Chapter 12

95 9 8
                                    

Like

"Tama 'yan, Ace. Huwag mo na lang problemahin ang lalaki. Mag-aral ka na lang. Tapos ito, kumain ka. Stress eating." Pinaglalagyan ni Antonia ang plato ko ng kung ano anong pagkain from the buffet.

We decided to eat in a buffet to celebrate our exams. Tapos na kaming apat sa lahat ng final exams namin and malapit na ang bakasyon. Next school year, 4th year college na kami. However, kahit sa bakasyon ay aasikasuhin ko iyong thesis ko. Well, depende kung matapos ko agad bago magbakasyon. 

Malapit na rin naman akong matapos doon kaya nama-manage ko naman kahit papaano. Mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang studies ko imbes na problemahin iyong nangyari sa amin ni Sync noon.

Ang tagal na rin after noong hindi namin maayos na pag-uusap na 'yon. I became busier and busier. Pansin kong ganoon rin ang kuya ko kaya malamang pati si Sync ay busy na rin. Sinusubukan ko ring hindi na lang isipin iyong nangyari na 'yon dahil hindi naman siya maganda isipin pa. Sumasakit lang ang ulo ko kapag naaalala ko.

"Hoy, Leila. 'Wag mo akong ubusan ng Cordon Bleu! Ako naglagay n'yan tapos uubusan mo ako?" Reklamo ni Antonia habang pinipitik 'yong kamay ni Leila. Napailing na lang ako habang pinapanood ang dalawa at ngumunguya ng pagkain ko.

"Marami pa naman doon, ah? Ang damot naman nito. Susumbong kita sa pinsan ko tamo!" Sabi ni Leila na siyang nagpatahimik kay Antonia. I chuckled and shook my head again.

Napansin kong tahimik si Tinay at hindi man lang nakikitawa.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin. Ngumiti siya at tumango. "Hindi ka okay.." I confirmed. Napasimangot siya bigla.

"May problema ka rin Tinay?" Tanong bigla ni Antonia. I looked at her, however my eyes drifted on the person who entered the restaurant. It was Travis.

Tumayo ako kumaway sa kaniya. He was looking around until he saw me. Ngumiti siya at naglakad na patungo sa table namin. Umupo siya agad sa tabi ni Leila.

"Hi, girls. Long time no see!" Bati niya.

"Uy, Traviano Elfrimo!" Parang announcer na bati ni Antonia kay Travis. 

"Hello, Trav." Si Tinay. 

Nakita ko ang pagtitig ni Leila sa kaniya, or sa buhok niya. Tumawa ako bigla kaya napatingin silang lahat sa akin. Umiling ako, telling them to not mind me. Uminom ako ng tubig habang tumatawa pa rin nang mahina.

"Good thing you already cut your hair off." Si Lei habang inaayos iyong buhok ni Travis. I laughed again while watching them.

"Yeah. When I came back, I suddenly remembered how you hated my hair back then. Kaya nga kunwari magpa-practice ka sa akin for TLE pero kinalbo mo ako, hindi ba?" He said which made us all laugh as we all remembered what happened before.

"It's because it was really panget. 'Di ba, Tinay, Tonia?" He asked the two pero tumawa lang ang dalawa bilang pagsagot.

Sumimangot si Travis at kinuha iyong plato ni Leila. Doon na siya kumain kaya ang nangyari ay nagbangayan na naman ang dalawa.

Simula pa lang noong high school nang magkakilala 'yang dalawang 'yan ay palagi na lang talaga silang nag-aaway. May iba pa nga na nag-aakalang mag-jowa sila na laging may lovers' quarrel kahit hindi talaga.

But Travis told me something that I was already expecting even before. Simula pa lang noon, and yes hanggang ngayon. I smiled as I watched them tease each other. Sa huli ay nag-share na lang sila sa pinggan ni Leila.

"Huwag ka ngang magkamay dito. Nakakahiya ka." Nanatili kaming tatlo nila Tonia at Tinay na nakatingin sa dalawa habang kumakain kami.

"Ayaw mo kasi ipahiram sa akin 'yong utensils mo!" Si Travis habang sinusubukang abutin 'yong utensils ni Leila.

Amidst UncertaintiesWhere stories live. Discover now