2

15 3 0
                                    

September 28, 2020

Eyes Never Lie

"Ayan! 88?! Talaga ba Karina?! Nako naman! Napaka baba ng marka mo sa siyensa pano ka mag dodoktor niyan!" biglang inilapag ni Papa yung card ko sa harapan ko at tama siya mababa nga ang grade ko sa science.

"P-pa, gusto ko pong maging isang arkitekto a-ayoko pong maging d-doktor." mahina't utal utal kong wika.

"Mag dodoktor ka sa ayaw at sa gusto mo! Palamunin ka lang sa bahay na ito kaya kung anong sasabihin ko susundin mo na iintindihan mo ba ako Karina?!" sigaw ulit ni Papa.

"Arkitekto." mahinang bulong sa sarili, gusto kong maging isang arkitekto at gawan ng na paka laking mansyon ang papa ko.

Na pa hawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ang na paka sakit na palad ni papa na dumapo dito.

"Anong sabi mo?! Arkitekto?! Hah! Kaya ba 92 ang grade mo sa arts kasi magaling ka gumuhit?! Wala akong pakialam Karina! Kahit ikaw pa ang pinaka magaling gumuhit sa buong mundo wala akong pakialam! Magiging doktor ka at yun ang desisyon ko! Ngayon pumasok ka sa kwarto mo at mag aral ng siyensa! Pag hindi umabot sa 90 pataas ang grade mo itatakwil talaga kita!" sabay alis bahay at pinaandar ng na paka bilis ang kotse niya.

Ganon lagi si Papa kung anong gusto niya, dapat na susunod, naging mapanakit siya ng iwan kami ni Mama sumama siya sa ibang lalaki dahil hindi maka hanap ng maayos na trabaho si Papa, ngayon naka hanap na ng maayos na trabaho si Papa pero hinding hindi niya na makukuha ulit si Mama, kaya ako lagi ang pinag didiskitahan niyang pagalitan at saktan wala akong kapatid kaya mag isa ko na lamang maliban kay Papa na sinasaktan pa ako.

Gusto ni Papa na maging Doctor ako kasi yun ang pangarap niya noong bata pa siya pero si Mama sabi niya kung ano daw ang gusto ko susuportahan niya ako, kahit wala na si Mama at Papa hindi parin ako pinapabayaan ni Mama pero hindi niya rin naman alam na sinasaktan ako ni Papa kaya hindi niya ako kinukuha.

"Kare sabi ni Nanay punta ka daw sa bahay bukas birthday kasi ni Bunso eh." na patingin ako ng may tumabi sa akin, si John lang pala, boyfriend ko si John hindi siya kilala ni Papa kasi baka pag na laman niya magalit siya pero kilala ako ng pamilya ni John, si John nalang ang naka pag papasaya sakin.

"Ok ka lang ba mahal?" bumalik ako sa reyalidad ng bigla niya akong tawagin.

"A-ah oo." nag iwas ako ng tingin, agad niyang hinawakan ang pisngi ko para iharap sa kanya at hinaplos iyon.

"Masakit pa ba?" alam kong alam niya, kahit hindi ko sabihin alam kong alam niya, kasi hanggang ngayon na mumula parin ang pisngi kong sinampal ni Papa.

"Hindi na masakit yan pero ito." sabay turo sa puso ko.

"Sobrang sakit neto mahal, sobrang pagod na toh." malungkot na sabi ko.

"Wag na wag kang bibitaw mahal ah, wag na wag mo kaming iiwan." saad niya. I just smiled at him at iniiwasan tumitig sa mga mata niya.

"Mahal, pano mo na lalamang na sasaktan na ko?" pag iiba ko ng usapan.

"Ganun talaga pag mahal mo yung isang tao mahal, mararamdaman at mararamdaman mong malungkot siya lalo na kung kilala mo ang buong pag katao niya." hmm ganun na siguro niya ko kakilala pero pano naman kaya yung hindi ako kilala.

"Pero alam mo ba na may isa pang paraan para malaman kung malungkot ba ang isang tao, na kahit hindi mo kakilala malalamang malungkot ka, if that person look in to your eyes he or she will know what are you feeling." parang na hulaan niya naman agad ang nasa isip ko kaya sinagot niya ito.

"Pano naman mahal?" takang tanong ko, manghuhula ba sila para tumingin lang sa mata malalaman na kung anong na raramdaman nung tao.

"Mahal eyes never lie. And every time I look in to your eyes I always saw sadness and loneliness, when I met you I wanted you to be my friend because I can feel and I can see in to your eyes that your in hurt and I'm right you really are in hurt." na gulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko ulit at haplusin ito.

"Nihindi mo nga naramdaman na bumagsak na pala toh oh." sabay pakita sakin ang hintuturo niyang basa na dahil pinunasan ang hindi ko na papansing luhang bumagsak sa mata ko.

"Your eyes really never lie, para siyang makulit na bata na kahit sabihin mong wag umiyak hindi papapigil at iiyak parin, hindi ka man naka ngiti pero malalaman mong masaya ka pag tinignan mo ang isang tao sa mata." sabi niya saka tumingin sa labas ng classroom.

"Kaya mahal, kahit anong tago mo ng na raramdaman ibubuking at ibubuking ka talaga ng mata mo, like I've said Eyes Never Lie."

Makalipas ang sampung taon

Nasa mall ako para bumili ng surgical mask para sa hospital na pinag tratrabahuhan ko hindi pa ako graduate pero intern na ako sa isang hospital.

"Ang sweet naman ni Kuya."
"Oo nga sana ako rin maka hanap ng gaya niya."

Na pahinto ako sa pag lalakad ng mapansin ang mga taong nag kukumpulan sa may tindahan ng karaoke.

"Sabay tayong mangangarap ng nakaraan natin, at ang naka lipas ay ibabalik natin. Mmmmmmmm." sinaksak naman ang puso ko ng makita siya, yes it's John.

Singing, smiling, while holding someones hand, happy.

We broke up 5 years ago na laman naming may relasyon si Papa sa nanay niya.

Flashback

"Kung hindi dahil sa tatay mo hindi masisira yung pamilya ko! Alam mo namang wala na si Tatay diba! Si Nanay nalang yung pag asa namin pero dahil sa putangina Tatay mo na wala pa siya malas ka! Malas ka sa buhay namin! Mag break na tayo!" at iniwan akong naka tayo sa kalsada habang basang basa parin sa ulan.

"Y-yung pamilya mo masisira palang pero yung pamilya ko matagal ng sira, buti ka pa nga eh may kapatid ka pa ako walang wala na." sabi ko na parang may kausap pero wala naman talaga, iniwan niya na ko, ayaw niya na akong ipag laban hindi ako bumitaw para sa kanya pero ano nalang ang kakapitan ko ngayon kung wala na siya?

End of flashback

I saw him happy, smiling, and holding other girls hand, masakit kasi hanggang ngayon hindi parin siya maalis sa isip at puso ko pero siya iba na yung nasa puso niya.

Tama siya hindi nga talaga nag sisinungaling ang mata kasi na kikita ko sa mata niya na masaya na talaga siya. Eyes do really never lie.

/////WORK OF FICTION/////
/////PHOTO NOT MINE/////

100 Short StoriesWhere stories live. Discover now