44

5 1 0
                                    

FEBRUARY 17, 2021

Her Expectations

"Atty. may girlfriend ka na ba?" na gugulat na nilingon ko yung bagong salta sa department namin, HAHA palibhasa bata, malakas ang loob mag tanong ng kung ano-ano.

"Wala. Bakit?"
"Wala lang sir, eh nag kagirlfriend ka na po ba?"

Na tigilan ako, dahil sa tanong niya, na alala ko nanaman siya. The girl, who has as high as skies, expectation.

"Babe!"
"Ano?!"

"Kanina ka pa nag lalaro ng ML na yan! Kelan mo ba ako aasikasuhin, alam mo yung na basa kong story nung isang araw, yung bidang lalaki hindi niya hinahayaang hindi masaya yung babaeng mahal niya!" ayan nanaman siya sa pag kukumpara sakin sa mga lalaking hindi naman nag eexist.

"Will you stop it Kaycee? Stop comparing me to someone who does'nt even exist." inis na sabi ko, at bumalik sa pag lalaro ng Mobile Legends.

Pag siya nag wawattpad hindi ako na ngungulit, tas pag ako nag lalaro na ngungulit siya, na ngungumpara pa, nak ng.

"Kapag siguro yung author ng wattpad story na binabasa ko yung jinowa ko hindi ganito! Walang kwentang relasyon buset!"

Inis siyang tumayo at lumayas sa kwarto ko, nag pasalamat naman ako dahil don, kasi baka hindi na ako maka pag timpi't masigawan ko siya, sumusobra na kasi siya, simula ng maging adik siya sa wattpad na yan, tumaas na yung expectations niya, siguro nga kung una niyang na kilala yang wattpad bago ako hindi naging kami eh.

"Hindi mo talaga ako susuyuin?!" after 3 hours bumalik siya, galit na galit yung itsura, ano nanaman ba?

"After comparing me to someone who doesn't even know you're existing? Susuyuin pa kita? San ka bumili ng kapal ng mukha mo." na tigilan ako ng sampalin niya, what the hell?!

"How dare you call me makapal ang mukha?!"
"How dare you slap me?!"

Balik na sigaw ko, wala eh, sinagad niya ko, ilang buwan akong nag timpi sa kanya akala ko nung una tinotopak lang pero pucha naman dre, malapit ng isang taon tinotopak parin siya? Ano siya binabad ng toyo?

Na luluhang lumabas siya ng kwarto ko, hayst, mahal ko siya, kaya nga tinitiis ko eh, pero minsan kasi talaga sobra na, lumipas ang isang oras nag desisyon akong kausapin siya, kakatok na sana ako ng kwarto niya ng maisip ko, baka mas mabuti kung bilhan ko siya ng regalo.

Agad akong pumunta sa mall at pumunta sa bookstore maraming libro, ewan ko ba kung san yung maganda dito.

"Eto oh, maganda yan." sabay abo't sakin ng babaeng naka school uniform bata pa. Tinignan ko yung inabot niya, series yun parang 'vampire series'.

"Salamat."
"Para sayo?"

Umiling ako, aalis na sana ako pero balak niya pa atang makipag kwentuhan, ang sama ko naman kung lalayasan ko na siya bigla, kaya kumuha na lang ako ng libro na walang seal at binasa yun habang naka sandal sa wall.

"Sa girlfriend ko."
"Ang swerte naman niya."

"Parang hindi naman, she always compare me with those jerks who doesn't even exist, nung una selos lang na raramdaman ko, pero habang tumatagal na iinis na ko, she want me to be perfect, wala namang perfect ah."

I don't know why I'm saying this to her, pero kasi, parang ang gaan ng loob ko sa kanya.

"To be honest, ganun talaga yung ibang babae, halos lahat ng wattpad readers ganon, kagaya ko, feeling ko kasi, kapag hindi ko na achieve yung expectations ko matatapakan ko yung pride ko, kasi bakit ka pa mag eexpect kung hindi din pala yun yung tutuparin mo hindi ba? Para ka lang nag promise sa sarili mo tapos hindi tinupad, sa totoo lang pati ako na iinis na sa sarili ko, kaya siguro hindi ako nag kakajowa dahil sa sobrang taas ng expectations ko. Pero alam mo ba yung expectation namin na sobrang taas, kayang hilahin yun ng kung sino basta nasa kanila yung pinaka importanteng bagay."

"Ano?"

"Yung love, basta alam, ramdam, at kita naming mahal kami ng isang lalaki kahit mas mataas pa sa Mt. Everest yunh pride namin bababa yan para sa inyo. Kung ako sayo, ok lang kahit hindi mo maabot yung matataas niyang expectation, kayang kaya mo naman yung hilahin pababa, HAHA. Basta, mahalin mo lang siya."

"Pero. Kung hindi man kayo para sa isa't isa, malay mo, merong babae jan na naka tadhana sayo, yung, high din yung expectation, pero abo't na abo't mo."

Ang tindi naman ng pinag huhugutan ng batang toh, akalain mo inadvisan pa ang mas matanda sa kanya.

"Anyways una na ko, baka hanap na ko ng mama ko eh. Goodluck sa pag suyo mo." saka tinapik yung balikat ko.

Thank you

"Ano toh?!"
"Gift ko sayo, sorry kung na siga-"

"Vampire Series?! Season 1?!"
"Ginagago mo ba ko?! Na basa ko na toh! Meron na ko niyan! Sinasayang mo oras ko!"

Na gulat ako ng basta na lang niyang utapon sa kung saan yung higit isang libong pisong libro na binili ko para sa kanya.

"Hindi mo man lang ba maaappreciate yun?!" ok, hold your temper Rey.

"Appreciate?! Yun?! Taena naman Rey! Mas matagal na pa yung librong yun kesa sa relayon natin! Tapos yun yung ibibigay mo?!" what the fuck para lang dun?!

"Bakit hindi mo gayahin yung mga lalaki sa wattpad hindi puro mga walang kwenta regalo nila, diandaan nila sa EFFORT, hindi sa PERA!"
"You know what?! I'm tired of you! Nakakasawa ka na! Lagi na lang walang kwenta mga ginagawa mo, let's end this!"

Wow, ganun na lang yun, ang kapal naman, siya pa may gana makipag break after niya kong sigaw sigawan at ikumpara kung kani kanino, sa tao- ah basta hindi tao yun! Fictional Character!

"Sabi na eh, ikaw yun." bulong nung bata, nu daw? Di ko na dinig.

"So asan na siya?"
"Kasal na siya, sa lalaking nag satisfy ng mga pag kukulang ko. Yung author ng favorite wattpad story niya."

Na kakalungkot, hanggang ngayon kasi, mahal ko pa rin siya, siya parin, kahit matass expectations niya, kahit hindi ko abot yun.

"Nako! Hayaan mo na yun, dadating din yung taong para sayo, yung high din ang expectations, pero abo't na abot mo."

Ba't parang, na dinig ko na yon.

"Pero. Kung hindi man kayo para sa isa't isa, malay mo, merong babae jan na naka tadhana sayo, yung, high din yung expectation, pero abo't na abo't mo."

/////WORK OF FICTION/////
/////PHOTO NOT MINE/////

100 Short StoriesWhere stories live. Discover now