22

12 2 0
                                    

December 25, 2020

Merry Christmas Honies!

I had a choice

"Tara na kasi Raine sasamahan mo lang naman akong bumili ng mga snacks para sa date namin ni Nath eh." pilit ko sa bestfriend kong tamad na tamad.

"Bakit ko pa kailangan masama jan Ry?" cold na tanong niya, ganyan talaga yan, masungit, cold, walang pake pero the best yan. Ako nga lang ang kaibigan niyan eh!

"Eh syempre kailangan ko ng support galing sa bestfriend ko diba!" masiglang wika ko, ngayon lang kasi pumayag si Nath na makipag date sakin eh, si Nath, Nathalia Dela Cruz, nililigawan ko siya 1 year na kaso ayaw niya, pero dahil makulit ako hindi ko siya tinatantanan.

"Mag hintay ka sa baba maliligo lang ako." mas malamig pa sa yelong sabi niya, si Raine walang nanay, at tatay yan, hindi pa naman patay, ata, lumaki sa bahay ampunan si Raine, wala siyang alam sa magulang niya, saka naman siya inampon nung mag asawang walang anak, ang kaso nung na matay yung babae, lagi siyang sinasaktan nung tinuturing niyang ama, kaya ayun, nag layas siya.

Dun niya ako na kilala, I mean yung nanay ko pala, tinuring siya nila nanay na parang anak, kinupkop siya hindi naman sa pag mamayabang pero may pera naman kami para suportahan ang pag aaral niya, pero nunb naka graduate na siya ng high school umiba na siya ng bahay, nag condo na siya, lagi niya ding binibigyan ng pera, pag kain, bulaklak, at kung ano ano pa sila mama kapalit daw nung tulong na binigay nila sa kanya.

"Woy tara na." naka tayo na siya sa harap ko.

"Anong klaseng damit yan?! Mag palit ka nga!" eh kasi naman naka black silicon bra tapos black short shorts at boots na black din, pupunta atang patay ang kaso ang ikli ng suot niya ang pangit tignan.

Hindi ko na siya hinintay mag salita at basta na lang akong pumasok sa walk in closet niya at na mili ng pwede niyang suotin.

"Ry ano ba?!" inis na sigaw niya dinig ko pa ang pag sunod niya sakin.

Habang nag hahalughog may bigla akong na kitang box na may naka sulat na 'RR MEMO' bubuksan ko na sana yun ng mapansing may pad lock ito na heart. Kaya binalik ko na lang ito sa dating lalagyan saka nag hanap ng pwedeng isuot ni Raine.

"Oh!" pag karating niya, hinagis ko agad sa mukha niya yung na pili kong damit na isusuot niya, leather jacket yon, at dahil magaling ako pumili ng damit, syempre black din yung kulay.

"Tapos palitan mo yang short mo, wala akong mahanap na pants ikaw na mag hanap." saka ako lumabas ng walk in closet niya, alangan naman panoodin ko siyang mag bihis diba.

Wala pang sampung minuto lumabas na siya, ayan ang gusto ko kay Raine, hindi siya kagaya nung mga babaeng makupad kung kumilos.

"Tara." tinignan ko muna yung kabuuan niya, ganun parin naman black silicon bra pero pinatungan ng black leather jacket, tapos leather skirt na hindi ganon kaiksi hindi din naman ganon kahaba, mas ok na kesa sa short shorts, tapos boots na black.

"Ok tara." saka ko siya inakbayan at sabay kaming lumabas ng building, bumili muna kami ng bulaklak para kay Nath. Pag dating namin sa park...

"R-Ry." ramdam ko ang pag hawak ni Raine sa braso ko, si Nath, may kahalikang lalaki.

Inalis ko ang pag kakahawak niya sa braso ko at lumapit kila Nath at sa lalaking kahalikan niya.

"Nath." tawag ko, na nginginig yung boses ko.

"Sorry pero, hindi kita mahal, s-si-"

"Liam yung mahal mo?" na gulat ako ng biglang sumingit si Raine.

100 Short StoriesWhere stories live. Discover now