6

12 3 0
                                    

Beauty

"Alam mo Mare bagay na bagay talaga sa anak mo yung pangalan niya, beauty!" ngumiti naman ako ng peke sa kumare ni Mama na nakikikain lang naman dito tss dami pang arte di nalang lumamon.

Agad akong umalis don matapos ihain ang niluto ni Mama na spaghetti syempre hindi ako ang nag luto sila mama nga hindi ko malutuan yun pa kayang mga palamunin?

Pumasok ako sa kwarto at sinarado ang pintuan dahil hanggang dito sa taas dinig na dinig yung malakas na bunganga ni aling Tes, paniguradong talsik laway nanaman yon.

Agad kong sinagot ang tawag ni Tan ng mag ring ang cellphone ko, boyfriend ko si Tan mag 1 year na kami next week kaya naman medyo na alis yung inis ko kay aling Tes.

"How's my sweety?" na rinig ko ang husky na boses ni Tan na paka lalaki na para bang hindi mo kayang makitang naka suot ng kulay rosas na damit.

"I'm fine how about you?" chinese si Tan at hindi pa ganon kagaling mag salita ng tagalog kaya't ang ginagamit naming linggwahe ay ingles.

"Good specially I heard your voice." agad na mumula ang pisngi ko sa mga simpleng banat niya lang isang beses palang kami nag kita ni Tan noong monthsarry namin and yes ldr kami, minsan lang kasi siya umuwi dito sa pilipinas dahil doon siya nag aaral sa China.

"I miss you." naka ngusong sabi ko na para bang makikita niya ang pagpapa cute ko.

"I miss you too, don't worry when this semester is done I will have an vacation there so that we can meet ok? I have to go sweety I still have classes to attend bye I love you." at pinatay niya na ang tawag ng hindi man lang hinihintay ang tugon ko sa sinabi niya.

"Beauty!" mukhang umalis na yung palamunin namin tuwing meryenda kaya't paniguradong pag lilinisin na ako ni Mama.

"Ma naman ikaw na mag linis jan wala ka namang gagawin eh." reklamo ko pababa palang ng hagdanan hindi naman kami mayaman para mag karoon ng katulong driver lang ng truck ang papa ko habang si mama naman housewife.

"Eh wala ka rin namang gagawin eh, Beauty may sapat na pera naman na tayo para maka pag patuloy ka sa pag aaral, mag aral ka na kasi para naman hindi ka lang naka tambay dito sa bahay." oo hindi ako nag aaral pag ka graduate ko kasi ay nahinto ako dahil wala na kaming pera pantustos sa pag aaral ko lalo na't sa isang mamahaling university ko gusto mag aral, kaya kailangan pang mag ipon ni Papa ngayong may sapat na siyang pera parang tinamad naman ako bigla lalo na noong malaman kong pwede akong sumali sa mga pageant.

"Ma ayoko ng mag aral, may mukha naman ako, at maganda pa ma kaya ito nalang gagamitin ko para kumita mas malaki pa kesa sa trabaho at hindi na tayo mag hihirap." saka ko mabilis kinuha yung mga pinag kainan at basta iniwan sa kusina ayokong pinapagalitan ako dahil na tatapakan yung ego ko.

Umakyat ulit ako sa kwarto para icheck kung saan may roong piyesta sa malapit lang na lugar balak kong sumali para mapatunayan kila mama na hindi ko na kailangan pang mag aral.

"Hello siz?" agad sagot nung kaibigan kong bakla.

"Siz sasali na ako dun sa sinabi mo sakin kahapon pede pa ba?" kahapon ay binanggit niya sa akin yung talent pageant na katabi lang ng barangay namin, hindi naman mawawala ang kaba lalo na't ito ang unang beses na sasali ako sa ganitong konpetisyon.

"Ay! Sige siz ako ng bahala sa lahat!" buti nalang talaga kahit bading toh maasahan parin.

"Pero saka na ang bayad pag nanalo na ako ah." sabi ko tinawanan niya naman ako at inend na ang call akala ko'y ayaw niya pero bigla siyang nag text.

"Ano ka ba siz, I will be your meyniger, 25% ng pinanalunan mo mapupunta sa akin at lahat lahat na ng kailangan mo ako ng bahala from make ups, costumes, and anything else ano deal bakla?" basa ko sa text niya ayun 25% mag kano naman kaya yun?

Hindi na ako nag isip pa at basta nalang umoo sa sinabi niya eh wala naman akong alam sa math math na yan malay ko ba jan.

"And the Ms. Talented Beauty goes to..." contestant 12, 12, 12.

"Contestant number 12!" wahhhh!!!! Nanalo akoooo!!!

Ilang taon akong sumasali sa mga beauty pagent at lahat naman dun nanalo ako pero hindi nga lang ako sumasali sa beauty and brains hindi naman ako ganon katalino para don.

Ok din naman kami ni Tan umuwi siya last last year pa pero strong parin kami kahit malayo yung distansya, si Mama at papa? Ayun pinipilit parin ako mag aral pero wala naman silang magagawa eh buhay ko toh kaya ako ang mag dedesisyon.

"Oh ayan na panalunan mo binawas ko na rin sweldo ko jan." sabay bigay sa akin ng white envelope na may lamang, 5,000?

"Bakit 5k lang? Diba 10k yung pinanalunan?" takang tanong ko.

"Malamang siz binawas ko na yung sweldo ko. 10,000 minus 20% is equal to 5,000 ayan bobo ka kasi." ganun ba yun? Malay ko ba sa math.

"Oh siya siya gogora na ko." saka ko kinuha yung mga gamit ko at umalis na don.

"Hay kapagod." bulong ko ng makahiga na sa kama, na pabangon naman ako ng mag ring ang phone ko.

"Mm sweety?" tanong ko ng hindi man lang tinitignan yung phone alam ko namang si Tan toh.

"You tired sweety?" nakaka inlove talaga yung boses niya.

"Mm yeah." we talked until midnight at ng mapagod na nag paalam na ko sa kanya.

50 years later

"P-pang kain lang p-po." pag hingi ko ng tulong sa mga taong nadaan.

Nawala lahat sa akin ng isang pitik lang na matay ang mga magulang ko, na wala ang career ko sa pag rampa na wala din si Tan.

Na matay si Mama at Papa dahil sa isang aksidente, hindi ko sila na pagamot dahil wala akong pera bukod sa winawaldas ko agad ang mga premyong na papanalunan ko.

Dinaya pala ako ng manager ko, ginamit niya yung kabobohan ko para kunin lahat ng pera ko masakit kasi tinuring ko siyang kapatid pero tratraydorin niya lang pala ako.

Si Tan naman na laman yung totoo na hindi ako naka pag aral hanggang ngayon ay na tatandaan ko parin ang huling salitang binitawan niya sa akin.

"Yes your beautiful, but sorry I won't like a girl who's not knowledgeable as me. Beauty you're more than this, if you really wanna learn you'll use your money for your studies not for those luxurious things you buy."

Tama nga sila hindi lahat ng lalaki maganda ang hanap mayroong mabait ang hanap, mayaman, matangkad, cute at higit sa lahat matalino na hinding hindi ko magagawa.

At ngayon 70 years old na ko nanlilimos nalang sa kalsada para mag karoon ng makakain wala akong anak o asawa na walan ako ng kaibigan dahil lahat sila kampi sa dati kong manager, mag isa nalang ako.

Madungis, kulubot, matanda at pangit. Tama sila, beauty fades away, knowledge doesn't.

/////WORK OF FICTION/////
/////PHOTO NOT MINE/////

100 Short StoriesWhere stories live. Discover now