46

5 2 0
                                    

FEBRUARY 23, 2021

Fight (Truth)

It's just a game.

Just. A game.

Not until.

"Truth."
"Why. Why didn't you. Fight for me. Why did you left me without even saying nothing?"

Flashback

"Erica!!!"
"Papunta na po tatay!"

Agad kong isinuot yung medyas ko at sinabit yung bag sa braso, humarap sa salamin at.

"Ok Erica! This is it pansit! First day of college life! Laban lang! Fight!" nag polbo pa ako ng konti at bumaba na para mag almusal.

"Ikaw talagang bata na paka tagal kumilos, baka mahuli ka pa sa eskwela."
"Pasensya na tay, nag ayos pa po lam niyo na, para presentable."

Na kangiting tinitigan ako ni tatay mula ulo hanggang paa. Saka siya nag thumbs up.

"Aba'y ready ng maging guro ang anak ko."
"Naman!"

Kumakin muna kami ng almusal saka niya na ako inihatid sa unibersidad na papasukan ko, tricycle driver si tatay, scholar ako ng isang sikat na artista, hindi ko pa na kikita sa personal yun, ayaw daw kasi niyang maattach sa mga scholar niya.

Nag libot libot muna ako sa unibersidad, wah, na paka gara, ang lalaki ng gusali, nak ng dito ka Erica, dito ka papasok at dito ka gragraduate, at magiging opisyal na guro.

"Excuse me miss." tinignan ko, hala pede pala yung ganito dito, yung may kulay ang buhok, lalaki pa naman tapos mahaba pa, kulay pink ang buhok niya, tapos mahaba kaya may bangs na siya, sasabihin ko sana bakla dahil pink kaso hindi eh, lakas ng dating.

"Ano po iyon ser?" tinaasan niya ko ng kilay, ay hala baka barbie nga!

"Miss, were both student here, I'm not yet a teacher so don't call me ser, and also it's SIR not SER." dami namang sinabi.

"Ah pasensya na..."
"Cardo." Dalisay?!

"Ah pasensya na Cardo, bakit mo nga pala ako tinawag?"
"You drop your wallet, and also."

Hala? Nag labas siya ng pera, yayamanin pala tong cardong toh eh.

"Here 5,000 pesos, I want you to know miss, your 20 pesos won't fit in here, don't worry about the money It's on me." hala, bait sana kaso, may pag kamayabang.

"Anong hindi bagay yang bente pesos ko dito?! Sabi nga sa comercial, saan aabot ang bente pesos mo? Sakin dito sa sa UP!"
"Whatever!"

Saka na niya ko tinalikuran, hala, kapal ng mukha, arte arte kala mo gw- oo nga gwapo nga. Hayst, bakit ba ang daming matapobreng tao.

"Ok so f-"
"Sorry I'm late."

"Mr. Cardo Abad! Next time don't be late! Follow your schedule!"

Hala, si Cardo Dalisay! Blockmate kame?! First sub pa ah!

Pati sa 2nd

3rd

4th

5th

Ok! Lahat! Blockamates kami sa lahat ng sub!

"Sa sturbacks tayo."
"Teka lang Dalisay ah! Hindi kaya ako pumayag na sumama sayo bigla bigla na lang nanghihila toh."

"What did you call me?!"
"Dalisay."

Pout.

"D-Da?! What?!"
"Dalisay, hindi ba ikaw yun ,yung nasa tv na hindi na mamatay."

"P-pft, B-BWAHAHAHAHHAHA."

H-hala. Na baliw na.

"You're so stupid!"
"Iniiba mo naman yung usapan eh, ayoko nga kako sasabay mag lunch sayo!"

"Tara na, I'll treat you."
"Libre?! Libre?! Yun lang pala eh! Tara lets!"

Naka ngiting napa iling na lang siya.

"So how did you enter the university if you're just, uhm, p-poor."

"Eh kasi may nag bibigay sakin ng scholarship, actually artista daw yon eh, ang kaso hindi ko alam kung sino, hindi ko din na memeet, ayaw daw kasing maattach, yung tatay ko kasi tricycle driver lang, yung nanay ko naman, sumakabilang bahay na."

Starting that day, we became friends, hanggang sa.

"Bakit ka ba kasi nag kaka ganyan Cardo?!" ngumuso lang siya at mas hingpitan yung yakap sakin.

Kanina, na kikipag kwentuhan lang naman ako sa isa kong kablockmate na lalaki tapos bigla na lang niyang sinapak. Sabi pa niya.

"Wag mongang hahawakan yung girlfriend ko! Pag toh hinawakan mo pa ulit ililibing kita ng buhay!"

At syempre, hindi pa siya satisfied dun, nag announce pa ang tanga.

"KAYONG LAHAT! MAKINIG KAYO! ITONG BABAENG TOH! (sabay turo sakin) WALANG MAY KARAPATANG, KAUSAPIN, HAWAKAN, O LAPITAN SIYA! MALIBAN SAKIN! AT KUNG HINDI KAYO SUSUNOD, ILILIBING KO KAYONG LAHAT NG BUHAY!!!"

Kaya ngayon, ending anmin, detention, naka naman mamaya maka rating patoh sa nag bibigay scholarship anmin tong lalaking toh kasi eh na babaliw nanaman ata, hindi pinagamot.

"S-sorry na." ako naman ang umirap sa kanya, ewan ko ba, lagi na lang siyang ganyan, nagiging, seloso?!

"M-mahal kasi kita." dun ako na tigilan, bat parang iba yung pag kakaintindi ko.

"Bilang kaibigan?" tanong ko, nanlaki yung mata ko ng umiling siya.

"Higit pa sa kaibigan. Mahal kita, bilang babae." inilapit niya ang mukha niya sa mukha, pumikit na lang ako, ng malapit na.

"Mr. Abad! Ms. Mariano!" nasa detention nga pala kami.

Our relationshil was, perfect, but they say, nothings perfect.

"Pag hindi mo lalayuan yung anak ko, babawiin ko ang scholarship mo." anak ng tukneneng na kalabaw naman. Sa dinami dami ng mag bibigay sakin ng scholarship nanay pa ni Dilisay?!

Ano toh?! Magiging Cardo at Alyana ba lab story namen? Pero di naman ako mamamatay, mamamatay lang sa gutom pag nag kataong na walan ng scholarship.

"Pasensya na kayo ma'am pero-"
"He's getting married iha, ginugulo mo lang yung isip ng anak ko."

Saka niya ako inabutan ng picture ni Cardo may kasamang babae, tumitingin sila ng gown, bouquet, at kung ano ano pa. Pero ang nakaka gulat non, naka ngiti siya, hindi ganito kasaya si Cardo pag nag shoshopping kami pareho, lagi ngang naka busangot eh.

"See? He's happy." tumayo na lang ako at syempre nag bow parin bago umalis, bilang respeto.

"I'll wait, Erica." finally, she knew my name.

"What are you saying?"
"Let's stop this."

"Are you crazy?!" oo, mababaliw na ko sa kakaisip kung mahal mo ba talaga ako o ano?

"Ito yung gusto ng mom m-"
"Pano yung gusto ko?! Gusto mo?! Gusto natin?! Pano hah?!"

Ano nga bang gusto ko? Syempre yung makasama ka habang buhay, eh yubg gusto mo, ganun din ba sa gusto ko? Syempre hindi.

"Let's just. Stop "

End

"Ako nga dapat yung nag tatanong sayo niyan eh. Bakit nga ba Cardo? Bakit nga ba buhay parin ang ang probinsyano? Este, bakit nga ba hindi mo ako ipinaglaban?"

"W-what are you saying?" sus, utot mo wala ng downy!

"I saw your pictures! I saw your smile, It's real." na payuko lang siya.

"Wala kang, wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, wala kang karapatang tanungin ako kung bakit kita hindi ipinaglaban dahil, ako dapat yung nag tatanong sayo niyan. Pero sige, dahil nag truth ako sasagutin kita."

"Ipaglalaban kita? Hah! Para san pa? Kung alam ko naman sa huli talo ako, isa pa, bakit ko nga ba ipag lalaban yung taong, una palang sinukuan na ako."

/////WORK OF FICTION/////
/////PHOTO NOT MINE/////

100 Short StoriesWhere stories live. Discover now