Chapter 25

126 6 0
                                    

Favorite

It has been months since that day in Tagaytay. Sync and I were okay, and we still see each other. Mas madalang na nga lang ngayon dahil pareho kaming naging busy na sa kaniya-kaniya naming mga schoolwork.

After din noong sagutan nilang dalawa ni Ashton ay napansin kong tumigil na rin si Sync sa pagpunta sa bahay. Maging si Ashton ay lumipat na rin at nagsimula nang tumira sa condo niya. I'm just not quite sure kung isinama ng kapatid ko si Ate Yoreen pero sa tingin ko ay hindi. At baka minsanan na lang din iyong puntahan si Ashton. Pero hindi rin talaga ako sigurado dahil buwan na rin nang huli kong makita si Ate. Last na iyong pinauwi niya ako noong narinig kong nagkakasagutan si Sync at Ashton.

Hindi ako sigurado pero sa pagkakarinig kong sabi ni Nanay Sally ay may hindi rin daw pagkakaunawaan sina Ate Yoreen at Ashton. Kung ano ang dahilan ay pareho kaming walang alam ni Nanay.

That's why I'm here sa condo ni Ashton. Sakto at wala siyang pasok pero marami siyang case studies na kailangang tapusin. For sure ay ganoon din si Sync since classmates sila sa halos lahat ng course subjects.

"What's wrong with you lately, Ashton?" dahan-dahan kong tanong, tinatantiya ang mood ng kapatid ko.

He didn't answer, though. His attention remained on his papers. Ngumuso ako at tumayo para pumuntang kitchen. Nagsalin ako ng cold water sa baso ko at ibinalik iyong glass jar sa refrigerator. Pagkatapos ay bumalik ako sa study room ni Ashton.

Hindi pa rin siya natitinag sa ginagawa hanggang sa maubos ko na iyong tubig ko. Nang nilapag ko iyong baso sa coffee table na naglikha ng maliit na ingay ay saka lang ako binalingan ng kapatid ko.

"Aren't you busy? Hindi ba at dapat ay nag-aaral ka ngayon dahil marami kang exams this week?" kalmado pero malamig na sabi ni Ashton. Ngumuso ako ulit.

"Tapos na akong mag-aral at nagpapahinga lang ako saglit dahil buong araw na akong nag-aaral kahapon," pagpapaliwanag ko. "And I just want to check on you. Balita ko ay magkaaway raw kayo ni–"

"You don't have to worry about that, Ace." Hindi ko pa nababanggit ang pangalan ni Ate Yoreen ay pinutol niya na agad ang sinasabi ko. It was as if he already knew where this is going. "You should go. I'm busy," dagdag niya pa at muling ibinalik ang atensyon sa ngayon ay nakabukas na niyang laptop.

"But I can't just sit around and do nothing, Ashton. Kapatid mo ako and may karapatan akong mag-alala sa 'yo," sabi ko na siyang dahilan para lingunin niya ako ulit. This time, nakakunot na ang noo niya at parang naiirita na.

Hindi ko alam, pero I know that something is wrong. At ramdam kong hindi iyon mababaw lang. I'm really worried, especially now that Ashton is starting to get annoyed with me for real na first time lang mangyari.

Yes, may mga pagkakataon na madalas kaming mag-away pero iyon ay petty fights lang at hindi naman seryoso. Biruan pa nga minsan. Pero iyong pagkairita niya sa akin ngayon ay nakakabahala na. He never gets annoyed with me. At ang simpleng paraan nang pagkunot ng noo niya ay ang kompirmasyon ko para i-conclude iyon. He's mad and I don't know why.

"Sa tingin mo ba ay hindi ko napapansin ang mga kilos mo? You are starting to change, Ashton at natatakot akong kapag hinayaan ko 'yan ay baka sa susunod na makita kita ay hindi na kita makilala." I tried to compose myself dahil nagsisimula na talaga akong matakot ngayon sa kapatid ko.

Nilapag niya ang ballpen niya sa mesa at pinagsiklop ang dalawang kamay habang ang mga siko ay nakapatong sa mesa. He looked at me with his piercing eyes. Napalunok at sinubukang tapangan pa ang sarili habang sinusuklian ang mga titig niya sa akin.

"When did you start caring for me, Ace Hailey?" he asked with so much indifference. Napaawang ang bibig ko sa gulat nang tanungin niya iyon. "Why don't you just stick your nose to where it actually belongs, and stop bothering me, hmmm?" My jaw dropped completely.

Amidst UncertaintiesWhere stories live. Discover now