niya sa may bewang ko dahil sa hiya at naka hawak naman ako sa kamay niya.

100 Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon